Carmen's POV
Dalawang linggo na ang nakalipas.
Sa dalawang linggo na yun bumalik na ako sa pag-aaral ngunit sa ibang eskwela na at dahil iyon sa tulong ni Tito Aga.
Sa dalawang linggo din na yun hindi mawala ang mga tanong sa isip ko kagaya ng... Hinahanap ba niya ko? Naiisip niya ba kung anong kalagayan ko? Naiisip din ba niya kung kumakain ako? Kung kamusta na ako? Kung nasa mabuting kalagayan ba ako?
Ngunit base sa mga nakikita ko sa mga videos niya parang wala lang sakanya yung pag alis ko. Parang mas lalo pang gumanda ang aura ng mukha niya.
Imbis na mag isip isip sa kuwarto na ito lumabas na lang ako at nag punta sa sala. Naabutan ko naman doon si Tito Aga nag la-laptop.
"Hi Tito."
"Hello Carmen. How's your day?"
"Ayos lang. Ikaw?"
"Maayos lang din pero nakakapagod dahil sa trabaho."
"Ganun talaga. Lahat ng bagay nakakapagod." Napalingon naman siya saakin at tumawa.
"Hugot ba iyan?"
"Hindi. Totoo naman diba? Lahat ng bagay nakakapagod. Tao tayo. Napapagod din." Kasabay nang pag sabi ko nun nginitian ko siya.
"Gutom ka? Magluluto ako." Tanong ko sakanya.
"Hindi, ikaw ba?"
"Hindi din HAHA. Salamat nga pala ha?" Pag papasalamat ko sakanya.
"Para saan?"
"Sa lahat. Dami mo nang natulong kahit hindi mo naman ako ka-anu-ano." Ngumiti naman siya saakin.
"May kapalit yun."
"Ano naman?"
"Let me know who you are."
"Mahirap ipaliwanag kung sino ako. Kasi kahit ako hindi ko pa kilala ng lubos yung sarili ko."
"Why are you like that?" Tanong niya saakin.
"Why, what's wrong?"
"Everything seems so wrong."
"Paano mo naman nasabi?"
"16 ka palang Carmen ngunit ganyan ka na kung kumilos at mag salita."
"Eh sa ganito ako wala na kong magagawa HAHA"
"Nasan nga pala ang nanay mo?" First time niyang itanong ito.
"Nasa bahay niya."
"Did she know kung nasaan ka?"
"Lumayas nga ako diba? Malamang hindi. Tyaka ano namang pake niya kung lumayas ako? Baka nga nag pa-party na siya."
"Bakit mo naman nasabi?"
"Malaki galit sakin nun."
"Kaya ka lumayas?"
"Oo. Tyaka pinapalayas nadin naman niya ako."
"Bakit naman malaki galit niya sayo?"
"Kasi gago ako, kasi pinanganak ako, kasi nabuhay ako, kasi tangina ako, kasi wala akong kwenta, kasi anak niya ko, at kasi iniwan siya ng asawa niya ng dahil sakin." Umiwas naman siya ng tingin saakin at hindi ko alam kung bakit.
"Bakit kayo iniwan ng tatay mo?"
"Huh? Hindi ko tatay ung asawa niya HAHA." Napalingon naman siya saakin na parang naguguluhan.