Lea's POV
"Wait. Can we talk?" Hindi ko alam kung papayag ba ako o hindi kasi sa totoo lang naiilang ako sakanya pagkatapos nung eksena namin kanina.
"About what?" Tanong ko.
"About us. We need to talk to fix this mess." Napatango na lang ako kaya hinila na niya ako sa tent niya.
"Labas muna kayo." Sabi niya sa mga taong nasa loob ng tent niya. Lumabas naman na sila.
Umupo naman kami.
"Lea we need to fix this."
"How? Aga mahirap."
"Mahirap kasi ayaw mong gumawa ng paraan."
"Eh anong paraan nga?"
"Hayaan mo kong tumira kasama kayo." Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"HAHA Aga kung joke yan sabihin mo na tatawanan ko promise."
"Hindi ako nag bibiro. Lea alam ko namang hindi mo kayang ayusin ito."
"At paano mo naman nasabi?"
"Ilang taon na ba akong wala? Ilang taon ka ba nag karoon ng pagkakataon para ayusin yung sainyo ni Carmen? Lea ilang taon na ang lumipas pero ni hindi pa nga yata kayo nag kakausap ni Carmen ng hindi nag aaway. So tell me, kaya mo bang ayusin ito ng mag isa?" Natahimik naman ako. He's right. I can't get through this by my own.
"Lea pumayag ka na. Hindi naman to para satin para lang to sa anak natin." Ah so para lang naman pala kay Carmen. Lea kasi lakas mong mag assume na para sainyong tatlo.
"Papayag ako.. Pero"
"Pero?"
"Sa bahay namin at hindi sa bahay niyo."
"Yun lang pala eh. Edi sige. Bukas na bukas din lilipat na ko sainyo."
"Ano? Bukas agad?"
"Oo bakit?"
"Kakausapin ko pa si Mommy about dito."
"Ganun ba? Sige."
"Sige." Nagkaroon naman ng katahimikan bigla.
"So..ah I need to go nag aantay sila Carmen." Pag papaalam ko kay Aga.
"Ah sure. Bye. Paki kamusta na lng ako kay Carmen." Tumayo na ako. Paalis na sana ako pero tinawag ako ni Aga.
"Take care." Ngumit na lang ako sakanya at lumakad na paalis.
Pag pasok ko sa tent ko naabutan kong ayos na lahat ng gamit ko.
"Tara let's go home na Lei." Mommy.
"Sige po tara na." Sumakay na kami sa kotse.
Habang nasa byahe kami hindi ko napigilang iopen yung topic about saamin ni Aga.
"Mommy?"
"Yes Lei?"
"Si Aga kasi.."
"Oh anong meron kay Aga?" Lumingon naman ako kay Carmen at salamat naman dahil naka earphone siya at mukhang tulog.
"Gusto niyang tumira kasama kami ni Carmen."
"Hay mabuti yan nang maayos niyo na problema niya." Napahinga naman ako ng maluwag kasi akala ko magagalit siya.
"Ayos lang sainyo?"
"Oo naman para din naman sa bata eh. Ang tanong ayos lang ba kay Carmen?"
"Mommy I don't know. Siguro mas maganda na lang na huwag na lang sabihin hintayin na lang na mangyari."
"Kung yan gusto mo edi sige. Ang tanong si Rob ayos lang ba?" Oh sh*t!
"Mom.."
"Kausapin mo siya Lea kilala ko si Rob mapag pasensya siya pero huwag mo namang sagarin."
"Yes mom."
"Uuwi na ko bukas. Para naman maka lipat na si Aga."
"Sige po."
Carmen's POV
What the f**k! Titira daw si Aga sa bahay. Pano na ko?
Ano? Kailangan kong makipag plastikan sa kanilang dalawa? Pano ko sila pakikisamahan? Si Lea pa alng nga ang hirap na tas dadagdag pa si Aga. Lord naman bakit ganito? May galit ka ba sakin? Kung meron sana pinatay mo na lang ako. Hay.
Tumigil naman na yung sasakyan at ginsing ako ni Abu kahit hindi naman talaga ako tulog.
Bumaba na kami nang sasakyan at pumasok sa loob.
Dumiretso na ako sa kuwarto ko at nag pahinga na.
xxxxx
Short lang this. Try ko ulit mag update sa Saturday. May report kasi ako bukas at sa friday eh.