Chapter 12

50 5 0
                                    

Althea’s POV

“Hahaha! My dear sissy… Sorry na please?? Hahaha” sabi ni Cindy sa’kin.

Nakakainis talaga siya! Grabe! Bakit ngayon lang nag sink in sa’kin ang ginawa niya! Binigay niya ang number ko ng walang pahintulot ko tapos sa isang lalaki pa na kanina lang naming nakilala!

At teka, sa pagkakatanda ko sinara ko ang cellphone ko bago ko yun hinagis sa kama, kaya talagang nagulat ako nung mag ring bigla yun. Hay naku! Grabe talaga! Pinakialaman ni Cindy ang cellphone ko.

Ano bang meron sa Charles na yun at parang gustong gusto niya yun para sa’kin?

Perobakit nga ba ako tulala kanina?? Lutang lang?? Grabe! Nakakahiya na din kasing tanggihan si Charles dahil tinulungan niya ako…

Dahil nga ba dun kaya ako pumayag?? Hay… But still….

“No! I hate you Cindy!” Inis akong umupo sa gilid ng kama matapos hingalin kakabato ng unan sa kanya. Tumigil siya ng kakatawa nung nakitang hawak ko na naman ang dibdib ko.

“Sissy bakit?? Anong nararamdaman mo?? May masakit na naman ba sa’yo??”

“Wala to... hiningal lang ako.”

“Teka ikukuha muna kita ng tubig”agad siyang lumabas ng kwarto at pagbalik ay may dala ng isang basong tubig at ininom ko naman yun pagkabigay niya.“Okay ka na??”nag aalalang tanong niya sa’kin.

“Kasalanan mo kasi to eh...kung hindi mo kinuha yung cellphone ko at nagpahabol sa grocery eh di san---“

“Sorry na nga eh…”sabi niya habang nakayakap at nagpapacute sa’kin.

“Ewan nga! Bakit mo ba kasi binigay yung number ko?”

“Eh alangan namang number ko?? Saka diba narinig mo naman na tinanong ka niya kung pwede kayong magkita ulit??”

“Oo nga! Pero sana… hinayaan mong ako yung sumagot sa kanya diba??”

“Kung aantayin naming dalawa ang sagot mo, malamang hindi pa din tayo nakakauwi. Helloooo! Bakit ka ba kasi tulala kanina ha??”

“Ewan ko din…” sabay buntong hininga ko. “But you know what?? Parang nakilala ko na siya noon eh… Parang nagkita na kami”

“Wow! Destiny yan sissy… Siguro dahil soul mate mo siya! Hahaha!” Aba! Ang lokang to talagang pinagtitripan pa ako!

“Anong sinasabi mo diyan?!”

“Malay mo he’s the one… Uyyy!”Nanukso pa talaga! Anong trip nitong bestfriend ko? Ang lakas ng tama niya eh… T___T

“Tumigil ka nga diyan! At teka, ang dami mong kasalanan sa’kin ngayon ha! Bakit mo binura ang laman ng cellphone ko?!  Sa’yo to?? Pagmamay ari mo?? Psssshh!”

Nung pauwi na kami, saka lang niya naisipang ibalik sa’kin ang cellphone ko nung hinanap ko na sa kanya. Kaya inis na inis talaga ako nung makitang wala na lahat ang laman nun, pero wala lang yun sa kanya. Kaya mas nakakagigil diba?

“Hoy babae! Teka ka nga! Bakit ka ba nagagalit sa’kin? Napag usapan na natin to diba?”

Hay… Oo nga pala, pumayag ako. Kasama sa kondisyon niya ang pagbura ng laman ng cp ko. Kainis naman kasi! Hindi ko naman akalain na gagawin na niya agad yun kanina. Hindi tuloy ako nakapag back up ng files… Oooops! Joke lang po… ^__^

“Sooner or later, alam ko magpapasalamat ka din sa’kin bakit ko ginawa yun”with confidence na sabi niya.

“At pa’no mo naman nasabi?? Nakataas ang kilay kong tanong.

“Bestfriend’s instinct”Sabay kindat sa’kin.

********

baka next week na'ko ulit makapag update.. medyo busy pa.. tapos sira pa yung laptop ko... =(

pero promise next UD ko madaming chapters na yun...

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon