Chapter 2
Matuling lumipas ang araw, nagdalaga at nagbinata sina Angelo at Tricia. Nasa college na sila . Lumaki silang guwapo at maganda. Tinotoo din ni Angelo ang isang pangako kay Tricia na liligawan niya ito. Sinagot din kaagad ni Tricia si Angelo dahil gusto din niya ito. At naiinggit ang mga binata at dalagang nakakakita sa kanila dahil, perfect couple nga daw sila.
"Tricia babe, punta tayo sa baguio sa sabado, paalam ka kina tito at tita."
"Sige i'll try kung payagan ako nina daddy at mommy Angelo."
"Papayag ang mga iyon, ako naman kasama mo eh. Malaki yata ang tiwala nila sa akin."
"Yabang talaga ng BF ko. Sino bang mga kasama natin na pupunta?"
"Sina James at Sandy,Philip at Dina."
"Ano bang nakain ng mga yun at naisipang mag out of town at sa baguio pa?"
"Gusto lang nilang magkakasama tayo bago ang Graduation natin. Alam mo na malapit na tayong mag graduate, at sa wakas matatapos na tayo." excited na sabi ni Angelo sabay halik ng mariin sa labi ni Tricia.
Malapit na silang matapos sa Business Management na kursong kinuha nila. Gusto kasi nilang sila ang magmanage sa business na itinayo ng mga magulang nila. Tuwang tuwa naman ang mga parents nila dahil ang mga anak nila ang magkakatuluyan.
Tinugon din ni Tricia ang halik ni Angelo. Sa tagal nilang magnobyo ay hindi pa naman sila lumalampas sa halikan lang.
"Hoy!!! Tigilan niyo na yan. Baka kung saan kayo makarating!!" panggugulat ni Dina ang bestfriend nila. Pilyo naman ang ngiti ni Philip na kahawak kamay ang nobyang si Dina.
"Kahit saan kami makarating mga istorbo ay sa simbahan din naman kami tutuloy. Inggit lang kayong dalawa. Philip hindi mo yata hinahalikan ang nobya mo eh." biro ni Angelo sa nakangiting si Philip.
"Anong hindi, lagi ngang humihingi ng halik yan eh." biro ding sagot ni Philip.
"Tumigil ka nga Philip. Ikaw nga diyan ang hindi kompleto ang araw pag hindi nakakahalik sa akin eh."kunwari ay inis na sagot ni Dina.
"Hay naku tama na nga yan. " sabad din ni Tricia na natatawa sa mga kaibigan at sa nobyo.
"Akala ko ba may lunch tayo nina James at Sandy?" pag-iibang tanong ni Angelo kina Philip at Dina.
"Oo nga pala nasaan yung dalawang yun?" dagdag din ni Tricia.
"Nasa toilet pa siguro," nangingiting sagot ni Philip sa kanila.
"Ano bang ginagawa nila sa toilet?" si Dina
"Alam mo na gumagawa ng milagro."sagot din ni Philip.
"Tumigil ka nga Philip. Mamaya maniwala sina Angelo at Tricia, gayahin din nila," biro din ni Dina.
"O ayan na pala sila eh. Saan ba tayo maglalunch Angelo?
"Itanong mo sa mga babae Pare. Mas ok kung sila ang mamili."sagot din ni Angelo.
"Teka hintayin natin sina James at Sandy." sabad nii Dina
Nakangiti namang naglalakad sina James at Sandy palapit sa kanila.
"Hmmm totoo yata sinabi mo pre ah na galing sa toilet ang dalawa at gumawa ng milagro," pasigaw na biro ni Angelo.
Narinig naman nina James at Sandy ang sinabi ni Angelo.
"Oy, mga pre, Tricia at Dina, sorry natagalan kami."
Nagbeso-beso naman ang mga nobya nila.
"Saan ba kasi kayo galing ni Sandy James?" si tricia
"Diyan lang sa tabi tabi Tricia," birong sagot ni Sandy.
Sa kantiyawan tuloy nauwi ang kanilang usapan.....
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
RomanceI told you what hurts me the most.. and you did it perfectly ! -Tricia-