Chapter 3 Alone

1.2K 15 1
                                    

For the past months, nasanay na din akong mamuhay na malayo kay Wyngard. Hindi madali pero habang nagtatagal, nasanay na din ako.

Kumakain akong mag-isa.

Nagsisimba alone.

Namamasyal sa mall nang ako lang.

Tama si Wyngard.

Kaya ko!

Kung gugustuhin ko.

Pinilit kong iayos ang buhay ko nang malayo sa kanya.

Pinili kong maging trabaho at bahay lang ang routine ko araw-araw

I'm missing him, pero tanggap ko na ang sitwasyon na meron kami.

It's been six months sinced he left

Six months na din nung huli kaming nagkita at nagka-usap.

Hindi ko alam kung bakit bigla siyang nagbago

Biglang hindi na lang siya nagparamdam.

At napakalaki kong Gaga na naniwala na babalik agad siya.

Pero siguro nga okey na sya dun.

Masaya na siyang malayo ako

Atleast dun walang Leanne na mang-aabala sa kanya.

Okey na naman ako eh, kahit wala siya.

If there's one thing na pinagsisisihan eh yung pina-ikot ko ang buhay ko sa kanya.

Ayan tuloy!

29 na ako pero heto ako naghihintay nang right man for me.

Ang tanga ko kasi eh!

Hinayaan ko ang sarili ko sa kasunduang Ako din ang talo!

Huli ko na kasi naintindihan na hindi magiging kami.

Paano nga ba magiging kami?

Eh hindi naman niya ako nakikita beyond sa kung anong meron kami beyond friendship.

Enough of him na nga!! bahagya ko pang pinilig ang ulo ko para at least mawala siya sa isip ko. Nagpatuloy ako sa paghakbang, but unfortunately siya pa din ang nasa isip ko.

Nang biglang,

Blag!!!

Sobrang busy na nga siguro nang isip ko sa madaming bagay kaya hindi ko na napansin ang kasalubong ko.

"Oh shit"! narinig kong sabi nang isang lalaki nang bumunggo ako sa malaking bulto nang katawan niya. Nakita ko din ang pagkunot nang noo niya nang salubungin ko ang kanyang mga mata.

"Hoy huwag mo akong mumurahin"! nagsiklab agad ang inis ko sa lalaking kaharap.

"Hindi kita minumura"! sagot agad nang lalaki.

"Hindi ka kasi tumitingin sa tiitingnan mo"! sabi ko naman, kahit na gwapo siya wala akong pakialam.

"Bastos"! sabi ko pa, hindi naman kasi ako sanay na nakakarinig nang ganung salita, kaya kahit hind man intention na murahin ako, feeling ko para sa akin yun.

"By the way I'm Gilbert" instead na patulan ako, nagpakilala pa ang hitad.

Hindi ko sana aabutin ang nakalahad niyang kamay pero nakatingin na sa amin ang ilang tao nang mall.

"Glad to meet you" nasabi ko na lang tsaka inabot ang kamay niya.

Nonsense kung magsungit pa ako.

Baka eto na yung balato sa akin ni pareng Tadhana.

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon