Chapter 20

1K 32 10
                                    

Aga's POV

Tanghali na at nakagayak na kaming tatlo. Sumakay naman kami sa sasakyan at nag umpisa na kong mag drive.

"Saan ang punta natin?" Tanong ni Lea. Lumingon ako sakanya at para yata akong nakakakita ng dyosa.

"Hindi ko din alam eh. Saan niyo ba gusto?"

"Mag yayaya ka hnd mo naman pala alam kung saan pupunta." Alam niyo naman na siguro kung sino yang nag salita?

"Carmen!" Pag saway ni Lea.

"What? Totoo naman eh. Sana di na lang siya nag yaya."

"Carmen's right pero ngayon alam ko na kung saan tayo pupunta."

"Saan?" Lea.

"Sa mall."

"Nag iisip ka ba o hindi? Pupunta ka ng mall ng kasama si Lea ano na lang sa tingin mo iisipin ng mga tao?" Nagmamataray na saad ni Carmen. Minsan napapa isip ako kung araw araw bang nireregla tong anak ko eh HAHA pero joke lang.

"Edi mag sasalamin at sumbrero kami."

"Fine kayo naman ang mahihirapan hindi ako." Hay jusko salamat at pumayag din.

"May extra kang salamin at sumbrero dyan?" Tanong ni Lea.

"Ah oo."

"Okay!" Nang makarating naman kami nag park na ako at bumaba na kami. Take note mukha na yata kaming snatcher ni Lea dahil sa itsura namin.

"Saan tayo dito Aga?"

"Shopping?"

"Mag sho-shopping lang pala edi sana natulog na lang ako." Pag rereklamo ng mahal na mahal kong anak na ang sarap kurutin ng pisngi. Tumingin naman ako kay Lea

"Sorry Aga hnd niya kasi hilig ang mag shopping."

"Ganun ba? Pero baka kay gusto ko Carmen."

"Gusto ko umalis ka." Nagkaroon naman katahimikan sa pagitan naming tatlo.

"Joke HAHA seryoso niyo. Libre niyo ba to?"

"Oo naman. May gusto ka ba anak?"

"Yeah."

"Ano?"

"Umalis ka.. Joke! Sa ngayon wala pa akong gusto pero baka mamaya meron. Si Lea baka meron tanungin mo."

"Uh Lei may gusto ka ba?"

"Um nothing."

Nag umpisa naman na kaming mag lakad lakad.

Makalipas ang ilang oras madami dami nadin kaming nabili.

"Lea tomboy ba yang anak ko?"

"Anak natin HAHA nope she's not. Hilig niya lang talaga ung naka pants at polo ayaw niya ng mga dress, heels."

"Ay bakit?"

"Eh kasi ayaw niya may magagawa pa ba tayo?"

"Wala na."

"Oh wala naman na pala eh! Tara kain na tayo. Tanghalian na oh."

"Sige. Carmen anak gutom ka na ba?"

"Yeah."

"Saan mo gustong kumain?"

"Pag sinabi ko bang sa tapsilog-an doon tayo kakain?"

"A-ah oo naman diba Lea?" Tumingin naman ako kay Lea with "um-oo" ka look.

"Yeah sure."

"Okay good kala ko aarte yung isa eh
May alam ako malapit dito. Lakarin na lang natin huwag na tayong mag kotse." Nag lakad naman na siya kaya sumunod na lang kami.

Nang makarating kami agad na kaming umupo at umorder. Iniisip ko si Lea kung kakainin niya ba yun.

"Lei ayos lang ba sayo dito?"

"Ah oo hehe." Sakto namang dumating ang order namin.

Kumain naman kami at base sa mga nakikita ko gusto naman nila ung kinakain nila.

Nag patuloy kami sa pagkain at ng matapos kami bumalik kami sa mall at umuwi na.

Pag uwi namin dumiretso agad si Carmen sa kuwarto niya.

Umupo naman ako sa sofa at napaisip.

What if kausapin ko si Lea tungkol saaming dalawa. Little by little pigilan ko man pero bumabalik yung nararamdaman ko na minsan ng nawala.

"Lea can we talk?"

"Yeah sure about what?"

"About us." Natahimik naman siya.

"Sumunod ka sakin." Sumunod naman ako sakanya at pumunta kami sa kuwarto niya.

"Ano nga ulit ung pag uusapan natin?" Umupo siya sa kama niya kaya tumabi ako sakanya.

"Lea gu-gusto ko sanang ayusin tong satin."

"Ay bakit? Ayos naman tayo ha."

"Pero hindi tayo."

"Aga HAHA hindi pwedeng maging tayo."

"Bakit? Dahil may Rob ka na?"

"Oo."

"Mahal mo ba?" Tinignan ko siya sa mga mata niya pero umiwas siya ng tingin.

"O-oo naman."

"Lea I love you. I still do." Tumayo naman siya.

"Aga lumabas ka na." Akmang bubuksan na nya yung pinto pero pinigilan ko siya. Niyakap ko siya sakanyang likuran.

"Lea, I love you." Bulong ko sa tenga niya.

"Aga let me go."

"Ayoko."

"Aga ano ba."

"Lea mahal kita."

"Mahal ko si Rob."

"Mahal kita Lea."

"Mahal ko si Rob."

"Mahal kita."

"Mahal ko si Rob, Aga ayokong lokohin siya." Lumingon siya saakin.

Tinitigan ko siya sa kanyang mga mata at nag ka titigan kami.

"I love you!" Sambitla ko.

"I love you too." Nang marinig ko yan hindi ko na napigilan at napahalik na ako sa labi niya.....










"Aga wake up!" Pag tapik ni Lea sa aking pisngi nagising ako.

"Lea?"

"Why? Ah sorry ginising kita. Nahihirapan ka na kasi dyan sa posisyon mo eh." Ibig sabihin?... Ibig sabihin panaginip lang yun? Tangina sayang yung halik. Sayang din yung lakas ng loob ko dun.

"Lea? Kanina pa ba ako dito? Hindi ba tayo nag usap?"

"Ha? Hindi. Oo kanina pa dyan pag uwi natin umupo ka dyan at nakatulog na." Badtrip sayang yun panaginip na yun.

"Ganun ba? Sige."

"Sige akyat na ako." Nag lakad na siya pero tumayo ako at hinabol siya.

Hinawakan ko yung braso niya at hinarap siya saakin at syang halik ko sa mga labi niya.

*****

Swerte ni Aga. May halik na nga sa panaginip may halik pa pag gising.

Lol! Sorry ang corny.

Broken - LeAgaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon