Lea's POV
Galing ako sa bahay natagalan ako kasi kinausap pa ako ng private investigator ko upang ibalita na hindi padin niya nahahanap si Carmen.
Damn that kid kung saan saan pumupunta. Kailangan ko siya mahanap bago mag next week dahil malamang hahanapin siya saakin ni Mommy. At malalagot ako kung wala akong Carmen na maihaharap sakanya.
Nang matapos kaming mag usap agad agad din akong nag drive dahil late na ko sa meeting ko with Olivia Lamasan.
Nag mamadali naman akong mag lakad hanggang sa may nakabangga ako.
"I'm sorry mister nag mamadali ako."
Nang magkatagpo naman ang aming mga mata bakas ang pagaka gulat saamin.
"A-aga?" Bakit ako nauutal?
"Lea? Hi Lea!" Bakit ganyan siya? Parang hindi man lang siya naiilang na nakita niya ko ulit?
"Ah hehe h-hi I need to go may meeting pa kong hahabulin."
"Okay go ahead. Nice to see you again."
"Yeah!" Agad na akong nag lakad ng mabilis para makaiwas sakanya.
May epekto parin siya saakin.
Bigla naman akong kinabahan sa mga pwedeng mangyari ngayong nakita ko na ulit siya.
What if hanapin niya saakin si Carmen? Ay sabagay ang alam naman niya ay hindi niya anak si Carmen.
Nang makapasok ako nakita ko agad si Olive
"Hi Olive." Pag bati ko sakanya at lumapit at hinalikan siya sa pisngi.
"Hi Lei, kakalabas lang ng leading man mo. Ang tagal mo daw kasi." Umupo naman ako sa tabi niya.
"Sorry!"
"It's fine. Pabalik na un nagutom lang hindi pa daw kumakain eh."
"Ah ganun ba sige."
Kinuha ko naman ung cellphone ko.
Narinig ko namang bumukas ang pinto kaya tumayo ako at nilagay sa bag ang cellphone ko.
Nang tumingala naman ako nagukat ako sa aking nakita.
"Lea?"
"Aga?"
"Oh ayan. Alam ko namang kilala niyo na ang isa't isa." Olive said.
"Ibig sabihin... Si A-aga magiging leading man ko?" Tanong ko. Ano ba namang tadhana yan. Kung sino pa ung taong iniiwasan ko siya pa ung nalalapit saakin.
"Oo, bakit ayaw mo?" Tanong ni Olive saakin habang naka ngisi. Lumaoit naman siya saakin para bumulong.
"Huwag masyadong gulat Lea, nahahalata." Halata bang affected ako? Di naman diba?
"Olive, if Lea's not comfortable pwede mo naman akong palitan." Ay sana nga.
"Ay Aga ano ka ba naman. Lea's always comfortable working with you." Fck!
"Lea okay lang ba?" Napatingin naman saakin si Aga. Nag tama ang aming mga mata ngunit agad din akong nag iwas. Gosh his brown eyes.
"Ah o-oo."
"Oh tara let's start." Umupo naman kami pareho ni Aga at tumayo sa harapan namin si Olive.
"Okay, ganito ang storyang gagawin niyo blah blah blah blah blah. At mag kakaroon kayo ng mga 3-5 na kssing scene." Nung una hindi ako nakikinig kasi mababasa ko din naman ung script pero napalaki ang mata ko nang marining kong mag kakaroon ng 3-5 kissing scene. Daheck!
"Olive are you sure?" Tanong ni Aga na halatang gulat din.
"Oo naman besides you too are so comfortable with each other diba? Kaya keri na yan." Hindi na lang ako nag react dahil baka mahalata pabang sobrang affected ko.
Natapos na si Olive sa pag bu-buod ng storya kaya ibinigay niya na saamin ang contract.
Nang mahawakan ko naman tong piraso ng papel na to parang nag aalangan akong pirmahan. Should I take the risk?
"Damn!" Hindi ko namalayan na nasabi ko pala un kaya napatingin sila saakin. Pwede bang mag palamon na lang sa lupa?
"Are you okay?" Tanong ni Aga.
"Oo."
"Tapos na ba kayo?" Olive asked.
Bumuntong hininga naman ako at hinayaan na ang aking kamay para pumirma sa kontrata na ito.
"Here." Inabot ko naman kay Olive ung papel tyaka siya ngumiti saakin na nakakaloko.
"Pwede na kayong umuwi."
"Okay bye." Hinalikan ko naman si Olive sa pisngi at agad agad na lumabas.
Nag lakad naman ako ng mabilis ngunit waepek padin kasi nahabol niya ako
"Let's talk." Seryosong saad ni Aga habang nakahawak sa braso ko na siyang kinakaba ko.
"I'm sorry but my daughter is waiting for me." Pag sisinungaling ko.
"Huwag ka nang mag sinungaling."
"Huh? Ano? Anong huwag nang mag sinungaling? Anong ibig mong sabihin?" Ewan ko ba pero sobra akong kinakabahan.
"Simple lang. Wala kang anak na nag hihintay sayo kasi nasa akin ang anak mo."
xxxxxxxxxx
Sorry super late at corny. Hindi kasi kami mag kasundo ng wattpad kaya lagi kaming nag aaway. HAHA lol.
Nasira po wattpad ko kaya natagalan sorry po.