Aga's POV
Hindi ko na yata alam kung ilang oras na akong nakatulala sa kisameng kuwartong ito. Hindi kasi ako makatulog dahil namamahay ako.
Hanggang sa nag sawa na kong tumitig sa kisame kaya tumayo ako at lumabas ng kuwarto na ito.
Bumaba naman ako at lumabas papuntang garden. Umupo naman ako sa isang kahoy na upuan.
"Bakit gising ka pa? Hindi ka ba makatulog?" Tanong ni Lea na galing sa likuran ko na may hawak hawak na kape.
Nilingon ko naman siya "Ah oo namamahay kasi ako." Lumapit naman siya at umupo sa tabi ko.
"Gusto mo ng kape ipagtitimpla kita."
"Lea hindi nga ako makatukog eh HAHA"
"Ay joke lang pala." Uminom naman siya ng kape na nasa basong hawak niya.
"Ikaw Lei, bakit gising ka pa?"
"Ako pa ba? Sanay ako sa puyatan hindi sanay yung katawan ko sa maagang pag tulog."
"Naku Lea lalaki eyebags mo nyan."
"Matagal nang malaki ito Ags parang bilbil mo HAHA jk."
"Bully ka ha."
"Oy hindi sinasabi ko lang yung totoo."
"Atleast guwapo."
"Kapal ng mukha mo." Sabay naman kaming tumawa. Nakakamiss din pala yung ganito. Yung asaran at tawanan namin.
Bigla naman kaming binalot ng katahimikan, wala ni isa ang nag lalakas loob na mag salita. Hanggang sa binasag ko na ang katahimikan na ito..
"Kamusta ka na Lea?"
"Ayos naman, ikaw?"
"Ayos din. Yung ano nga pala.."
"Ano?"
"Yung tungkol sa boyfriend mo, pumayag ba siya na dito ako titira?"
"Ah yun ba? Oo naman naiintindihan naman niya eh." Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting kirot sa puso ko.
"Okay."
"Aga?"
"Yes Lei?"
"Napatawad mo na ba ako?" Tumingin naman ako sakanya pero umiwas siya ng tingin saakin.
"Oo naman. Matagal na taon nadin naman ang nakalipas." Ngumiti naman ako sakanya at siya ring ganti niya ng ngiti saakin.
"Ikaw Lea? Napatawad mo na ba ako si iwan ko saiyo at sa anak natin?"
"Oo, hindi naman ako nagalit saiyo eh. Kasi alam kong umpisa pa lang kasalanan ko naman kung bakit ka umalis. Sino nga ba namang tanga mananatili sa asawa niyang sinasaktan lang siya emotionally..." Hindi muna ako nag salita at hinintay matapos yung sasabihin niya.
"Aga sa totoo lang gustuhin ko mang magalit saiyo hindi ko magawa. Hindi ko magawa kasi alam kong wala ka namang kasalan at ang alam mo ay wala kang responsibilidad saamin kasi nga pinaniwala kitang hindi mo anak si Carmen. Pero Aga maniwala ka sa hindi, hindi ko sinasadyang sabihin saiyong hnd mo siya anak. Ginawa ko lang yun kasi mahal kita. Mahal kita kaya ayokong nakikita kang nasasaktan at naisip kong siguro mas mabuting lumayo ka na lang para hindi ka na masaktan sa isang taong kagaya ko." Tumingin naman ako sakanya at pinunasan ang luhang tumulo sa mga mata niya.
Simula noon hanggang ngayon ang luha parin niya ang hinaan ko.
"Sshh don't cry, Lei napatawad na kita, okay? Masaya na kong napatunayan kong hindi ka talaga nag loko kasi hindi ka na lumapit pang muli kay Michael nung iwan kita." (Michael po yung ex-bf ni Lea)
"Pa-paano mo nalaman?"
"I have connections Lea."
"Ibig sabihan alam mong anak mo si Carmen noon pa man?"
"Oo."
"Bakit di ka agad bumalik?"
"Kasi hindi pa ako handa. Speaking of Carmen. Lei parang awa mo na, bumawi ka naman sakanya."
"Sinusubukan ko Aga pero di ko alam kung paano. Nahihiya din ako sakanya."
"Bakit naman?"
"Kasi yung sakit ng pag iwan mo imbis na sakit lang nagiging galit at inis pero hindi saiyo kundi kay Carmen. Nagagalit ako at naiinis ako sa tuwing nakikita ko siya kasi naalala kita. Naalala ko na iniwan mo kami dahil saakin at parang nararamdaman ko kung gaano ako hindi karapatdapat para maging asawa at ina. Aga alam kong wala naman siyang kasalanan pero hindi ko alam kung bakit ako naging ganun sakanya."
"Kasi hindi mo naco-control yung nararamdaman mo. Isa lang hiling ko Lea. Maayos mo na sana yung sainyo ni Carmen."
"Okay Aga, pero sana yung sainyo din maayos niyo na. Para maayos nadin natin tong pamilya natin."
"Yes babes." Halata namang nagulat siya sa sinabi ko na kahit ako din nabigla nung banggitin ko yung tawagan namin nung mga panahong kami pa.
"Anong sabi mo?" Tanong niya saakin.
"Sabi ko babes."
"Naku Aga baka may mag selos na girlfriend mo." Natahimik naman ako sa sinabi niya.
"Ay w-wala hehe."
"Ah sige. Ags I need to go, medjo antok nadin kasi ako. 2 AM na oh mag pahinga ka nadin." Tumayo naman siya.
"Sige Lea, goodnight. Thank you for your time."
"Thank you too." Tumayo nadin ako pero nagulat ako nang yakapin niya ako at sabihing..
"I miss you! Goodnight, Aga." Bumitaw siya sa pagyakap saakin at nag umpisa nang maglakad papasok.
Hindi na ako nakapag salita dahil narin sa kakaibang naramdaman ko sa yakap niya.
Para bang bigla na sumaya ang katawang lupa ko.
Nag lakad na ako papasok ng naka ngiti at umakyat na papasok na sana ako sa kuwarto pero napawi yung ngiting sa labi ko ng..
"Talaga bang wala kang girlfriend o gusto mo lang talagang pag laruan si Lea?" Nagulat ako ng makita si Carmen.
"Anong ibig mong sabihin, anak?"
"Huwag mo kong ma-anak anak dahil hindi kita ama. Paalala ko lang sayo.. Huwag na huwag mong sasaktan si Lea dahil ako ang makakalaban mo." Lumakad na siya papasok sa kuwarto niya.
Siguro nga panahon na para sabihin ko kay Lea yung isang sikretong pinakatatago ko sakanya.
Pumasok na ako ng kuwarto, humiga at natulog.
xxxxx
Comment po sana kayo para sa mga hinanakit niyo sa Chapter na ito HAHA lol.