Chapter 20 Friendship Over Marriage

378 5 2
                                    

Chapter 20

**LEANNE's POV**

Parang gusto kong ma-guilty nang pagbuksan ako ni Wyngard ng pinto.

Halos hindi pa din siya nakakatulog.

"Sinong naghatid sayo"?tanong lang niya.

"Si Gilbert"! casual kong sabi habang patuloy sa paglakad.

Kung pwede lang na hindi muna umuwi dito sa bahay!

Hindi ako uuwi eh! Si Gilbert at May lang talaga yung mapilit!

Sabi ni Gilbert hindi ako dapat magpadala sa bugso ng damdamin ko.

Mas mabuti pa din daw pag-usapan naming mag-asawa.

Huwag daw akong gumawa ng sarili kong interpretation sa nangyari.

Maari daw kasing mali iyong iniisip ko

Baka daw may ibang kahulugan ang naging pag-uusap nila.

Pero kung anuman yung dahilan!

Isa lang yung alam ko!

Nasasaktan ako!

Ano ba naman kasi ang laban ko sa Ella na yun eh siya yung Great Love!

So I made a decision na kahit kay Gilbert hindi ko sinabi.

"Can we talk"? halos panabay naming tanong sa isa't isa.

"Okey! You first"! sabi ni Wyngard, habang titig na titig siya sa akin. This time magkaharap na kami sa salas.

Pinili kong maupo ng malayo sa kanya para kayanin sabihin lahat ng gusto kong sabihin. Baka kasi kapag nalambing niya ako.

Magbago pa ang isip ko.

Sinalubong ko ang mga mata niyang nakatitig sa akin dahil gusto kong makita ang reaksyon niya sa sasabihin ko.

Malakas ang kabog ng dibdib ko

Bigla parang umurong yung dila ko!

Hindi ko kasi alam kung paano sisimulan!

There's no easy way para sabihin ang gusto kong sabihin.Pero Pipilitin kong sabihin ng hindi ako iiyak.

"I'm setting you free"! finally nasabi ko din.

"What do you mean"? tanong niya

"Pinalalaya na kita sa lahat ng obligasyon mo sa akin!" sabi ko, huli na ng marealized ko na tinagalog ko lang yung sinabi ko sa kanya.

"Are you giving-up on us"?

"Yah"! maikli kong sagot

"Why"? maikli niyang tanong.

"Because I realized na mas importante sa akin yung pagiging mag-bestfriend natin. Na mas magiging hindi kumplikado ang lahat kapag babalik na lang tayo sa dati"! pigil ang luhang sabi ko.

"Sigurado ka na ba sa desisyon mo"? tanong niya ulit.

"Hindi"! lihim na sagot ng isip ko pero iba yung naging sagot na lumabas sa bibig ko.

"Oo"! without hesitation na sabi ko.

"Okey! If that's your desesion wala na akong magagawa para mabago yun"! casual lang niyang sabi. Ni walang bakas ng kahit na anong sakit sa mukha niya.

Just like that tinanggap niya yung naging desisyon ko!

Pumayag siya agad-agad!

Hindi man lang umapela!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon