Chapter 4 Peace Offering

1.1K 16 3
                                    

"Out ka na"? tanong ni Maisie nang magkasalubong kami sa pasilyo ng hospital.

"Kanina pa sana kaya lang late na dumating si Abel" Si Abel yung karelyebo kong Nurse. Kanina pa dapat 10 pm ang out ko.

"So ibig sabihin kanina pa din naghihintay yung bisita mo sa labas"?

"Bisita"? Wala naman kasi akong ini-expect na bisita kaya nagulat ako.

"Yes! Bisita kaya dalian mo na"!nakangiti niyang sabi.

Habang naglalakad palabas nang hospital, I have Gilbert in mind. Siya lang naman yung pwedeng pumunta dito.

Pero bakit kaya?

The last time we talked, klaro na sa amin ang lahat so I guess hindi na siya ulit pupunta dito para sa sunduin ako.

Bahagya kong iginala ang tingin ko sa labas nang hospital pero wala namang Gilbert na nandon.

Nainip na siguro.

Nakailang hakbang pa ako bago ako napatigil ulit.

"Atty"! narinig kong sigaw nang isang boses lalake.

"Ano ka ba Leanne! Hindi lang si Wyngard ang abogado sa mundo"! sita ko sa sarili. Imposibleng pinuntahan niya ako! He don't usually do na sinusundo ako sa hospital. And besides, hindi pa ulit kami nag-uusap after nang huli naming pag-uusap.

Aminin ko man o hindi!

Alam kong may nagbago!

Infact malaki na yung nagbago between us.

And I'm hurting

I felt so bad na parang our friendship drifted apart dahil lang sa ilang buwan naming paghihiwalay.

"Kamusta pare"? malakas na sabi nang tinawag na Atty. At dun ako napatigil. Pamilyar kasi yung boses niya.

"May nililigawan ka ba dito pare"? narinig kong tanong nung kausap ni Atty.

"Wala pare, I came here para sunduin yung bestfriend ko"

Bestfriend!

Attorney!

Is it possible na si Wyngard yung tinutukoy ni Maisie na bisita ko.

Bigla andun na naman ang malakas na kabog nang dibdib ko.

Bakit hindi ko siya nakita kanina?

Bigla hindi ko alam ang gagawin

Hahakbang na sana ako ulit at hindi makikipagkita sa kanya

Nang biglang!

"Don't you dare na takasan ako"! narinig kong sabi nang pamilyar na boses na iyon, at hindi maipagkakaila this time that I know the man with that soothing voice.

Tumigil ako sa paghakbang pero hindi ko siya nilingon.

Bahala pa din siya sa buhay niya!

Wala akong gagawing move para magkabati kami!

**WYNGARD'S POV**

Hindi ko alam kung hindi nya talaga ako nakita kanina para lampas lampasan lang niya.

I've waited for two hours para lang iwanan nung taong kanina ko pa hinihintay. May kinuha lang ako saglit sa kotse.

Feeling ko mukha na akong tanga sa labas nang hospital, kakahintay sa kanya

Tapos heto siya at tatakasan lang ako!

Naka-ilang text ako pero wala man lang siyang reply!

Bakit ba siya nagkakaganito?

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon