Chapter 13

5 0 1
                                        

Maagang gumising si Angelo. Papasok siya ngayon. Nasa sala na siya at nagkakape ng bumukas ang pinto ng kuwarto ni Tricia . Lumabas si Tricia dala dala ang anak at nakabihis.

"O bakit nakabihis ka Tricia. Saan ka pupunta?"

"Papasok sa opisina ano pa. And I am late."

"Di ba nag-usap na tayo na hindi ka na muna papasok."

"Oo hindi ko nakalimutan yun kaya lang nakalimutan kong may meeting pala ngayong importante, at saka kukunin ko mga naiwang work sa office ko and then ill bring it home and do it here."

"Ok sabay na lang tayo. Malapit lang naman ang office eh."

"Ok iaayos ko lang ang mga kailangan ni baby. Tapos maggagatas pa ito."

"Ok lang maaga pa naman eh. Baka briefing pa lang ako ng assistant ko kung anong gagawin."

Natutuwa rin si Tricia dahil para silang magkaibigan ni Angelo after the talk.

"Siguradong magugulat ang mga tao sa office kung bakit magkasama kami." Bulong nito sa sarili.

Wala kasing nakakaalam na siya ang ama ng anak ni Tricia. Kaya maraming mag uusyoso mamaya nasisigurado niya.

Ihinanda niya ang lahat ng mga kakailanganin ng baby niya para hindi na mahihirapan ang yaya niya at si Mayet. Naghanda na rin siya at saka lumabas ng kuwarto saka sinabi kay Angelo na......

"Ok I am ready Angelo. Let's go."

" Ok sagot din nito."

"Yaya aalis na po kami paalam ni Tricia. Pakitingnan si baby, uuwi rin po ako kukunin ko lang ang mga naiwan kung trabaho sa office ko. At tatapusin na rin yung meeting mamaya."

"O sige iha, ingat kayo ni Angelo sa pagtawid."

"Salamat po" sabay na sagot nila. Saka lumabas na at sumakay sa elevator.

Paakyat pa lang sila sa Building ng office nila ay tinginan na ang mga employee na nakakakilala sa kanila.

"Good morning mam, sir."

"Good morning din," sabay ding bati nila sa mga employee na bumabati sa kanila.

Pagkasakay nila sa elevator ay may isang nagtanong...

"Mam Tricia hindi namin alam na magkakilala pala kayo ni sir Angelo."

"Ahh oo, siyempre isa siyang may ari dito diba?" sagot naman niya.

"Ay oo nga pala," natatawang sagot naman ng nagtanong na employee. Nagpapacute pa ito kay Angelo.

"Kaguwapo naman ni sir Angelo. Sigurado maiinspired na naman ang mga dalagang nagtatrabaho dito."dagdag pa ng isa na nakisali na rin.

Hindi naman maiwasan ni Tricia ang makaramdam ng konting alalahanin dahil sa isiping baka maagaw sa kanya si Angelo ng iba.

Tumuloy na sila sa kani kanilang office. At kinuha ni Tricia ang mga kakailanganin sa meeting nila ngayong umaga. Ia-anounce na rin niya na mag-uumpisa na si Angelo ngayon.

Naiisip niya, na ano kaya kung papaya siya sa proposal ni Angelo.... Pero iniiwasan din niyang isipin yun dahil natatakoy siya na iwan na naman siya ni Angelo. Habang hinihintay ang oras ng meeting nila ay tinawagan niya ang secretary niya na nasa labas lang. Pinapasok niya ito.

"Mam, you want something?" tanong ng secretary niya.

"Hindi naman kaya lang I just want you to check my office once in a while.. siguro sasaglit ako dito paminsan minsan. Gusto ko lang masure na in order ang company."

"Bakit saan ka pupunta mam?"

"Wala dun lang sa bahay. Sa bahay na ako magwowork dahil kay Baby Fracheska."

"Ay oo nga pala. Lumalaki na siya." Nakangiti namang sabi ng secretary niya.

"OO nga. Basta ikaw na lang ang bahala dito. Pagkatapos ng meeting ay uuwi na ako."

"Ok. Don't worry. You can trust me. " sabi naman ng secretary niya. Naging kaibigan na niya ito kaya alam niyang mapagkakatiwalaan siya.

Pagkatapos magbilin ni Tricia sa secretary niya ay lumabas na siya para pumunta sa meeting room. Naabutan na niya doon siina Angelo. Yung iba ay wala pa. Ngumiti siya dito saka siya umupo.

Nag-umpisa ang meeting. Siinabi lang naman ni Angelo na mula sa araw na ito ay siya na ang mag-manage ng company, at si Tricia naman ay sa bahay na magtatrabaho.

""Kailangan ng baby namin ang ina," dagdag pa ni Angelo.

Nagulat ang lahat dahil walang nakakaalam sa buong opisina na anak niya ang ipinanganak ni Tricia few months ago.

"Huwag niyo akong tingnan ng ganyan. Alam ko na kayong lahat ay may question sa utak kung bakit? Pero sa amin na lang yun ni Tricia. Kaya respect that." Si Angelo

Hapon na. Namimiss na niya ang mag-ina niya. Alam niyang malapit lang ang opisina sa tirahan ni Tricia pero nahiya naman siyang umuwi para doon mananghalian.

Bumaba na siya ng elevator para umuwi. Hindi na talaga siya makapaghintay. Habang naglalakad siya ay nadaanan niya ang flower shop. Bumili siya ng red roses, pagkabili niya ay dali dali siyang tumawid sa kalsada , dahil katapat lang naman ng opisina nila ang Condo ni Tricia. Hindi niya napansin ang kotseng paparating,pero huli na ang lahat.......

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon