Carmen's POV
3 o 4 na buwan na ata simula nung tumira dito si Ariel.
"Hi, can we talk?" Tumabi naman si Ariel sa tabi ko.
"Sure." Tugon ko sa tanong niya..hmm ano naman kaya ang pag uusapan namin?
"Kamusta?"
"Ayos lang, Ikaw?"
"Ayos lang din. May tatanong sana ako pero gusto kong sagutin mo ko ng totoo."
"Oo ba."
"Okay.. Ahmm.. Galit ka ba saakin?" Nagulat naman ako sa tanong niya.
"H-hindi."
"Yung totoo."
"Gusto mo ba talaga ng totoo?"
"Yes please."
"Fine.. Galit ako sayo."
"Bakit?
"Idk." Tumayo na ako at aakyat na sana pero hinawakan niya yung braso ko.
"Bitawan mo ko." I said.
"Please.. Tell me.. Bakit ka galit sakin?"
"Galit ako sayo dahil inagaw mo na lahat."
"What do you mean?"
"Si Lea at Aga inagaw mo na. Masaya ka na? Masaya ka na na yung atensyon nila nasaiyo na lang?" Well hnd niyo ko masisisi kung nasasabi ko yan dahil sa loob ng ilang buwan halos i-ichapwera na lang ako ni Aga at Lea.
"My gosh! Ang immature mo.. Can't you see? Ang tagal kong hindi nakasama si Mommy kaya lagi akong nadikit sakanya."
"I understand.. Eh yung kay Aga?"
"I want to have a perfect family."
"Perfect family pero nakalimutan niyo na akong isama." Hindi ko namalayang tumulo na pala yung luha ko.
"Alam mo kung anong mali sayo?" Ariel.
"What?"
"Masyado kang mapaghangad ng atensyon na tipong gusto mo ikaw lang lagi. Hindi pa ba sapat sayo na nasolo si Mommy at Daddy nung mga nakaraang buwan? Ako naman pwede ba?"
"Hindi naman kita pinipigilan eh ang saakin lang huwag niyo naman akong kalimutan."
"Hindi ka naman namin kinakalimutan ikaw ang kusang lumalayo."
"Lumalayo dahil pag lumapit ako sainyo alam kong wala akong lugar para sainyong tatlo."
"May lugar ka Carmen.. Hindi mo lang alam kung paano hahanapin."
"Paano ko hahanapin kung tinatago niyo saakin?"
"Hindi namin tinatago yung lugar mo para sa pamilya na ito Carmen.. Tandaan mo yan."
"Anong nangyayari dito?" Tumakbo si Lea palapit saamin kasama niya si Aga.
"Wala." Sabi ko at tinalikuran na sila.
"Huwag mo kaming tatalikuran Carmen."
"Ano pa bang gusto niyo?" Humarap naman ako sakanila.
"Ano bang problema mo anak?" Tanong ni Aga.
"Wala akong problema.. Baka kayo meron."
"Anak please let us know. Nahihirapan na kaming kumapa sa kung ano yang problema mo. Masyado mong nilalayo yung sarili mo saamin." Aga.
"Nandyan naman si Ariel."
"Pero wala si Carmen." Aga.
"Hindi niyo naman na ako kailangan.. Looks like masaya na kayo kahit wala ako."
"No we're not. Kulang eh! Kulang kasi wala ka." Napailing na lang ako at umakyat na sa kuwarto ko.
Wala pang ilang minuto may narinig akong kumatok.
Narinig kong bumukas ung pinto pero hindi na ako nag atubiling lumingon.
"Hija.. I miss you." Lumingon naman ako at nakita si Abu.
"Abu!" Niyakap ko naman siya ng mahigpit at gumanti din naman siya sa yakap ko.
"Tinawagan ako ng mommy mo ang sabi niya may problema ka at wala na siyang ibang maisip na pwede mong kausapin kaya tinawagan na niya ako. Ano bang problema mo hija? You can tell me."
"Abu nasasaktan ako."
"Saan naman?"
"Sa kanilang tatlo.. Pakiramdam ko ang saya saya nila kahit wala ako."
"Pakiramdam mo lang yun, Carmen. Pakiramdam mo lang yun kasi nag papalamon ka sa mga naiisip mo. Kung tutuusin happy family na kayo kasi look.. Ayos na si mommy at daddy mo tapos may bonus pa na kapatid. Hindi ka ba masaya?"
"I don't know."
"You know what? Alam ko na ang kailangan mo."
"What?"
"Vacation. You need to find youself na sa tingin ko pag nahanap mo na yung sarili mo mahahanap mo nadin yung worth mo sa pamilya niyo." Napaisip naman ako sa sinabi ni Abu.
"Siguro nga abu kailangan ko munang mapag isa."
"May bahay si Lea sa tagaytay baka gusto mo dun na lang?" Tumango na lang ako bilang pag sang ayon.
"Okay. Ayusin mo na yung gamit mo.. Mamaya din ipahahatid kita dun. Gusto mo bang kasama ako?"
"Yes po."
"Okay sige. Mag ayos ka na baba lang ako para kausapin yung parents mo."
Lumabas na si Abu kaya naman nag umpisa na akong mag ayos ng gamit ko.
I think she's right. Kailangan kong hanapin yung sarili ko. Para mahanap ko yung lugar ko para sa pamilya na ito.
Lumabas na ako ng kuwarto ko pagkatapos kong mag ayos.
Nakita ko si Aga, Lea at Ariel na naka upo pero nilagpasan ko lang sila pero lumapit saakin si Aga.
"Take care, Carmen. I love you." Nginitian ko naman siya ng tipid at lumabas na ng bahay.
Pag sakay ko ng sasakyan nakita ko na dun si Abu at hinatid na ako.
*****
Hi! Happy new year. Sorry kung super duper late :)
Malapit na nga po palang matapos to :)
BINABASA MO ANG
Broken - LeAga
Fiksi Penggemar"They can't break me because I'm already broken" - Carmen