Lea's POV
"Simple lang. Wala kang anak na nag hihintay sayo kasi nasa akin ang anak mo." Napalaki naman ang mata ko nang marinig ko un.
"Nasan ang anak ko? Ibalik mo siya sakin." Ngumisi naman siya.
"Bakit ko naman ibabalik? Anak ko din naman siya ah." Napakunot noo naman ako.
"Anong sinasabi mo? Nasabi ko naman sayong hindi mo siya anak diba?"
"Hindi? HAHA! Sinong niloko mo? Lea, kung anak siya ng lalaki mo edi sana lumaki siyang may kinikilalang ama." Natahimik naman ako. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko.
"Come with me." Hinila naman niya ako papuntang parking lot.
"Aga ano ba! Nasasaktan ako! Saan mo ba ako dadalhin?" Pilit naman akong pumipiglas sa mahigpit na pag kakahawak niya sa braso ko.
Sinakay naman niya ako sa kotse niya at nag drive siya agad agad.
Tumahimik na lang ako at hnd na nag atubiling mag tanong pa kung saan kami pupunta.
Ilang minuto lang tumigil din ang sasakyan. Lumingon ako at nakita ang isang bahay sa harapan namin.
"Anong gagawin natin dito?" Hindi naman siya sumagot at bumaba na.
Hinihintay kong pag buksan niya ako ngunit nag kamali ako dahil nag lakad na siya palayo.
Bumaba na lang ako at sumunod sakayan. Ewan ko ba kung anong nag udyok saakin na sumama sakanya. Kung tutuusin pwedeng pwede na ako tumakbo palayo pero hindi ko alam kung bakit hindi ko ginagawa.
Nang makapasok kami sa bahay nagulat ako ng makita si Carmen sa sala ng bahay.
"Tito Aga, nandyan na po pala kayo." Tumayo naman siya at lalapit na sana kay Aga nang makita niya ako.
"Tito? A-ano pong ginagawa niya dito?"
"Carmen? Carmen tara let's go home." Saad ko. Lumapit naman ako sakanya at hinawakan braso niya at hinila.
"Ayoko!" Hinawi naman niya kamay ko.
"No! You'll come with me."
"Ayoko! Tito Aga, help!" Pilit ko naman siyang hinihila nang biglang may nag hiwalay ng kamay ko sa braso ni Carmen. Nang nilingon ko si Aga iyon.
"Bakit ba ang hilig mong mangielam?" Pasigaw kong tanong kay Aga.
"Kasi may karapatan ako."
"Wala kang karapatan."
"Meron. Dahil sa pag kakaalam ko ako parin ang ama ni Carmen."
"No you're not."
"Mag sisinungaling ka pa ba? Diba ako ang tatay ni Carmen?" Tanong ni Aga.
"Hindi ko alam mga pinag sasabi mo Aga."
"Nag mamaang-maangan ka pa. Huling tanong Lea, bago pa kita mapahiya sa harap niya. Ako ba ang ama ni Carmen?"
"O-oo." Sapilitang pag sagot ko.
"What's happening? I'm confuse!"
"I'm your real dad, Carmen."
"A-ano? Paano mo naman nasabi?"
"Mahabang kwento."
"Kailan mo pa alam?" Malamig na tanong ni Carmen.
"Matagal na."
"Ibig sabihin kikala mo na ko bago mo pa ko muntikang mabangga?" Kung titignan mo si Carmen blangkong reaksyon ang maaninag mo.
"Oo, sorry."
"Sorry? HAHA! Bullsh*t! Sorry lang? Ginawa mo kong tanga."
"Hindi ko ginusto."
"Ginusto mo! Pareho lang kayo ni Lea. Ginagawa niyo kong tanga." Tumingin naman siya saakin.
"Umuwi na tayo. Mas sisikmurain ko pang makasama ka kesa sa lalaking nasa harap ko." She said and walked out.
Nag lakad naman ako palabas para sundan si Carmen.
Ang bilis niyang mag lakad pero hnd pa naman kami nakakalayo sa bahay ni Aga.
"Carmen, dahan dahan naman." Tumigil naman siya kaya lumapit ako.
"Tatawag ako ng taxi dito ka lang." Sabi ko.
"Lea? Hanggang kailan niyo pa ba ako sasaktan? Hirap na hirap na ko. Parang gusto ko na lang mamatay. Ayoko na! Ayokong ayoko na. Bakit kasi kayo pa naging magulang ko? Hindi ko naman ginusto na makuha lahat ng luho ko e. Ang gusto ko lang naman mag karoon ng buong pamilya. Ayos na saaking mahirap kami basta mararamdaman ko yung saya. Lea gusto kong sumaya. Gusto kong maramdaman kung paano ba maging masaya. Alam mo? Ang damot damot mo kasi sariling kaligayahan mo lang iniisip mo. Natanong mo man lang ba sa sarili mo kung masaya ba ako? Kung kamusta na ba ako? Siguro hindi. Kasi simula naman nang mabuhay ako ang gusto mo lang maging masaya ka kasi nga nalungkot ka ng iniwan ka ni Aga." Mahabang saad ni Carmen habang umiiyak na dahil din ng pag bagsak ng luha saaking mga mata.
Nag lakad naman na siya ng mabilis hanggang sa maaninag kong sumakay na siya sa taxi.
Lumingon naman ako at nakita si Aga. Agad naman akong nag punas ng luha. Lumapit naman siya saakin.
"Kasalanan mo to. Kung hindi mo kami iniwan hindi mangyayari to." Pag sisisi ko sakanya dahil totoo naman.
"Hindi Lea, kasalanan mo ito. Kung hindi mo ko niloko hnd kita iiwan. Ikaw ang unang nag sira ng pamilya na ito kaya huwag mong ibabaling ang kasalanan mo saakin. Ngayon sundan mo siya at ayusin yang problema niyo. Tyaka na ko babalik pag alam kong ayos na kayo. Dahil ang saamij naman ang aayusin ko." Nag lakad nadin naman siya papasok sa bahay niya.
xxxxxxxxxx
Bilis ba? HAHA! Short story lng po kasi to.
Sorry po hindi ako marunong gumawa ng drama. Hindi ko po kasi kayang mag paiyak.