Chapter 8
"Pasensya na po judge, pero I need your help" sabi ko kay judge Santos sa kabilang linya.
"Anything important? Hindi mo ako tatawagan sa ganitong alanganing oras kung walang enough na dahilan" nakaka-unawang tanong ni Judge sa kabilang linya. As always palagi siyang approachable na hindi ka maiilang sa kanya.
"I want to marry someone and your the only person who could help me right now" amin ko sa may edad na ding abogado.
"I thought you don't have any girlfriend"?may pagtatakang tanong nang Judge na halatang antok pa. Nagka-kwentuhan kasi kami before at nabanggit ko na wala akong girlfriend.
"Siya yung babaeng kinuwento ko sa'yo before"! amin ko kay Judge.
"You mean pakakasalan mo na siya"! bigla naramdaman kong na-excite siya. Nakwento ko kasi sa kanya minsan na may pakakasalan na ako at the age of 29.
"Kapag hindi ko pa siya pinakasalan ngayon I will die regretting na hindi ko siya pinakasalan" seryoso kong sabi. A
"How serious are you with this Atty. De Silva"?
"Very serious Judge! So please help me with this, I will fix all the necessary papers after" sumamo ko kay Judge. Mali kung susundin ang batas. Pero this might be my last chance.
"Ok fine"! I'll see you then"! yun lang at nawala na siya sa kabilang linya
"Hoy Wyngard! Sihnong ikakasal?" tanong ni Leanne. Akala ko tulog na tulog na siya. Kanina pa kasi siya nakapikit.
"Pakakasalan mo na ba yungh Claudine nah yun"? You're such a liar! Sabih mo akoh yung papakasalanh mo"!sumbat pa din niya.
Pero hindi ako sumasagot, instead patuloy lang ako sa pag- drive. Gusto kong makarating na agad sa bahay ni Judge. Natatakot akong magbago pa ang isip ni Judge na mag-officiate nang kasal ko.
"Saanh ba kasi tayo pupuntah"? tanong pa din niya.
"Sleep"! at nirecklined ko na yung bangko ng kotse. Kailangan niyang mahulasan.
She need some rest para medyo hulas na siya mamaya.First time ko siyang nakitang ganito kalasing!
And the hell with that Gilbert!
Hindi marunong mag-alaga nang girlfriend!
Kung hindi ko napigilan ang sarili ko kanina, baka nasuntok ko na siya.
Sa buong duration nang pag-inom namin ni Jayson kanina, isa lang ang thought nang mga sinabi niya.
Huwag ko daw hayaang mawala pa si Leanne sa akin. Baka daw maunahan pa ako nang Gilbert na yun.
Ayain ko na daw agad magpakasal si Leanne, tutal naman daw na may kasunduan kami.
Ayoko sanang gamitin yun para pakasalan niya ako, pero wala na talaga akong choice.
Ayaw ko namang mapunta siya sa manlolokong yun!
Lihim akong nagpa-imbestiga para,alaman ang background nang Gilbert na yun, Just to make sure na worth it yung pagpapa-ubaya ko but to my disappointment. May iba pa palang girlfriend ang Gilbert na yun!
Niloloko lang pala niya si Leanne.
As much as I wanted to say it kay Leanne hindi ko naman masabi, dahil ayaw kong isipin niya na naninira ako. I'm about to tell her na sana kanina kaya lang nawalan naman ako nang pagkakataon.
And besides, hindi ko naman hahayaang masaktan niya si Leanne.
Bago pa mangyari yun, pakakasalan ko muna si Leanne.