Nakalapag na ang eroplano na sinakyan ni Angelo. Lumabas siya kaagad at kinuha ang mga maleta niya.
Excited na siya talagang makauwi.
Nagpasundo siya sa driver nila dahil madaling araw na ng makalapag ang eroplanong sinakyan niya.
Nakita naman kaagad niya ang driver nila. Ilang years din siyang nawala, "mag 2 years din." Naibulong niya.
"Mang Fred, kumusta po kayo? Kumusta po ang pamilya ninyo."
"Ito anak, tumatanda na. ok naman ang pamilya ko, salamat. Ikaw Angelo kumusta ang buhay America?"
"Ok naman po Mang Fred."
Habang daan pauwi ay kinausap niya ng kinausap ang driver nila dahil hindi naman siya inaantok.
Pagkapasok pa lang ng kotse sa loob ng bahay nila ay, tinanaw na niya ang bintana ng kuwarto ni Tricia.
Nagbabakasaling bumalik na ito doon.
Pero madilim ang buong kabahayan.
Kinabukasan ay natulog maghapon si Angelo, dahil may jetlag pa siya.
Plano niyang pumunta sa opisina para icheck ang kompanya ng mga magulang nila and at the same time ay para makita si Tricia.
"Kumusta na kaya siya. Matagal ding hindi kami nagkita." Bulong niya.
Kinabukasan ay excited na naghanda si Angelo para pumunta sa opisina.
"Yaya, hindi po ako dito kakain mamayang dinner. Sa labas po kaya huwag na kayong magluto ng para sa akin. "bilin niya sa yaya niya.
"Bakit iho, saan ba ang lakad mo ngayon?"
"Sa opisina po yaya. Titingnan ko ang kompanya and then makikipagmeet po ako sa mga friends ko. Kaya gabi na siguro ako makakauwi."
"Oh sige iho. Mag-ingat ka, maraming mga luko luko na ngayon dito sa Pilipinas."
"Opo yaya. Salamat po. Sige po aalis na po ako."
"Ingat sa pagdadarive, bakit kasi hindi ka pa pahatid kay mang Fred."
"Ako na lang po yaya. Don't worry."
"Ok bye bye."
Maaga si Tricia na pumasok. Marami pa kasi siyang mga trabahong hindi natapos noong magleave siya.
Kaya heto siya ngayon maagang nag uumpisang mag trabaho. Umuuwi naman siya during lunch para makita ang anak niya kaya hindi siya masyadong nangungulila.
Busy siya sa harap ng computer nagrireply sa mga emails at hindi niya napansin ang pagpasok ng isang taong hindi niya inaasahang makita sa tanang buhay niya.
"Good morning!" bati ng isang boses lalaki.
Nag-angat siya ng ulo at nagulat siya sa nakita, si Angelo nakatayo sa harapan niya.Biglang bumalik ang nakaraan at ang galit niya.
"Anong ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa America ka. And whats good in the morning?" painsultong sabi nito kay Angelo.
"Well I came back 2 days ago. It's time I am going to help you in the company."
Sinabi niya iyon na nakatingin kay Tricia. Napansin niyang lalong gumanda ito. At nagmatured.
"May asawa na ba siya?" tanong ng isip niya.
"Huh! Help in the company? Kelan ka pa nagising? By the way, I am planning to buy your dad's share dito sa company para wala ka ng alalahanin pa. I suppose to ask my lawyer to call you and tell you that plan of mine. Kaya lang andito ka na kaya maybe we can talk about ....."
Hindi pa niya naitutuloy ang sasabihin ng biglang sabihin ni Angelo na....
"I am not selling it. I will help run it. If you want , marry me so we can merge the company to one."
"No, I am not going to marry a weak man."
"If you don't want to sell it then that's fine, just don't show your face to me just like what you told me before.End of the story."puwede ka ng umalis. At ang office mo ay hindi dito. Sa kabila ka. I assume iba ang napasukan mong opisina.
Bye Mr. Sanchez." Dagdag pa niya.
Napatiim bagang si Angelo. Sa likod ng galit ni Tricia andun ang tuwa at bumalik na ang pinakamamahal niyang lalaki. Pero hindi niya ito magawang patawarin sa ginawang pag- iwan sa kanya.
Hindi niya alam kung kaylan niya ito mapapatawad. Napansin din niya na hindi pa alam ni Angelo na may anak silang dalawa.Naisip niya na hanggang kaya niya ay itatago na muna niya ito. Bahala na pag nalaman nito na nagkaanak sila.
Narinig niyang sumara ang pinto ng opisina niya. Lumabas na si Angelo. Nakita niya sa mukha nito na malungkot ito. Pero hindi niya basta basta makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Not yet..., sabi ng isip niya.
Malungkot man na lumabas si Angelo sa opisina ay masaya pa rin ang puso niya dahil nakita niya ang babaeng pinakamamahal niya.
Aminado naman siya na kasalanan niya kung bakit galit na galit si Tricia sa kanya.
Mapapatawad ba ni Tricia si Angelo?
Huwag kaligtaan.....
![](https://img.wattpad.com/cover/2536440-288-k602339.jpg)
BINABASA MO ANG
What Hurts the Most
RomanceI told you what hurts me the most.. and you did it perfectly ! -Tricia-