Carmen's POV
It's been a week. Pauwi ako ngayon sa bahay galing sa eskwela.
Kung tatanungin niyo kung kamusta na kami, ganun parin. HAHA.
Nang makarating naman ako agad agad akong pumasok at dumiretso sa sofa. Pag upo ko pinatong ko ung mga paa ko sa lamesang nasa harapan ko.Pumikit naman ako. Hay! Nakakapagod sa eskwela.
"Hey Miss who are you?" Napadilat naman ako at napatayo ng maayos. O!M!G! Totoo ba ito? Si Dawn Zulueta,Kris Aquino at Vice Ganda ay nasa harapan ko?
"Ano po?" Tumaas naman yung isang kilay ni Vice Ganda.
"Mag nanakaw ka noh?" Tanong saakin ni Vice.
"Hindi po."
"Sure ka?"
"Opo."
"Sino ka ba?" Mataray na tanong ni Kris Aquino. So, they are true nga. Mataray tong si Kris.
"Kris naman. Huwag ka namang ganyan magtanong sa bata. Hija, who are you?" Maayos, mabait, magalang, nakakakilig na tanong ni Dawn Zulueta.
Napangiti naman ako "Ako po si..."
"Siya si Carmen, anak ni Tita Gie." Pag singit ni Lea sa usapan. Aray!
"Ah okay! I thought she's your daughter with Ag------" Pinutol naman ni Lea yung sasabihin ni Kris.
"Kris, gutom ka diba?" Iniba ni Lea yung usapan. Ibig sabihin may alam itong tatlong bibe na ito tungkol sa tatay ko.
"Hindi naman. Gawin mo lang gagawin mo Lei. We are fine here."
Umalis naman na ko at paakyat na sana sa hagdan nang maalala kong anak pala muna ako ngayon ni Nanay Gie kaya sa kusina ako dumiretso.
Pumasok naman ako sa kuwarto ni Nanay Gie at naabutan siyang nag pla-plantsa.
"Nanay, gusto mo tulungan kita?"
"Hija, huwag na. Kaya ko naman."
"Baka mapagod kayo."
"Hindi naman kasi konti lang ito. Ikaw ang baka pagod na."
"Actually!"
"Tignan mo. Bakit ka nga pala nandito?"
"May bisita kasi si Lea, kaya anak mo muna ako ngayon."
"Talaga yang si Lea."
"Nay?"
"Oh bakit 'nak?"
"Sino po ang tatay ko?" Napa ubo naman si Nanay ng marinig ang tanong ko.
"Anak, gustuhin ko mang sabihin sayo hindi pwede, kasi wala akong karapatan. Mas maganda na sigurong mang galing kay Lea yung sagot sa tanong mo."
"Okay po."
"Kumain ka na ba?"
"Hindi pa po."
"Nagugutom ka ba?"
"Medyo po."
"Sige lulutuan kita."
"Naku huwag na po. Baka magkasakit pa kayo. Nag pla-plantsa pa nga po kayo."
"Sigurado ka?"
"Opo. Hintayin ko lang umalis yung bisita ni Lea mag luluto ako ng pagkain ko."
"Sige. Mag pahinga ka muna dyan."
"Sige po."
Humiga naman ako sa kama ni Nanay Gie at nakatulog.
Nagising ako dahil nakaramdam na ako ng gutom. Pag lingon ko naman nakita ko si Nanay na natutulog na. Hindi na ako nag atubiling gisingin pa siya kaya tumayo na ako at pumuntang kusina. Nag luto naman ako ng kakainin ko.