Chapter 4

7 0 2
                                    

"Alam ko iha, nararamdaman ko ang mga nararamdaman mo. Kapatid ko ang daddy mo kaya nasasaktan din ako sa mga nangyari. At im praying na sana gumaling na sila. Na sana malampasan nila ito."

"Pero tita, sabi ng Doctor ay milagro na lang daw ang magpapagaling sa kanila. "

" Ipagdasal natin sila Tricia at tatagan mo ang sarili mo. Ano man ang mangyari ay huwag kang susuko. Andito lang kami. Hindi ka naming pababayaan ."

Nagpaalam na din ang yaya niya para umuwi muna at maligo. Pagod na pagod na si Tricia. Hindi niya alam kung kaya pa niya. Para siyang mahihimatay kaya sinabi niya sa tita niya na iidlip lang siya sandali. Tumango naman ang tita niya saka siya binitiwan sa pagkakayakap. Pagod na pagod siya sa biyahe at sa kaiiyak kaya madali siyang nakatulog. Hindi niya namamalayang nakatulog siya ng ilang oras. Ng magising siya ay hapon na at andun pa din ang tita niya, nakapikit din. Nakita din niya ang mga pagkaing nakalagay sa Tupperware. Naisip niya na bumalik na ang yaya niya.

Tumayo siya sa kamang hinigaan niya kanina.

"Nasaan kaya si yaya?" Tanong niya sa kanyang sarili.

Lumabas siya at naglakad lakad sa loob ng ospital. Npagawi siya sa may chapel at doon pumaosk. Pagkapasok pa lang niya ay nakita niya ang yaya niyang nakaluhod sa may altar. Napaiyak siya dahil sa kabaitan ng yaya niya.

Tahimik siyang tumabi sa yaya niya at lumuhod. Ipinikit ang mata at saka taimtim na nanalangin.

Pagkagaling sa chapel ay bumalik na sila sa kuwarto ng magulang niya. Natutulog pa din ang tita niya.

"Napagod siguro ito dahil sa pagbabantay.."naisip niya.

"Yaya, aalis muna ko. Uuwi lang ako at pupunta sa kabila. Gusto ko lang damayan si Angelo sa pagdadalamhati niya. Pero babalik din ako mamayang gabi yaya. Pakisabi kay tita na babalik din ako kung magising siya. " Icheck ko lang kung kumusta na si Angelo."

"Ok anak, huwag kang mag-alala. Sasabihin ko sa tita mo pag nagising siya. Hindi na siguro uuwi ang tita mo dahil nakauwi na kanina. Bumalik ka na lang mamaya. Para hindi ka nag-iisa sa bahay."

"Oo yaya, maliligo lang ako mamaya tapos babalik na ako dito. Dad, mom, uuwi muna ako. Pagaling kayo. Dapat sa graduation ko ay andun kayo.." dagdag pa niyang sabi sa mga magulang na wala pa ring malay. Napaluha na naman siya dahil sa isiping milagro na lang ang chance ng mga magulang niya. Lumabas na siya at naglakad patungo sa kanyang kotse.

Nakarating siya sa kanila at iginarahe muna ang kanyang kotse at saka naglakad patungo sa kabilang bahay.

"Kumusta na kaya nag mahal ko, naisip niya."

Pagpasok pa lang niya ay nakita niya si Angelo na nakaupo sa tabi ng kabaong ng mga magulang. Nakatungo ito at kung titingnan mo ay parang umiiyak na naman. Nilapitan niya ito. Tinapik sa balikat at saka sinabing....

"Angelo, be strong. I'm always here for you."

Pero hindi umimik si Angelo. Tiningnan lang siya at saka ibinaling ulit ang tingin sa mga dalawang kabaong.

" Hindi mo ba ako kakausapin Angelo? Kausapin mo naman ako. Andito ako para damayan ka."

May hinanakit na sabi niya sa nobyo.

"Tricia, kuung puwedeng huwag ka munang magpakita sa akin." Sagot ni Angelo, at last nagsalita ito pero nasaktang masyado si Tricia dahil sa sinabi ni Angelo.

"Bakit Angelo? Bakit kasalanan ko ba ang mga nangyari sa mga magulang natin? Bakit mo ako ginaganito. Nasa ospital din ang mga magulang ko at you know what, only miracles can help them live. And it's hard looking at them, and eventhough na ganon ang kalagayan nila ay heto pa rin ako at dinadamayan ka. Huwag mo naman akong sabihan ng ganyan. Akala ko ba mahal mo ako, bakit ayaw mong andito ako?"

" Sabi mo nga nasa ospital din ang mga magulang mo Tricia. Asikasuhin mo muna sila. Swerte mo nga at humihinga pa sila eh samantalang ang mga magulang ko ayan sila... wala ng buhay. Kung hindi siguro tayo pumunta sa Baguio ay hindi rin sila pupunta sa Cebu .... Sana hindi pumayag ang magulang mo na umalis sila para hindi nangyari ito sa atin."

"So sinisisi mo kami dahil sa nangyari sa mga magulang mo! Hindi naman nila kagustuhan ang nangayri eh, bakit alam ba nila na mangyayari iyon sa kanila. Kaya huwag mong sisihin ang magulang ko. At huwag mo rin akong idamay. Dahil wala akong kasalanan. Mahal kita kaya ako nandito. Pero kung ayaw mo akong nandito sa ngayon ay sige bibigyan kita ng space. Pero pupunta pa din ako dito, dahil nalulungkot din ako sa nangyari sa mga magulang mo at saka hindi na sila iba sa akin. And don't worry hindi muna kita kakausapin. Sana pagkatapos ng lahat ng ito ay ok a rin tayo. At sana maging matatag ka sa mga pagsubok na nangyari sa atin."

Saka siya naglakad palayo kay Angelo. Nasaktan siya sa sinabi nito pero iintindihin pa rin niya ito. Hindi man lang siya nilingon ni Angelo ng maglakad siya palayo. Umiiyak siyang bumalik sa bahay nila. Pagkapasok pa lang niya ay naligo sya kaagad nagdala ng ilang gamit at doon muna siya sa ospital. Uuwi uwi na lang siya araw araw para bisitahin ang burol ng magulang ng kasintahan. Pero kagaya nga ng sabi niya hahayaan na muna niya ito sa gusto niya. Hindi na muna niya ito kakausapin.

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon