Chapter 3

89 1 0
                                    

Chapter 3

Dumating ang sabado, natuloy ang lakad nilang anim gamit ang Montero ni Angelo. Pinayagan si Tricia dahil tiwala ang mommy at daddy nila kay  Angelo.

"Mag-iingat sa pagdadrive Angelo. At Tricia ingat kayo dun anak." sabi ng mga magulang nila.

"Alis na po kami."sabay na paalam nila sa kanilang mga magulang.

"Natutuwa ako sa mga bata balae," ngiting sabi ng mommy ni Angelo sa mommy ni Tricia.

"Oo nga balae hindi na natin sila kailangan pang ipagkasundo para pakasalan ang isa't isa." sagot naman ng mommy ni Tricia.

"Ano kaya kung pumunta din tayo sa Cebu, " ang daddy ni Angelo.

"Ano naman ang gagawin natin sa Cebu balae, "tanong naman ng daddy ni Tricia.

"To enjoy ourselves kasi malapit na tayong magretire balae. Pagkagraduate ng dalawa  ay sila na ang magmamanage ng company natin. “

“Kelan tayo pupunta sa Cebu balae?”

“Puwede na tayong magpabook ng ticket ngayon para makalarga na tayo. At sa Graduation ng mga bata ay makabalik na tayo.”

“ Sige at pag makabook tayo ay lilipad tayo mamayang gabi.Tatawagan ko na lang sina Angelo at sabihing pupunta tayo sa Cebu.”

“Ok Balae. “

Samantala, nakangiti lang ang mga asawa ng dalawang lalaki habang nag-uusap ang dalawa sa planong iyon at alam nilang mag-ienjoy silang apat.

Nakarating sina Angelo sa Baguio ay hating-gabi na,kaya deretso sila sa hotel nila . Si Philip at Dina ay magkasama sa isang room, si James at Sandy,Tricia at Angelo ay ganon din.

"Napagod ako sa biyahe", saad ni Tricia.

"Oo nga, haba ng biyahe. Magsashower ka pa ba babe?"

"Oo,maalikabok kaya sa daan babe". Sagot ni Tricia.

"o sige mauna ka na,at susunod ako."

"Ok. I love you baby."

"I love you too Tricia and i will always promise you na mamahalin kita kahit na anong mangyari."

"Thank you, thats all i want to hear. Sige ligo muna ako." at pumasok na si Tricia sa banyo.

Habang hinihintay ni Angelo si Tricia na matapos ay tumawag siya sa yaya niya. Alam niyang madaling araw na pero sinabihan naman siya ng yaya niya na kailangang tawagan niya ito para hindi sila mag-alala..ang parents sana niya ang tatawagan niya pero alam niya tulog na ang mga ito.

"O Angelo! Nasaan na kayo?" sunod sunod na tanong ng yaya niya.

"Yaya dito na po kami sa Baguio. Kadarating lang namin. Sorry yaya at naistorbo kita."

"Sus, ok lang yun! Sinabi ko naman sayo na tawagan mo ako saka linggo bukas puwede akong matulog maghapon."

"Ok yaya. Pakisabi na lang kina mommy at daddy na we arrived safely."

"Ay! Hindi ba tumawag ang Daddy  mo sayo."

"Hindi naman po Yaya. Bakit?"

"Ah akala ko kasi tinawagan ka bago sila umalis."

"Saan po sila nagpunta?"

"Niyaya sila ng Daddy ni Tricia na magbakasyon sa Cebu, Boracay daw."

"Ah, ganon po ba...baka nalimutan po. Bukas baka tatawag sila sa amin yaya."

"Malamang iho, excited kasi silang nagplano eh, Ang daddy mo pala ang nagyaya sa magulang ni Tricia. "dagdag pa ng yaya niya ng maalalang hindi pala ang daddy ni Tricia ang nagyaya.

At sa lalabas si Tricia na nakabathrobe ito.

"Sinong kausap mo babe?" tanong nito kay Angelo.

"Si yaya, tumawag ba ang mommy at daddy mo sayo?"

"Hindi naman, bakit?"

"Sabi ni yaya ay nagpunta daw sila sa Cebu,"nangingiting sabi ni Angelo kat Tricia.

"Hindi talaga mauunahan ang mga parents natin hahaha!" sagot ni Tricia.

"Sinabi mo pa,"natatawa ring sabi ni Angelo, sabay halik sa labi ni Tricia.

"Maligo ka muna, " kunwari ay utos ni Tricia kay Angelo pero gustong gusto din niya ang halik nito.

"Ok ok, i'll go take a shower  now. Tumataas ang temperature ko sayo.""Hahaha!, control control." kahit siya ay hindi niya maipapangako kung makakapagcontrol pa siya once na lumampas si Angelo sa halikan nila.

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon