Chapter 1

116 12 0
                                    


ALTHEA'S POV


Nagulat ako ng may biglang pumasok sa kwarto ko. Nahulog tuloy ang hawak kong picture. Sino pa nga ba ang pwedeng pumasok ng kwarto ko ng walang pahintulot? Syempre ang bestfriend kong si Cindy.


"Hoy Althea! Tulala ka na naman dyan! Naiisip mo na naman siya no?"


"Ha?? Hindi ah..." sagot ko.


"Sus! Magkakaila ka pa ba sa akin? Parang namang hindi kita kilala. Saka huling huli ka na oh" sabay pulot ng picture na nahulog ko at inabot sa'kin. "Itatanggi mo pa ba?"


"Hay... Oo na...alam mo naman di ba?" sabay buntong hininga.


"Alam ko... alam na alam ko. Althea naman... hanggang kailan ka ba ganyan? It was 4 years ago. You suffered too much at alam nating higit pa sa nararapat mangyari. And up to now you're still suffering.. Ano pa ba mga kailangan mong makita at marinig para matauhan ka ng tuluyan?"


"Hindi ko alam sissy. Hanggang ngayon hindi ko siya makalimutan. Bakit ganon? Bakit kahit ang tagal na ang sakit sakit pa din? Hindi ko pa din kasi siya kayang pakawalan eh"


"Ewan nga sa'yo. Lately ang sarap mo nang iumpog sa pader eh... Baka sakaling magising ka sa katotohanan.. Baka sakaling matauhan ka at matigil yang mgakahibangan mo.. Ilang bes ko bang sasabihin sa'yo, paano mo siya pakakawalan eh nung naging sa'yo nga diba sandali lang? Kasi kahit kailan hindi naman siya naging sa'yo... ng buo... di ba?


Natahimik ako. Wala na naman akong maisagot kasi tama siya. At heto ako, nagsisimula na namang maiyak. Hindi ko maipagpipilitan yung side ko kasi hihiritan na naman nya ko ng mga banat nyang makakapagpatameme ulit sa'kin. Minsan na nga lang magmahal ng totoo, palpak pa. Kung pwede ko lang maibalik yung panahon, pipigilan ko maige ang sarili ko na mahalin siya. Para siguro hindi ganito kasakit... para nakaiwas ako. Kung nagawa ko siguro yun, baka masaya ako ngayon. Kaya lang huli na para magsisi.


Salamat kay Cindy, lagi siyang nandyan para sa'kin. Kahit alam kong napipika na siya twing makikita akong ganito... kahit nakakatulig ng pakinggan ang paulit ulit kong kwento...kahit napupuyat na siya para lang aluin ako tuwing naiiyak ako lalo na sa gabi...at kahit nauubos na ang laway nya kakapangaral sa'kin tapos hindi ko naman siya papakinggan.


Apat na taon... grabe..for 4 freaking years hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko.. Pero dapat okay na ko diba? Dapat naka move on na ako. Dapat nakalimutan ko na siya. Dapat!


Pero bakit ganito? Bakit nabubuhay pa din ako sa nakaraan? Sa mga alaala namin.. Minsan kasi hindi ko talaga maiwasang wag isipin at lingunin. Alam ko namang wala ng magbabago kahit paulit ulit kong balikan. Tama sila eh, hanggang ngayon kasi umaasa pa din ako. Ganito ba talaga ako katanga? O ganito kahirap para sa aking tanggapin na hanggang dun na lang talaga?


I'm Althea Cruz, isang Interior Designer na ilang taon ng naka base sa New York. Bumalik ako dito sa Pilipinas dahil na din sa pakiusap ng mama ko na umuwi ako at dito na lang sa Pilipinas mag stay. BUkod dun may nag offer din sa'kin na isang malaking company somewhere in Makati para magtrabaho sa kanila. I accepted the offer. Mukha din naman kasing okay. Saka pagod na'kong magtago, umiwas, lumayo. Pero... bukod dun, hindi ko maintindihan kung bakit... pero pakiramdam ko may nagtutulak sa'kin na umuwi na talaga dito.


In my age, successful na daw ako. Halos lahat nga daw nasa akin na sabi nila. Akala ko pag naaccomplish ko na lahat, okay na... Pero bakit hindi pa din ako masaya? Lagi pa ding may kulang. Nakuha ko na nga mga gusto ko, pero hindi kahit kailan ang nag iisang pangarap ko.






Si Miguel Dela Vega.

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon