Chapter 14

4 0 1
                                        

  Nagkagulo sa ER, agaw buhay si Angelo ng idating nila sa ospital.

"1....2....3...!!! "bilang ng doctor habang niririresuscitate si Angelo.

May tumawag rin sa yaya nito at kay Tricia.

Binigyan siya ng Epinephrine.

" I think were losing him. " pagod at disappointed na sabi ng doctor.Binigyan ulit si Angelo ng Epinephrine saka AED. Pero wala pa ring response. Tiningnan ng doctor ang pulso niya mahina . napailing ang doctor.

"I think we will just let him go. At least we tried. I have to talk to his family."sabi ng doctor habang inaalis ang mask niya ang gloves saka doctor's gown.

Siya namang pagdating ni Tricia. Umiiyak siya at nanginginig. Iniwan niya ang baby nila ni Angelo sa yaya nito at pinakiusapan din niya si Mayet na huwag munang umuwi.

"Angelo please, don't go. We're not done yet. We haven't settled our scores." Bulong niya na nakatanaw sa salamin ng bintana sa ER. Habang niririresuscitate si Angelo. Panay ang iyak ni Tricia.

Ng hindi pa rin nagriresponse si Angelo ay lumabas at sinabihan si Tricia na ihanda ang loob nito.

"Hi, ikaw ba ang asawa ni Mr.Angelo?" tanong ng doctor sa kanya.

Hindi niya namalayan na lumabas ang doctor at nasa tabi na niya ito. Kinakausap siya. Pero hindi niya ito napapansin dahil sa iyak niya at nakafucos ang mata niya kay Angelo.

Tinapik ng doctor ang balikat ni Tricia. Saka pa lang siya lumingon at tiningnan ang doctor.

"I hate to say this misis, we've tried but he is not responding."malungkot na sabi ng doctor kay Tricia.

Hindi na nakayanan ni Tricia. Napalupasay siya sa sahig at umiyak ng umiyak. Nakaalalay naman ang doctor sa kanya.

"Misis, calm down. Puwede ka ng pumasok sa loob . He might go anytime now."pag-aalo ng doctor.

Tumayo si Tricia at pumasok sa loob ng ER. Nakahiga si Angelo , maputla na ito at wala ng kabuhay buhay. Tiningnan niya sa screen, hindi pa straight ang line na nakalagay dun. Nabuhayan siya ng pag-asa.

Hinawakan ni Tricia ang kamay nito saka kinausap habang patuloy ang daloy ng luha niya.

"Angelo, naalala mo pa nong maliliit tayo. Ipinangako mo sa akin na hinding hindi mo ako pababayaan at iiwan. Do you remember ,everytime na inaaway ako, nandiyan ka lagi na nagtatanggol sa akin. Nong iwan mo ako, akala ko katapusan na ng mundo ko. Pero hindi pala, dahil nangako ka sa akin na babalik ka. Kahit galit ako noon Angelo hinintay kita. Kami ng anak mo. Umasa ako at itinago ko dito sa puso ko ang mga pangako mo. Dahil alam ko na hindi ka ganon sa akin. Na hindi mo ako iiwan na kahit anong mangyari babalik at babalik ka sa piling ko." Kinakausap ni Tricia si Angelo na hopeful siya,nagbabakasali na lalabanan nito ang kamatayan.

"Angelo, nong iwan mo ako.. nasaktan ako at nagtanim ng galit sayo. Pero what hurts the most is seeing you lifeless, and anytime ay aalis ka kung hahayaan mo na for the second time ay iiwan mo na naman ako. Lagi na lang bang ganyan ang papel ko sa puso mo Angelo. Iiwan iwanan?Akala ko ba tutuparin mo ang mga pangako mo sa akin. Papaano ang baby natin. Ni hindi mo pa nga siya nakakapiling ng kahit ilang buwan, mawawala ka ulit. At hindi na babalik pa kaylan man."

Hindi na talaga kaya ni Tricia. Tinitingnan niya ang screen kung may sign ng pagbabago, pero wala. Lumabas siya, nilingon muli si Angelo sa bintanang salamin.

HInanap ni Tricia ang chapel ,nang mahanap ay pumasok siya at lumuhod. Umiyak siya at nagmakaawa sa Diyos...

"Lord ikaw na lang ang pag-asa ko para mabuhay siya. Ikaw ang nagbigay ng buhay sa kanya Lord, ikaw din ang may kakayahang magbalik ang buhay na anytime ay mawawala sa kanya."

Humagulgol si Tricia. , ilang minutes siya sa ganong ayos,saka ipinagpatuloy ang pagdadasal.

" Lord, im begging you. Give Angelo the strength that he needs right now. Para malabanan niya ang kamatayang nakaatang sa kanya. Ibinigay mo sa amin ang aming anak, dapat hindi mo ipagkakait na maging ama si Angelo sa anak namin Lord. "

"Ako na lang ang kunin mo Lord. Mahal na mahal ko po si Angelo at alam ko po Lord na mahal na mahal din siya ng anak namin kahit na hindi pa niya naiintindihan ang mga nangyayari ngayon."

Tumayo na siya. Nagpunas ng luha saka mabilis na lumabas. Hindi niya alam kung bakit parang kinakabahan siya. Mag-iisang oras din siya sa Chapel. Hindi maubos ubos ang luha niya. Naawa siya kay Angelo, naawa din siya sa anak nila.

Hindi niya kakayanin ang mag-isang muli.

Mabilis siyang naglakad at ng makarating sa ER ay nakita niyang labas pasok ang mga nurse . Hindi niya alam ang nangyayari kay Angelo dahil natatakpan ito ng mga doctor at mga nurse. Kinakabahan na siya talaga..

"Huwag naman sana Lord. "usal niya.

Nasa ganoong siyang ayos ng dumating ang yaya ni Angelo.

"Kumusta na si Angelo anak. " tanong ng yaya ni Angelo.

"Hindi ko na po alam ang nangyayari sa loob yaya. Hindi ko po alam ang gagawin ko." iyak ni Tricia na ngayon lang niya nakita ulit mula ng iwanan siya ni Angelo.

Busy ang lahat ng doctor at mga nurse kay Angelo. Hindi niya alam kung ano na ang nangyayari sa loob.

"Magdasal tayo anak. Nakikita ng Diyos ang kagustuhan mong mabuhay siya."pag-aalo ng yaya ni Angelo.

Umiiyak din ang yaya nito. Hindi rin nito kaya na mawala ang taong inalagaan ng mahabang panahon.

Ng mapansin ni Tricia na naglakad palabas ang isang doctor palabas sa pintuan. Hindi pa rin niya makita si Angelo dahil napapalibutan ito ng mga nurse at doctor.

Lumapit kaagad si Tricia pagkalabas ng doctor. Nanginginig siya. Parang hindi niya kakayanin ang sasabihin ng doctor tungkol kay Angelo. Inalis muna ng doctor ang mask nito saka nagsalita...

"Misis, si Angelo......."

"Ku..........musta po.... " hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil natumba na siya at nahimatay. Mabuti na lang nasa likod niya ang yaya ni Angelo. Hindi siya bumagsak sa sahig.

Ano ang sasabihin ng doctor about Angelo? Good or bad?

Makakaya ba ni Angelo na labanan ang kamatayan? Ano ang mangyayari kay Tricia at sa anak nito?

Abangan po ang finale. Enjoy.

Love Koko

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon