Chapter 7

5 0 3
                                    

Nakaalis na si Angelo papuntang America kasama si Jenny. Gabi gabing umiiyak si Tricia dahil sa selos at pagkamiss sa nobyo. Wala pa ring pagbabago sa mga magulang niya.

Isang araw habang naglalakad siya papunta sa room ng magulang niya sa ospital ay nakita niyang nagkakagulo ang mga nurse at doctor. Nakita din niya ang tita at yaya niya na umiiyak.

"Ano pong nangyayari?" tanong niya sa mga ito.

Sasagutin sana siya ng tita niya ng lumabas ang doctor, shaking his head at sinabing....,

" Im sorry, i tried but, they're gone."

"No, no! Hindi ako iiwan nina mommy at daddy. I need them.. Nooooo!" napalakas na ng iyak niya.

"Anak, let them go, they need to rest too. They've been sleeping for a few months, i am sure they are both happy to where they are now and they will be more happt if you let them go." pag-aalo ng tita niya.

"Tama ang tita mo anak. Ibigay mo na sila sa panginoon. Magiging masaya sila kung nakikita nilang masaya ka."

"Nooo, mommy, daddy! Bakit niyo ako iniwan?"

Niyakap siya ng dalawang matanda at inilabas sa room kung saan inaayos ang katawan ng mga magulang niya.

"Anak kaya mo yan, huwag kang susuko. Andito lang kami." Pag aalo ng tita niya.

Umiiyak din ang yaya niya. Naisip niya na mabuti pa ang tita at yaya niya, andito samantalang ang taong kinukuhanan niya ng lakas ang taong tagapag tanggol niya mula pa bata siya ay wala. Nagtanim siya ng galit para kay Angelo.

"Kung mahal mo ako hindi mo ako iiwan Angelo. Sarili mo lang ang iniisip mo. Hindi mo man lang inisip na kailangan din kita. Makasarili ka Angelo. Sana huwag ka ng bumalik." Galit niyang bulong sa kanyang sarili.

Inilibing ang mommy at daddy ni Tricia na hindi man lang nagpakita si Angelo. Nadagdagan ang galit niya dito. Nalaman pa niyang buntis siya magdadalawang buwan na at ngayon hindi niya alam ang gagawin niya. Nasa stage pa siya ng pagluluksa. Mahirap man na wala ang mga magulang sa tabi niya ay kailangang tumayo siya at maging matatag. Laging nakaalalay naman ang tita niya at ang yaya nito. nagdesisyon siyang pansamantalang umalis muna sa bahay nila at magrent ng condo malapit sa kompanya nila. next month mag-uumpisa na siya. Isinara muna niya ang malaking bahay nila sa dahilang gusto niyang makalimot sa mga nangyari at makamove on lalo na ngayong magkakababy na siya. Hindi siya nag paalam sa yaya ni Angelo. Basta umalis lang sila ng yaya niya dala ang ilang damit. Sinabi naman niya sa yaya niya na maghahire siya ng maglilinis doon every once a week.

"Yaya may sasabihin po ako sa inyo. Buntis po ako at si Angelo po ang ama pero wala po akong balak na sabihin. Sa ngayon ay wala. Saka ko na lang sasabihin . Pakiusap lang po. Just keep it from Angelo's yaya. Kayo lang muna ni tita ang nakakaalam." dagdag pa niya.

Nagulat man ang yaya niya dahil napakabata pa niya, mag-20 pa lang ang alaga niya pero dapat niya itong suportahan. Mahal na mahal din niya ang alaga.

"Huwag kang mag-alala anak, at andito lang ako. Tutulungan kitang bantayan ang magiging baby mo. Basta ingatan mo ang sarili mo at kumain ka ng tama para magong healthy paglabas ng iyong baby."

"Opo yaya salamat po. Hayaan niyo po hindi ko po pababayaan ang sarili ko at ang kompanyang aniwan nina daddy."

"Mabuti na rin itong malapit na lang ang tinitirhan natin sa opisina mo."

"Sa ngayon ay tayo na lang muna ang nakakaalam nito yaya."

"Naiintindihan ko anak. Ano bang gusto mong kainin at bukas ay mamalengke ako?"

"Kaldereta kaya yaya. Parang namiss ko yun ah."

"Kakakain mo lang nong isang linggo. Baka pinaglilihian mo yan iha."

"Siguro po yaya" nakangiting sagot niya.

"Kaylan ka nga pala mag-uumpisa sa pagtatrabaho?"

"Next month na yaya. May isang linggo pa akong magpapahinga."

"Basta huwag kang magpapagod anak. "

"Opo yaya. Tulog na po tayo. Inaantok na ako eh."

"Mauna ka na anak at, ililigpit ko lang ang mga ito."

"Bukas na po yan, pahinga muna kayo."

"Sige anak, mauna ka na. Hindi pa ako inaantok."

"Goodnight yaya."

Ano ang mangyayari sa buhay in Tricia?

Abangan....

Koko with Love 

What Hurts the MostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon