Nagising si Tricia na nakahiga sa kama na ang lahat ng wall ay puro puti. Parang nanaginip lang siya. Umikot ang tingin niya. Natutulog ang yaya ni Angelo sa sofang naroon. Naramdaman din ata ng yaya ni Angelo na gising na siya. Nagmulat ito ng mata.
"Tricia anak, gising ka na pala. "Nakangiting sabi nito.
"Yaya!"mag-uumpisa na namang dumaloy ang luha niya.
"Si Angelo po Yaya? Nasaan an po siya?" sunod sunod na tanong nito. Hindi na niya napigilan ang pag-iyak, parang hindi nauubos ang luha niya mula ng unang iwanan siya ni Angelo.
" Anak, huwag ka ng umiyak. Ok na si Angelo. At yun sana ang sasabihin ng doctor sayo, pero naunahan mo namang ng mahimatay, kaya hindi mo tuloy alam na buhay si Angelo anak.Pasalamat tayo sa Diyos."
Hindi siya makapaniwala sa sinabi ng yaya ni Angelo. ..
"Talaga po yaya, buhay si Angelo? "ulit nito.
"Oo, anak, Naitransfer na siya sa kanyang kuwarto. Peor hinid pa siya nagigising, Sabin g doctor ay 90% na ligtas na siya. Kaya ituloy natin ang pagdadasal sa mabilis niyang paggaling.
"Gagawin ko po yun yaya, kahit araw araw akong pumunta sa simabahan basta gumaling lang siya kaagad." Umiiyak na siya sa tuwa. Hindi niya mapigilan, tumingala pa siya sa kisame saka nagpasalamat sa Diyos.
"Puwede na po ba siyang bisitahin yaya?"tanong ni Tricia sa yaya nito.
Hindi siya magkandatuto sa nalamang buhay nag mahal niya.
"Oo anak ,sabi ng doctor pagkagising mo daw ay dumeretso ka sa opisina niya. "
"Ok po yaya, uuwi lang po muna ako at maliligo yaya. Babalik din po ako kaagad."
"Kaya mo na ba? Baka nanghihina ka pa. Kumain ka na muna bago ka pumunta dito anak. Ako na muna ang magbabantay kay Angelo. Pag balik mo saka ako uuwi rin at magluluto."
"Ok po yaya, maraming salamat po."
"Huwag kang magpasalamat iha, mahal ko si Angelo. At itinuring ko na siyang anak. Tunay na anak."
"Sige na anak,kung kaya mo na ay umalis ka na para makabalik ka rin kaagad.Para makausap mo ang doctor kung ano man ang sasabihin niya."
"Ok po yaya. Sige po. Pakibantayan na lang po si Angelo yaya. "dagdag pa nito. Masayang masaya siya dahil ok na si Angelo. Nakalabas na rin sa ER. Kahit nasa ICU siya ngayon at least ay may hope na siya.
Pinuntahan muna niya si Angelo sa room nito at pinagmasdan niya ito. Stable na ang paghinga niya na nakikita niya sa salamin. Parang nagpapahinga lamang.
"Thank you Lord".mahina niyang sambit.
Lumabas na siya at tinungo ang kotse nyang nasa carpark.
Pagdating pa lang nya sa bahay nila ay hinanap kaagad ang anak niya.
"Yaya, tawag niya sa yaya niya.
"Oh anak, buti umuwi ka, Kumain ka ng Tricia. Paano mo maalagaan ang anak mo at si Angelo kung hindi ka kakain ng husto. Nahuhulog na ang katawan mo. Nagluto si Mayet, Kumain ka muna. Si babay nasa kowarto mo natutulog. Kapapaligo ko lang."
"Ok po yaya, nailabas nap o si Angelo sa ER, masayang masaya po ako. "tuwang balita ni Tricia sa yaya niya.
"Salamat naman sa Diyos anak. Aba'y iyak ng iyak itong si Fracheska ah. Tinatawagan kita eh walang sumasagot."
"Baka po naiwan ko lang ang bag ko sa room yaya."pagsisinungaling ni Tricia sa yaya niya.
Ayaw niyang sabihing siya'y nahimatay at baka mag-alala ito ng husto. Tama na yung minsan. Ngayon ang fucos niya ay kung paano aalagaan si Angelo. Yung company nila may mga assistant naman sila. Tatawagan na lang niya mamaya at ipunta sa bahay nila nag mga papers a kailangang pirmahan.
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
RomanceI told you what hurts me the most.. and you did it perfectly ! -Tricia-