"Bakit mo ako pauuwiin?, kung gusto mong pumasok sa office ay pumasok ka lang at dito muna ako. Para may makasama si baby habang nasa work ka. And by the way mag-uumpisa na rin akong magtrabaho para hindi ka nahihirapan."
" I can manage, kung noon nga na iniwan mo ako despite doon sa mga pagsubok na dumating sa buhay ko, ay nakaya ko ngayon pa na ok na ang lahat sa buhay ko.'
"I know I am very sorry. I want to make up for all of it. I just hope na hahayaan mo akong ipakita kung gaano ako nagsisisi."
Tumahimik siya. Lumabas na siya ng room at sumunod naman si Angelo na karga ang baby. Papasok na siya, hahayaan an lang muna niya si Angelo sa bahay niya. Naisip niya na may karapatan din ito sa bata. Ibinilin na lang niya sa yaya niya at sa katulong niya na nasa bahay lang si Angelo at siya ang mag-aalaga sa bata.
Pagkatapos niyang bilininan ang yaya niya at ang katulong ay pumunta siya sa may salas para kunin ang bag at papasok na, nakita niyang karga pa rin ni Angelo ang anak habang nakaupo sa sofa, nakatulog na ito.
"Ibaba mo na siya sa kuwarto, para hindi ka mangalay diyan." Sabi ni Tricia. Nagulantang pa si Angelo sa pagkakatingin sa anak. He felt so happy holding his baby. Nakita pa ni Tricia na naluluha ito habang pinamamasdan ang baby nila.
"Ok lang, hindi naman siya mabigat eh." Sagot naman nito.
"Ikaw ang bahala, papasok na ako at kung may kailangan ka ay andiyan sina yaya at Mayet. Sabihan mo lang sila."
"Ok, thank you Tricia."
Hindi na pinansin ang sinabi ni Angelo, hinalikan ang anak at lumabas na.
Nasamyo naman ni Angelo ang mabangong buhok ni Tricia at naalala niya ang nakaraan.
"Namimiss ko ang amoy nay an." Bulong niya.
Tumayo na siya at balak ihiga ang anak sa kama dahil baka uncomfortable ito sa matitigas niyang braso. Hinanap niya ang yaya ni Tricia.
"Yaya, ihihiga ko na po siya, sa room po ba ni Tricia siya natutulog."
"Ay oo iho, hindi puwedeng maihiwalay yan ..Mahal na mahal ni tricia yan. Kita mo nga na nagrent ng condo an malapit dito para nakakauwi siya para tingnan ang anak."
"Mahal na mahal ko din po siya yaya kahit ngayon ko lang nakita. Kung alam ko lang na nagbuntis siya noon ay bumalik kaagad ako para may kasama siya. Alam ko po malaki ang kasalanan ko sa kanya, pero pinagsisisihan ko na po."
Naintindihan naman siya ng yaya ni Tricia at sinabihang ihiga ang anak sa kama ni Tricia at kung gusto niya matulog din ay tumabi na lang siya .Nalaman din kasi ni Angelo na umiiyak ang bata pag walang katabi.Kaya nahiga na siya sa kama, "bahala na kung magalit si Tricia." Sabi niya sa isip niya.
Hindi namamalayan ni Angelo na nakatulog siya sa tabi ng anak. At naabutan ni Tricia na tulog pa rin silang mag-ama. Napaluha siya dahil sa nakitang view sa silid niya. Pero ng gumalaw si Angelo ay bigla siyang tumalikod at pinahid ang luha.
"Sorry nakatulog ako. Dumating ka nap ala. " sabi nito.
"Ngayon ngayon lang."sagot din ni Tricia.
Gumalaw galaw din ang baby nila. Narinig yata ang usapan ng daddy at mommy nito kaya gumalaw siya at nag inat. Napangiti si Tricia sa nakita. Saka nilapitan ang anak.
"Baby, ngayon ka lang nagising. Haba naman ng tulog mo, mamaya hindi mo na ako patutulugin niyan." Nakangiting sabi nito sa anak. Ngumiti naman ang anak at saka nag inat ulit.
"Kung gusto mo dito ako matutulog at akong mag-aalaga sa kanya mamaya para hindi ka mapuyat.?"
"Hindi naman na kailangan yun. Kaya ko." Sagot naman niya. Saka kinarga ang anak at hinalikan.
![](https://img.wattpad.com/cover/2536440-288-k602339.jpg)
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
RomanceI told you what hurts me the most.. and you did it perfectly ! -Tricia-