Chapter 5

5 0 2
                                    

"Yaya, tita dito muna ako. Kung gusto niyong umuwi para magpahinga ay sige lang at ako muna ang bahala dito." Sabi niya sa mga ito.

Napatingin ang dalawang matanda sa kanya. Nagtataka ang mga ito. Pero hindi sila nagtanong. Tumango lang sila.

"Kelan ang libing, Tricia?" tanong ng yaya niya.

"Sa Sunday na po yaya."

"Makikipaglibing ka ba?"

"Opo tita." Walang buhay na sagot niya sa dalawa.

"Tricia anak, kung may problema ka andito lang kami ni yaya loring. Basta magsabi ka lang ha."

Hindi siya umimik dahil she's trying hard to control her emotion. Dahil sa mga nangyayari ay hindi na niya alam kung ano ang gagawin niya. Specially ngayon nag anon ang trato sa kanya ni Angelo. Ilang araw pa lang ay namimiss na niya ito. Hindi pa niya ito nakakausap ng matino mula ng umuwi sila galing Baguio. Hindi niya alam kung babalik pa ito sa dating Angelo.

Ngayon at ang daming pagsubok na nangyayari ay napagdesisiyunan niyang huwag pumunta sa Graduation nila. Sinabihan na niya ang mga kaibigan nila ni Angelo na kunin na lang ang Diploma nila. Ipinaliwanag na rin ng mga kaibigan nila ni Angelo kung bakit. At doon ay naintindihan sila ng mga teacher.

Dumating ang araw ng lingo, umuwi muna si Tricia sa kanila para makipaglibing. Naligo siya, nagsuot ng itim na damit at saka pumunta sa bahay nina Angelo. Hindi pa niya nakikita si Angelo mula ng maghiwalay sila ng gabing sinabihan siyang huwag munang magpapakita sa kanya. Masakit man ay wala siyang magagawa. Sa ngayon kailangan niyang unawain si Angelo.

Nakaupo siya sa labas. Hinihintay ang paglabas ng mga magulang ni Angelo. Ng mapatingala siya at nakita niya si Angelo sa may bintana. Nakatanaw sa malayo. Nakatingin siya dito ng biglang lumingon sa baba si Angelo at Makita siyang nakatingala at tinitingnan siya. Nag-iba siya ng tingin. Saka siya tumayo at lumabas ng gate. Inilalabas na nila ang kabaong ng mga magulang ni Angelo. Nakatayo na siya sa labas ng matanaw si Angelo. Nakasunglasses ito at nakaitim ng t-shirt at jeans.

"Kay guwapo takaga ng BF ko." naisip niya.

Napaiyak na naman siya ng lalabas na ang sasakyan kong saan naroroon ang mga kabaong ng mga magulang ni Angelo. Pumasok na siya sa bahay nila at kinuha ang sasakyan niya. Pagkatapos kasi ng libing ay tutuloy siya sa ospital para bantayan ang mga magulang niya. Graduation na nila bukas at nalulungkot siya dahil sa isiping ang masayang okasyon sana ay naging napakalungkot.

Ipinunta muna sa simbahan ang mga magulang ni Angelo At pagkatapos ng service ay deretso na sa semeteryo. Hindi na bumaba pa si Tricia. Nakita niya kasing katabi nito ay babaeng nakita na niya minsan kung may party kina Angelo. Ang sinabi ni Angelo noon sa kanya ay kaibigan ng mommy at daddy niya ang parents nito.

Nagseselos siya dahil sa paghawak ng babae sa kamay ni Angelo. Hindi na siya nagtagal pa doon.

Hindi niya matagalan ang nakikita pagiging close ng babae sa nobyo. Pinasibad niya ang kotse niya habang siya ay lumuluha. Nakarating siya sa ospital at hindi siya bumaba kaagad sa kanyang kotse na nakapark lang.

Ayaw kasi niyang makita siya ng kanyang tita at ang yaya niya na umiiyak siya. Sa ngayon, dapat siyang maging malakas para sa mga magulang niya.

Samantala, sa bahay nina Angelo,nakauwi na sila galing sa sementeryo. Tumuloy din si Jenny ang babaeng nakita ni Tricia sa bahay nina Angelo. Nagpaalam ito sa mga magulang na sasamahan niya si Angelo habang nagluluksa pa siya.

"Angelo, kain ka na anak. Nakakain na kami ni Jenny. " ang yaya nito.

"Yaya, nakita niyo ba si Tricia kanina?"

"Oo ah, pero umalis din kaagad. Nakita ko nga umiiyak doon sa may silong ng puno sa sementeryo kanina, tapos sumakay sa kotse niya at umalis na."

"Ganon ba? Nasa ospital pa ba ang parents niya yaya?"

"Oo, ang sabi daw ng doctor ay milagro na lang daw ang chance nilang mabuhay. Kaya siguro nagmamadali siya kanina dahil pupunta siguro sa ospital yun."

"Nasaan po si Jenny yaya? At saka bakit hindi siya umuwi."

"Nasa swimming pool naliligo. Narinig kung nagpaalam sa parents niya na dito muna siya."

"Ano naman kayang gagawin niya dito. Maboboring lang yan dito. Magpapahinga lang ako Yaya pagkatapos ay pupunta ako sa ospital. Bibisitahin ko ang parents ni Tricia."

"Mabuti naman kung ganon anak. Para hindi ka laging nalulungkot dito sa bahay. Naaawa na nga ako kay Tricia pag nakikita ko siya eh. Hospital, burol ng daddy at mommy mo ang naging routine niya. Tapos uuwi siya saglit sa bahay nila at dadaan dito. Laging niyang ibinibilin sa akin na pilitin kang pakainin para daw hindi ka magkasakit. Napapansin ko nga Angelo na pumayat na siya eh.. Dahil siguro sa mga magulang niya."

Natahimik si Angelo dahil sa sinabi ng yaya niya. Akala niya noong sabihan niya na huwag munang magpakita si Tricia sa kanya ay sinunod nito pero hindi niya akalain na pupunta pa rin ito araw araw at gabi gabi sa burol ng daddy at mommy niya. Aminado naman siya na malaki ang kasalanan niya kay Tricia.

Balak niyang kausapin ito pag binisita niya ang magulang nito. Sasabihin din niya kay Tricia na bahala na muna siya sa company ng mga magulang nila. Gusto niya magbakasyon muna sa America para makalimot sa trahedyang nangyari sa parents niya.. Napatigil siya sa pag-iisip ng makita niya naglalakad si Jenny palapit sa kanya na naka 2 piece lang.

"Angelo, samahan mo naman akong magswimming. Be a good host." yaya ni Jenny

"Mamaya na Jenny, kakain muna ako."

"Sige dalhin mo na lang ang pagkain mo doon sa may pool."

"Yaya kakain po ako doon sa labas."

Natuwa naman ang yaya niya dahil at last nagutom din ang alaga niya. Ilang araw ding hindi kumakain ito.

Pumayat na nga rin siya. Dali dali siyang naghanda ng mga paboritong pagkain ni Angelo at isinunod sa may pool.

Lingid kina Angelo, ay nasa bahay na pala nila si Tricia at nanonood ng palihim sa kanila ni Jenny na magkatabi sa mesa malapit sa pool na kumakain.

Ano ang mangyayari sa relasyon nina Tricia at Angelo?

Abangan....

Koko with Love

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon