Carmen's POV
Nandito ako ngayon sa labas ng bahay sa tagaytay nakatambay. Nakakaburyo din sa loob gawa ng mag-isa lang ako.
Tatlong araw nadin ako at parang ayaw ko na umuwi. Kasi pag umuwi ako wala namang taong nag aantay saakin dun.
Siguro masaya na sila dun, tinatawagan nila ako pero hindi ko sinasagot.
"Baka naman malunod ka na sa sobrang lalim ng iniisip mo." Nagulat naman ako sa nag salita at pag lingon ko hindi ko naman kilala. Umupo siya sa tabi ko pero umurong ako.
"Sino ka?"
"I'm Charles! Ikaw? Kapitbahay mo sa ngayon. Huwag kang mag alala mabait ako alam ko yang iniisip mo eh."
"Ok. I'm Carmen." Tipid kong sagot sino ba kasi to?
"Alam mo simula nung dumating ka dyan lagi kitang nakikitang nakatulala. Sobrang lalim ng iniisip mo siguro malaki problema na tipong mas malaki pa sa problema ko." Napatingin naman ako sakanya.. Mukha namang maganda siya kausap.
"Hindi naman malaki problema ko pinalalaki lng ng mga iniisip ko. Ikaw ba anong problema mo bakit ka nandito?" Late ko ng narealize na kinausap ko na siya. Ayos lang yan.
"Pamilya syempre. Ang mga dalaga at binata naman kadi karaniwang problema ay kung hindi lovelife at kung hindi pag-aaral ay pamilya."
"Bakit anong meron sa pamilya mo?"
"Alam mo yung pakiramdam na buo kayo pero hindi ka masaya?" BOOM!!! Paunang salita pa lang niya sapul na ako.
"Hindi ka masaya kasi ang totoo sila lang naman yung masaya. Sila lang yung masaya dahil hindi ka kasama dun sa kaligahayan nila. Alam mo un? Yung tama naman lahat pero pag yung isipan mo na ang kalaban mo parang lahat nagiging mali. Kaya ako nandito eh gusto kong mapanatagn yung kalooban ko gusto kong lahat ng tama ay tama din sa paningin ko. Kasi mahal naman nila ako eh pero para saakin hindi. Sinusuportahan naman nila ako pero para saakin hindi. Kasi yung mga mali lang lagi yung naiisip ko. Ikaw ba? Anong problema mo bakit ka nandito?"
"Nasabi mo na lahat Charles... Nasabi mo na. Akala ko nung una ako lang yung nakakaramdam ng ganyan. Pero hindi pala ako nag iisa."
"Hindi ka namab nag iisa eh sadyang pinili mo lang talagang mapag isa. Alam ngayob pakiramdam ko ang layo layo ng loob ko sakanila na para bang hindi ko na sila kilala dahil nga nilalayo ko yung sarili ko sakanila kasi gusto kong mapag isa. Sabi nila minsan daw masayang mag-isa napatunayan ko naman na minsan.. Pero minsan lang kasi pag kailangan mo sila hindi mo sila malapitan dahil hindi mo alam kung paano mo nga ba sila kakausapin." Sabi ni Charles.
"Pero at least natututo kang umasa sa sarili mo lang at hindi sa iba."
"Huwag ganyan Carmen. Nagiging kampante ka eh! Gusto mong ipagmalaki na kaya mo pero ang totoo hindi naman talaga."
"Kaya ko naman eh."
"Sige nga.. Kung kaya mo bakit ka andito?" ...
"Hindi ka makasagot noh? Kasi nga hindi mo kaya. Hindi naman yan definition ng pagiging mahina.. Ibig lang nyang sabihin kahit anonpang mangyari ang tao kailangan ng masasandalan." Ngumiti naman siya saakin matapos sabihin yun.
"Uuwi ako bukas.. December 31 gusto kong umuwi para makasama silang salubungin ang taon. Kaya kung ako sayo.. Umuwi ka na at subukang buksan yang puso mo para sa pamilya mong nag mamahal sayo." Tumayo naman siya.
"Pumasok ka na sa loob malamig na oh." Tinaas ko naman yung kamay ko sign na nag papatulong akong tumayo.
"Salamat Charles." Nginitian ko naman siya.
"Maganda ka naman pala pag ngumingiti eh! Ngiti ka lang lagi haha! Bye! Nice meeting you."
"Salamat ulit. Nice meeting you too." Pumasok na ko sa loob at nahiga sa kama ko.
31 na pala bukas siguro nga tama siya.
Nag text ako kay Abu at sinabing sunduin na ako bukas.
Hindi pala sila ang kailangan bumawi kundi ako. Dahil ang dami ko ng pinalagpas na pangyayari.
Sapat na siguro ang tatlong araw upang matauhan. Yun lang naman talaga ang sadya ko kaya ako napag isa. Ang matauhan at makawala sa katangahan.
*****
Hi! Epilogue na po next. Sorry kung minadali ko. Wala na kasi akong maisip and nag aabang na po yung next story ko :) Sana masuportahan niyo parin yun kagaya ng pag suporta niyo dito. Salamat!
👇
★