Chapter 9 Mrs. De Silva

980 11 4
                                    

Chapter 9

What's next for us? iyon ang tanong na kanina pa naglalaro sa isip ko.

Paano ako kikilos ngayong kasal na ako kay Wyngard De Silva who happens to be my bestfriend?

Nalilito ako sa biglaang switched nang status ko with him

Hindi ko tuloy alam kung paano ko siya dapat i-aaproach.

After namin manggaling sa bahay ni Judge, we both decided na umuwi na lang sa condo unit niya.

"Why so quiet"? tanong niya nang tuluyan na kaming nakapasok sa unit niya. Napansin niya siguro na kanina pa ako hindi umiimik sa kotse.

Umiling lang ako bilang sagot. Hindi ko naman kasi alam ang sasabihin ko.

Sasabihin ko bang masaya ako kasi finally mag-asawa na kami

Or should I say na nalulungkot ako kasi I knew the reason why he marry me.

"I know your tired! Matulog ka muna" he said

"Magpi-prepare muna ako nang breakfast for us" wala sa loob kong sabi

And I saw him laugh

"Why are you laughing"?

"Asawa na nga pala kita"! sabi niya.

"Hoy Atty. De Silva! Kapag andito ako sa condo unit mo buhay prinsipe ka naman talaga ah!" hirit ko sa kanya

"Well I would love to know what's the big difference ngayong asawa na kita"! sabi niya tsaka ako kinurot sa pisngi, as he always does kapag naglalambing sya.

Sasagot pa sana ako kaya lang napahikab na ako! Antok na naman kasi talaga ako.

Gustuhin ko man siyang ipagluto on our first day as a married couple hindi na talaga kaya nang powers ko.

So I laid myself on the sofa.

"Hey! Bakit dyan ka nahiga"? kunot ang noo niyang tanong. Madalas kapag sa condo niya ako natutulog, sa kuwarto niya ako at dito siya sa sofa. Pero after naming maikasal, hindi na ako confident na matulog dun.

"Eh kasi" nasabi ko na lang.

"Hey! Asawa na kita! Kailangan mo nang masanay matulog na kalapit ako" nagtatawang sabi ni Wyngard habang pilit na inaangat ang katawan ko sa sofa.

"Ha? Lapit tayong matutulog"? tigagal kong tanong.

"Mag-asawa na tayo di ba"? all smile niyang sabi.

"Ang awkward nun"! bulalas ko! Kahit naman kasi sanay na ako sa presence niya, iba pa rin ngayon na mag-asawa na kami.

At naku naman!

Magkalapit kaming matutulog?

Paano kung may mangyari?

Paano kung matukso siya?

After maayos ang marriage license namin may karapatan na siyang gawin sa akin ang lahat nang gusto niyang gawin!

At hindi ako ready dun!

Never kong na-imagine ang sarili kong ginagawa yun with him!

"You're blushing"! sabi niya and then he filled the whole sala with laughter.

"Nakakainis ka"! sabi ko, sabay hampas sa mga braso niya.

Nahihiya na nga ako!

Heto pa siya at nang-aalaska! Kung hindi ba naman talga siya susot!!

"I won't do anything until you say so"! nagtatawa pa din niyang sabi.

"Kapal mo"! sabi ko sabay bato sa kanya nang throw pillow.

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon