Chapter 6
** LEANNE's POV**
" Yung toothbrush ko nakita mo"? narinig kong tanong ni Wyngard mula s labas nang nakapinid na comfort room.
Pina-una na niya akong mag-shower after naming mag-dinner
Dahil nga madalas siya dito sa apartment ko, may sarili na din siyang gamit dito sa apartment at ganun din ako sa condo unit nya.
"Hindi! Malay ko ba sa gamit mo! sigaw ko para marinig niya yung sagot ko.
"May spare ka pa"?makulit niyang tanong
"Wala na, pinagamit ko kila Mama nung last time na andito sila" pasigaw ko ulit na sabi.
"Anong gagamitin ko"? instead na sumagot ulit binuksan ko na yung pinto nang banyo. Buti na lang at tapos na ako, kundi hanggang mamaya pa kami magsisigawan.
Nakakunot na ang noo nya sa sobrang inis. Pero sobra yung pagtitig niya sa akin.
Yung klase nang tingin na parang nanunuri.
Nagagandahan kaya siya sa akin? biglang sumagi sa isip ko.
"Yung toothbrush ko"? ulit niya sa kanina pa niya tinatanong.
"Ewan ko"! sagot ko.
"Nawala lang ako saglit! Itinapon mo na agad yung mga gamit ko"! tila nagtatampo niyang sabi.
"Alam na alam mo na hindi ako ganun! Takot ko lang na gantihan mo ako sa pagtapon din nang gamit ko sa condo unit mo"!
"Eh anong gagamitin ko"? tanong niya
"Huwag ka nang magtoothbrush"!
"Samahan mo na lang akong bumili sa labas" tila naglalambing niyang sabi.
"Tinatamad na ako"!
"Ayaw mo talaga akong samahan"? tanong niya
"Ayaw"!
"Pwede kong hiramin yang toothbrush mo"? he said,
"Seryoso"? nakakagulat lang kasi, sobrang personal na nang toothbrush para s maseselan na tao.
"Walang kaso yun, magbestfriend naman tayo! Hindi ka naman bad breath at wala ka naman sigurong rabies" yun lang ang sagot niya bago pumasok na nang banyo.Siguro para hindi na ako makapagreklamo.
"Hoy Atty! Please magtipid ka naman sa tooth paste" sigaw ko ulit, pero hindi siya sumagot.
"Pati tipid tipid din sa tubig"! sabi ko, tsaka ko kinalampag yung pinto.
"Ang ingay mo"! sigaw niya pero alam ko nagtatawa siya.
Where always like this, minsan naiisip ko kung kami nga ang magkakatuluyan, para lang din kaming naglalaro.
I know him well!
He knows me better!
Wala sigurong magiging dahilan para magkahiwalay kami in the future kung mabibigyan kami nang chance ng tadhana.
Haays!
"Me and my wildest dream"! bulong ko sa sarili. Nangangarap na naman kasi ako nang buhay forever kasama siya.
At ayaw ko kapag ganito na ako.
I've been waiting sa salas pero 30 minutes na sya sa banyo and till now hindi pa siya lumalabas.
"Hey! baka ma-late tayo sa umpisa nang movie"!sabi ko habang kinakalampag yung pinto nang banyo.
What took him so long?