Chapter 9

6 0 0
                                    

"Good morning po mam, Tricia."Bati ng isang employee nila.

"Good morning din. Kumusta kayong lahat dito"

"Ok naman po mam, Tricia. Kumusta po ang baby ninyo."

"Malaki na siya, matakaw na din haha!"

"Ang gandang bata nga eh."

"Salamat sa papuri. Sige na at marami naghihintay na work sa akin."

"Sige po mam Tricia. Dahan dahan po. Baka mabinat kayo."

Nagpasalamat siya sa employee niya saka pumasok na sa kanyang office. Maraming naghihintay sa kanya na mga pipirmahang papeles. Mga emails na kailangang sagutin. At least yung iba nasagot na niya noong nasa bahay siya. Hindi naman kasi siya makapagconcentrate masyado dahil sa anak niya. Maliit pa lang ay alam na niya kung sino ang nanay niya at iyak ng iyak ito pag hindi niya nabuhat.

Ilang oras pa lang siyang nawalay sa anak ay namimiss na niya ito.

"Kumusta na kaya ang baby ko." Naisip niya. Pagkatapos ay tinawagan niya ang yaya niya at tinanong kung kumusta na ito at tinanong na rin kung kumusta ang bagong katulong niya.

Ok lang naman daw ang baby niya..medyo naninibago lang daw ito sa nagkakarga. At yung bagong katulong niya ay masipag din..

Kaya nakahinga siya ng maluwag. At least hindi na niya iisiping masyado ang baby niya. Nasa ganong siyang ayos ng kumatok ang secretary niya.

"Mam Tricia baka makalimutan mo yung meeting mamayang hapon."

"Ay oo nga pala, mabuti ipinaalala mo. Anyway may tumawag bas a akin?"

"Mga kliyente mam Tricia. Meron pong tumatawag lagi dito pero hindi naman nagpapakilala."

"Lalaki ba?"

"Yes mam!"

"Baka mga business associates.."

"Siguro po Mam Tricia. Sige balik na ako sa mesa ko. Call me na lang mam kung may kailangan ka. And by the way gumanda ka lalo ngayon may anak ka na."

"Sus, binola mo pa ako. "

"Well maganda ka naman na talaga pero lalo kang gumanda, nagmatured ka at bagay sayo ang magkaanak.."

"OO na, sige thank you hahaha!"

Naging kaibigan na rin niya ang secretary niya. Pero pag nasa office sila ay mam pa rin ang tawag nito sa kanya.. for formalities sabi nga ng secretary niya.. kung siya lang ang tatanungin ay ok na ng Tricia na lamang dahil bata pa naman siya. Meron ding mga business associates na nagpapalipad hangin sa kanya pero hindi niya ito pinapansin. Hanggang ngayon si Angelo pa rin ang mahal niya kahit iniwan siya nito. Nakatago pa rin ang promise ni Angelo sa puso niya at ang engagement ring nila ay itinago din niya, Inalis lang niya sa daliri niya dahil ayaw niyang naaalala ito lagi .

Lunch time ay umuwi siya para makarga kahit saglit ang baby niya.

Miss na miss niya ito.

Hindi niya alam na pauwi na si Angelo mula sa America...

"Yaya, pauwi na po ako sa isang Linggo. Pakihanda po ang room ko." Si Angelo sa kabilang linya tinawagan ang yaya niya.

"Ganon ba Angelo, mabuti naman at naisipan mong umuwi."

"May balita na ba kayo kay Tricia yaya?"

"Wala pa iho, hindi naman sila nagagawi dito eh."

"Ganon ba, anyway nasa office lang naman yun, doon ko na lang siya sasadyain."

"Baka galit pa yun sayo iho."

"Ok lang po yun yaya, kasalanan ko naman po eh. Sige yaya at mag iempake muna ako. Basta pakilinis na lang yung room ko, at maghanda na rin kayo ng favorite food ko. Thank you yaya, miss na miss ko na kayo at ang Pilipinas."

"Sige iho, ingat na lang sa biyahe."

At nagpaalaman sila ng yaya niya. Excited na siyang umuwi, excited na rin siyang Makita si Tricia. Namimiss niya ito ng husto. Kailangan mapatawad pa siya nito, dahil alam niyang galit ito sa kanya noong umalis siya." Sana maibabalik ang dati.. "naibulong niya.

"Kumusta po ang baby ko Yaya," tanong kaagad nito sa yaya niya ng makauwi siya.

"Nakatulog na. Kumusta ang unang araw mo sa office Tricia.?"

"Ok lang naman po, parehas din ng dati. Marami nga lang trabaho ngayon dahil natambakan ako. Pero kaya ko po yaya."

"Kumusta ang unang araw mo dito Mayet?" tanong ni Tricia sa bagong katulong.

"Ok lang po mam Tricia. Salamat pos a paghire sa akin."

"Ok lang basta ayusin mo ang pagtratrabaho ay magtatagal ka dito. Saka kailangan ko lang naman ng katulong ni yaya para sa baby saka sa bahay na rin. Meron ding ako isa na naglilinis doon sa malaking bahay naming pero once a week lang siya.

"Ok po mam Tricia, sa kabaitan po ninyo siguradong magtatagal po ako dito. Saka ang cute ng baby niyo mam."

"Salamat Mayet. Kakain muna ako at babalik din ako sa office. Maraming trabaho eh."

"Oh sige ate at nakahanda na ang mesa."

Abangan ang susunod


Love Koko

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon