Chapter 6

5 0 1
                                    

"Kaya pala ayaw mo akong makita Angelo, dahil diyan sa babaeng yan." Nasabi niya sa kanyang sarili.

Nagtatawanan naman sina Angelo habang kumakain. Naisip niya na masayang kausap si Jenny.

Naaalis ang lungkot niya. Madilim na ng umalis ulit si Tricia para puntahan ang mga magulang niya.

Bukas ay Graduation na nila. At ang balak niya ay magpapahinga siya habang binabantayan ang parents niya ng 1 week bago sasabak sa opisina ng mga magulang nila ni Angelo.

Nakausap na rin niya ang secretery ng daddy niya at saka ang assistant manager nito. Tuturuan daw siya ng mga ito. Nagpapasalamat siya dahil mababait ang mga employee ng mga magulang nila. Kakausapin din niya si Angelo na dapat nilang tulungan ang isat isa na imanage ang kompanya ng kanilang mga magulang.

"I'm still keeping your promise Angelo." sabi niya habang pinagmamasdan ang engagement ring na isinuot ni Angelo sa kanya noong bago may mangyari sa kanila.

"Anuman ang mangyari, i will always love you". Naluluhang sabi nito sa kanyang sarili. Nakatulugan niya ang pag-iyak.

Hindi niya namamalayan na magtatanghali na. Pagod na pagod siya kaya hindi niya namalayang nakatayo si Angelo sa tabi ng kamang hinihigaan niya.

Kung hindi lang sa pagtawag ng tita niya ay hindi pa siya magigising.

"Tricia iha, gising na. Hindi ka pa kumakain. Nagluto si yaya ng paborito mong pagkain." Nagdilat siya ng mata ng magulat siya dahil andun si Angelo. Pero hindi niya ipinaalata dahil masama pa rin ang loob niya dito.

Tumayo siyang parang wala siyang nakita. Nagtuloy siya sa banyo at nagtooth brush at naghilamos. Saka siya lumabas ulit.

"Tita nasaan si yaya?" tanong niya sa tita niya.

"Umuwi rin pagkahatid nitong pagkain. Sinabihan kong magpahinga muna siya at alam kong pagod na pagod na siya. Angelo saluhan mo na si Tricia." sabi pa ng tita niya dahil hindi pinapansin ni Tricia si Angelo.

"Sige po Tita, Tricia puwede ka bang saluhan?"

"Kumain ka kung gusto mo. " walang buhay na sagot niya.

"Tita kumusta po sina mommy at daddy ."

"Ganon pa rin iha. Nakatulog ka lang ng ilang oras, wala pa ring ipinagbago. Aalis din ako mamaya Tricia kaya dito ka muna. Anyway sasamahan ka muna ni Angelo."

"Kaya ko pong mag-isa tita. Hindi ko na kailangan ang kasama."parinig niya kay Angelo.

"Gusto lang kitang kausapin Tricia. Aalis din ako pagkatapos." "O siya mag-usap kayo at ako'y aalis muna. Babalik ako mamayang gabi Tricia."

"Sige po tita. Ingat sa pagdadrive."saka humalik sa tita niya.

"Ingat po,"pahabol din ni Angelo. "Ok speak your mind now Angelo."

"You eat first Tricia. Your losing weight. After you eat then we will talk. Marami tayong pag-uusapan ngayon."dagdag pa nito Sumunod naman siya dito. Kumain siya pero konti lang dahil wala siyang gana.

"Ok im done."

"So little? Eat more!"

"Come on Angelo, just speak your mind para matapos na."

"Ok,ok! First of all, i am sorry about my attitude this last few days..." natigil siya sa pagsasalita ng magring ang cp niya.

"Hello! O Jenny, bakit? No mamaya pa ako uuwi. Mauna ka ng kumain. Oo. Sige bye!" Tumungo naman si Tricia dahil ayaw niyang makita ni Angelo ang selos sa mukha niya.

Alam niya kasing yung babaeng nakatira sa bahay nila ang kinausap ng nobyo niya. Nasasaktan siya sa isiping ibang babae ang kasama nito sa pagdadalamhati niya.

Dapat siya ang kasama nito dahil siya ang nobya...sabi pa ng isip niya.

"Ok back to our topic, i am sorry. Magulo lang ang isip ko noon. I am here to apologize and to talk to you about the company of our parents. Tricia, i want you to handle first for me. I know you can handle it. Your very smart girl."

"Bakit? Dapat tayong dalawa di ba dahil yun ang plano natin."

"Yes, i know pero i want to go away for a short while. Para makalimot sa mga nangyari. Kahit ilang buwan lang. I am going to America with Jenny next week. Sa kanila muna ako mag e-stay."

"So naplano mo na pala lahat bakit mo pa ako kinausap. Ni hindi mo man lang ako binigyan ng importansiya, nobya mo ako pero parang hindi. Parang ako ang may kasalanan ng mga nangyari. Go with that Jenny na sinasabi mo... I will be ok. Thanks for letting me know."

"Tricia, i still love you, i just want to get away even just for a short while. Its not easy for me na mawalan ng magulang. Buti nga andiyan pa ang magulang mo. And i will pray na sana malampasan nila ito . I will pray for tita and tito. I just hope na maintindihan mo ako."

"I've been trying to understand you since the day you told me not to show myself to you," lumuluhang sabi niya kay Angelo.

"I am sorry Tricia."

"Please go and rest assured na i will take care of the company." at iniwan na niya si Angelo. Ayaw niyang makita siya ni Angelo na nasasaktan at umiiyak. Tumuloy siya sa chapel at doon ibinuhos ang pag-iyak.

Nakatayo naman si Angelo sa may pintuan ng chapel at pinagmasdan si Tricia saka malungkot na naglakad palayo. "I will miss you and i will come back." bulong niya habang naglalakad palayo.

Abangan ang susunod

Love Koko

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon