Naka-settle na si Tricia sa opisina niya, malapit na rin siyang manganak.
"Ang bilis ng panahon. Parang kaylan lang. Malapit ka ng lumabas baby. Hindi pa rin umuuwi ang daddy mo. Sana andito siya para makita niya ang paglabas mo." hinahaplos ang kaumbukan ng tiyan na kinakausap ang anak.
"Malapit na rin ang Anniversary ng pagpanaw nina mommy at daddy. I missed you so much mom and dad. Sana andito kayo para makita niyo ang unang apo ninyo".. Naluluhang sabi ni Tricia.
Samantala sa America, tumatawag si Angelo sa yaya niya. Ilang buwan din niyang pinagbakasyon ang yaya niya kaya hindi niya ito natawagan. At kahit pala mag-paalam si Tricia ay wala rin pala ito sa bahay nina Angelo. Kaya lahat ng nangyari ay hindi nalaman ni Angelo. Pati ang pagpanaw ng mga magulang ni Tricia.
"Yaya, Kumusta na diyan sa bahay? Tanong ni Angelo sa yaya niya sa kabilang linya.
"Ok lang naman ang bahay ninyo Angelo. Ikaw kumusta ka na diyan sa America? Balik tanong ng yaya niya.
"Ok naman po ako dito yaya, baka po uuwi ako in 2 or 3 months time."
"Dapat lang, matagal ka na rin diyan. Namimiss ka na naming dito."
"Eh kumusta po si Trcia yaya,,,"
"Yun ang hindi ko alam Angelo kasi pagbalik ko dito sa bahay ninyo ay hindi ko na sila nakikita pa, saka nakasara na ang gate nila. Nakakandado pala. Walang tao sa bahay."
"Ano po? Saan naman po sila pumunta? Saka kumusta po ang daddy at mommy niya."
"Nabalitaan ko na lang iho na pumanaw na din ang mga magulang ni Tricia." Balita pa ng yaya niya kay Angelo.
Hindi nakaimik si Angelo sa nabalitaan tungkol sa mga magulang ni Tricia. Ang laki ng
kasalanan ni Angelo kay Tricia. Ni hindi man lang niya nalaman o pumunta sa burol at libing ng mga magulang nito samantalang siya noon ay araw araw na andun si Tricia. Kahit pa nasa ospital ang parents niya noon.
"O Angelo andiyan ka pa ba? Ang alam ko lang ay nagtratrabaho na si Tricia sa kompanya ng mga parents ninyo."
"Sige po yaya, bye na po." Malungkot na paalam nito sa yaya niya.
"Ok iho. Ingat ka lagi diyan at kumain ka ng maayos ha." Umuwi ka na dito."
Ibinaba na nila pareho ang phone. Naawa si Angelo kay Tricia. Alam niya na mula pa pagkabata ay siya na ang sandalan nito. Pero nagging mahina siya at lumayo. Imbes na harapin ang problema kasama si Tricia pero hindi niya nakaya. Naisip niya na mas malakas pa pala si Tricia kesa sa kanya. Kahit mag isa siya ay naharap niya lahat ang mga naganap sa buhay niya. Ngayon ay si Tricia pa ang naghahandle ngayon sa kompanya nila. Naisip niya na it's time to go home.
"I still love you Tricia. Sana mapatawad mo ako sa lahat ng nagawa ko sayo." Bulong niya.
" Sana nakatago pa rin ang mga pangako ko sa puso mo Tricia."
"Sana mahal mo pa rin ako pagbalik ko. Sana ay hindi ka galit sa akin."
Maraming sana ang pumuno sa isipan ni Angelo. Nagsisisi siya sa ginawa niyang paglayo lalo na ng malamang namatay din pala ang mga magulang ni Tricia.
Dumating ang kabuwanan ni Tricia.
Her baby looks like her and Angelo. Cute sabi nga nila. She named her baby Francheska. Mataba na ito dahil 3 months na. sa lunes ay papasok an siya sa opisina.
"How time flies", sabi nga niya. 3 months na ang baby niya.
Tumatawa na ito at nakakaintindi na rin.
"Parang kaylan lang ang liit liit mo pa lang, Hindi ka pa nakikita ng daddy mo. Ang bilis ng panahon" kinakausap niya ang tumatawang anak.
"Tricia anak, iwan mo muna si Francy sa akin at kumain ka muna."
"ok po yaya, Francy, baby dito ka muna kay granny ha, kakain lang ang mommy."
"Papasok ka na bukas Tricia. Ok ka na ba?"
"Ok na po ako yaya. Haba po ng rest ko."
"Sige kung kaya mo na. Aalagaan ko si baby. Saka malapit ka lang naman kaya nabibisita mo pa rin siya lagi."
"Oo nga po yaya. Kumuha po ako ng makakasama niyo dito. Sa lunes na din siya mag uumpisa. Live out siya. Kaya hindi na kayo mahihirapan."
"Ok anak. Basta huwag kang mag alala sa baby mo."
"Alam ko naman pong hindi niyo siya pababayaan eh yaya, hindi niyo nga ako pinabayan eh dib a."
"Siyempre para na ring kitang anak eh. Saka mabait kang bata."
"Sige kumain ka para bumalik lalo ang lakas mo." Utos ng yaya niya.
Abangan ang susunod
Love Koko
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
RomanceI told you what hurts me the most.. and you did it perfectly ! -Tricia-