Chapter 1

142 0 0
                                        

Chapter 1

"Angelo!halika mag-laro tayo." sigaw ng batang si Tricia sa kalarong si Angelo.

"Mamaya na Tricia at kakain muna ako ng breakfast. Lilipat  na lang ako diyan sa inyo pagkakain ko," sigaw ding sagot ni Angelo kay Tricia.

Magkababata sina Angelo at Tricia.  Magkaibigang matalik ang mga magulang nila at magkapitbahay pa. Sa status ng buhay ay parehas na may kaya ang mga pamilya nila at magkasosyo sa business.

Laging naglalaro ang dalawa pag araw ng sabado.  Kung minsan naman ay nag a out of town silang magpapamilya.

"Tricia, anong lalaruin natin?"

"Di ba may bago kang monopoly Angelo balik ka ulit sa bahay ninyo at kunin mo." utos ni Tricia.

"Sige, teka at kukinin ko." excited namang sagot ni Angelo.

Lagi silang masaya, kontento na silang dalawa lang ang naglalaro. Magkaklase din sila sa private school kaya laging kasama ni Tricia si Angelo. Tagapagtanggol din niya si Angelo pag may umaaway sa kanila.

"O bakit bumalik ka Angelo?"

"Kukunin ko po yung Monopoly ko yaya. Yun ang lalaruin namin ni Tricia."

"Hindi ba kayo nag-sasawang magkasamang dalawa, aba'y lagi na lang kayo ang naglalarong dalawa mula nong baby pa kayo ah!"

"Si yaya naman, siyempre best of friends kami kaya hindi kami nagsasawang dalawa."

"O siya, kunin mo na at balik ka na doon at baka mainip na si Tricia." Ngiting sabi ng yaya niya.

"Sige yaya. Pakisabi na lang kina Mommy at Daddy na andun ako kina Tricia yaya, Thank you."

"Ok ako ng bahala. Mamaya pa ang gising nila siguro,puyat sila eh."

Habang naglalaro sila ni Tricia ay hindi maiwasang titigan ni Angelo ang kababata. Napakaganda kasi ni Tricia. May pagkakulot ang mahabang buhok nito at mahahabang pilik mata at brown na brown na mata.

"Tricia, puwede ba akong mag promise sayo?"

"Ano yun Angelo?"

"Paglaki natin liligawan at pakakasalan kita. And this i promise you."

"I'll keep that promise Of yours  Angelo." tuwang sagot ni Tricia. Sa batang edad  ni Tricia ay humahanga na siya sa kapogiiihan ni Angelo. At sa katotohanang hindi siya iniiwan ito. Laging nasa tabi nito pag kailangan niya ng tulong or makakausap o kaya'y makakalaro.

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon