PROLOGUE
Words cannot express what I feel.
Kung sana lang kayang maipaliwanag ng pag iyak ko 'to. Kung kaya lang sana nitong mabawasan anglahat ng sakit... ang bawat paghihirap ko. Pero sa bawat pag iyak ko, lalo ko lang nararamdamang hindi pala ako okay.
Yung feeling na wala akong magawa kundi hayaan na lang lahat ng nangyayari.
Yung tipong hindi ko alam kung may laban ba ako. Pero kahit mas ramdam ko ng wala ng pag-asa, may part pa din sa'kin na ayaw sumuko... ayaw pa din bumigay, ayaw siyang pakawalan kahit alam ko namang talo na'ko umpisa pa lang.
Minsan naiisip ko na lang din na baka pinipilit na lang namin ang mga bagay na hindi pala dapat...kasi imposible na yata talaga.
Ang hirap lang kasi eh... Kung kailan alam ko na kung anong makakapagpasaya sa'kin, hindi ko naman pala pwedeng makuha.
Ano ba talaga ang dapat sundin?
Ang puso o ang utak?
Puso na ramdam kung saan ako sasaya? O ang utak na alam ang tama?
Kung pipiliin ko ba ang tama, sasaya ba talaga ako? Kung sumaya man ako, tama ba ang ginagawa ko?
Ang hirap lang kasing tanggapin na sa bawat desisyon ko alam kong madaming masasaktan, at may mga inosente akong masasagasaan at maloloko.
Buong buhay ko puro sila iniisip ko.. mga mararamdaman nila pag ginawa ko mga gusto ko.. Pero paano naman yung nararamdaman ko? Kahit ba minsan naisip nila na nasasaktan din ako?
Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag ikaw na yung nasa sitwasyon, nakakabobo pala. Nagiging sobrang hirap pala bigla magdesisyon... kasi kung dati, isa lang ako sa pinagpipilian... pero ngayon ako na ang kailangang mamili.
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Fiksi Remaja"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...