Chapter 17

1K 43 21
                                    

Carmen's POV

Sabado ngayon kaya swerte ko na lang at walang pasok. Tatlong araw nadin ata ang nakalipas simula nung marinig kong lilipat si Aga dito at swerte ko ulit dahil hindi parin siya lumilipat dito.

Si Abu naman wala na dito bumalik na siya sa bahay niya. Kaya ayun back to basic kami ni Lea. Walang pansinan kung walang kailangan.

After kong mag hilamos bumaba ako para kumain ng almusal ko.

Nang bumaba ako parang nag sisi yata ako na sana hnd na lang ako bumaba dahil mukha ni Aga ang unang sumalubong saakin.

"Good morning, Carmen." Pag bati niya saakin na siyang dahilan ng pag tayo niya palapit saakin.

"Anong good sa morning kung ikaw ang makikita ko? Anong ginagawa mo dito?"

"May good news ako." Parang alam ko na ata ang sasabihin natin. Ngiting ngiti pa ang loko.

"Siguraduhin mo lang na good news dahil kung hindi pwede ka nang umalis."

"Carmen!" Sigaw naman ni Lea napairap na lang ako. Galing yatang kusina si Lea may dalang kape.

"What?"

"Galangin mo naman si Aga. Tatay mo padin siya." Lalo naman akong napa irap sa sinabi niya.

"Okay okay! Sir. Aga ano po ba sasabihin niyo po na good news po? Paki bilisan po kasi po gutom na po ako at gusto ko na pong kumain po."

"Umayos ka nga Carmen." Sabat ni Lea.

"Ayos lang Lei." Aww so sweet naman. "Ah Carmen.. Kasi dito na ako titira kasama kayo." Tumingin naman ako sakanya na walang emosyon.

"Hindi ka ba masaya?" Napa ngisi naman ako sa sinabi niya.

"Sino bang sumaya nang makasama niya ang taong nanakit sakanya?"

"What do you mean?"

"Wala nvm. Kakain na ko. Wala na kong magagawa pa. Tumira ka dito edi pakielam ko? Basta huwag mong aasahan maayos ang pakikitungo ko sayo." Nag lakad na ko papuntang kusina para kumain.

Aga's POV

Nang mawala na si Carmen sa paningin ko lumingon ako kay Lea

"Pagpasensyahan mo na si Carmen ganyan lang talaga siya."

"Ayos lang Lei. Masasanay din ako atleast may posibilidad na maayos na tong pamilya na ito."

"Sige Aga I need to go may meeting pa kasi akong pupuntahan. Ikaw muna bahala dito."

"Ingat ka."

"Sige salamat." Umalis naman na si Lea.

Umupo naman ako at inilibot ang paningin ko sa bahay na ito.

Maganda naman siya kaso parang may kulang. Alam niyo yung tipo nang bahay na pag pasok mo masayang aura agad ang mararamdaman mo? Yun ang wala sa bahay na ito. Kaya gagawin ko ang kaya ko para lang mailagay sa bahay na to ang sayang kulang dito.

Napalingon naman ako nung makita ko si Carmen na paakyat na.

"Tapos ka nang kumain?"

"Oo pake mo?"

"Ah ganun ba? Ilibot mo naman ako sa bahay na to mukhang malaki eh. Baka maligaw ako."

"Hindi ako tour guide." Cold na saad niya.

"Edi hatid mo na lang ako sa guest room saan ba yun?"

"Paturo mo na lang kila yaya."

"Gusto ko ikaw."

"Sumunod ka sakin." Napangiti naman ako ng marinig yun. Sumunod naman ako sakanya at dinala niya ako sa guest room.

"Saan ang kuwarto mo Carmen?"

"Katabi nito. Lalabas na ko wala ka naman na yatang kailangan."

"Sige anak." Lumabas naman siya.

Nag ayos ako ng mga damit ko. Sa ngayon dito muna ako pero pag nag tagal na sa master's bedroom na ako.

Nang matapos ako siya namang ring ng phone ko. Tinignan ko naman yung tumatawag at napangiti ng malaman kung sino ito.

Walang anu-ano sinagot ko agad yung tawag.

"Hello babe?" Paunang bati ko.

"[Hello, how are you?]"

"Fine. Ikaw?"

"[Ayos lang. Alagaan mo sarili mo dyan ha?]"

"Opo! Ikaw din. Miss na kita."

"[Miss nadin kita. I love you!]" Napangiti naman ako. Hay this girl never fails to make me smile.

"I love you too, babe. Bye!"

"[Bye!]" (Yung naka ganito po '[ ]' ay yung kausap ni Aga)

Pinatay naman na niya yung tawag. Nagulat naman ako ng may mag salita sa likod ko.

"May nilalandi ka naman palang iba pero pilit mo pang pinag sisiksikan yung sarili mo saamin." That's Carmen. Narinig kaya niya? Sana naman hindi.

"Anong ibig mong sabihin?" Umirap naman siya.

"Wala baka nakaka istorbo ako sayo at sa kausap mo sa cellphone. Nag punta lang naman ako dito para dalhan ka ng unan at kumot." Nilapag naman niya yun at paalis na sana siya..

"Wait Carmen mali yang iniisip mo."

"Ano ba rinig na rinig ko naman kung paano kayo mag palitan ng i love you. Ang saakin lang huwag mong hintayin na si Lea ang makarinig nyan. Dahil ako ang makakalaban mo." Umalis na siya ng tuluyan. She really loves Lea kahit na nasaktan pa siya.

Bakit kasi hindi ko man lang naisip na baka may makarinig. Sh¡t lng talaga.

xxxxx

Sorry ngayon lang. Gumagawa ako ng report ngayon pero naisingit ko naman HAHA.







Broken - LeAgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon