Chapter 10

61 6 0
                                    

Cindy’s POV

Halos kakauwi lang namin ni Althea. Dito ako sa kanila matutulog ngayon since wala si Tita Lily dahil nag reunion sila ng mga high school friends niya. For sure kasi late ng makakauwi yun.

            Kriiiinggg Kriiiiinggg Kriiiinggg Kriiiiinggg

“Sissy may natawag sa cellphone mo”sabi ko sa kanya habang kinakatok siya sa banyo.

“Sino??” sigaw niya sa’kin.

“Number lang eh…”sagot ko naman sa kanya kaya agad niyang binuksan ang pinto. Kunot noo niyang sinagot yun.

Tama nga kaya ang hinala ko?? Hindi nga kaya si…

“Oh Joshua… napatawag ka ata?”

Joshua??!! Ano ba naman yan! Akala ko pa naman si Charles na. Sabi kasi niya tatawag siya ngayon eh. Anong oras na oh! Bakit hindi pa din yun natawag? Naku naman! Pero baka naunahan lang sa pag dial nitong si Joshua, isa sa mga masusugid na manliligaw ni Althea.

“Ha? Ah... eh… kasi ano… medyo busy ako eh. Hmmm… Next time na lang siguro” narinig kong sabi ni Althea. Malamang kasi niyayaya na naman siya nitong makipagdate.

“Oo, sorry ha...” then nakita kong inend niya agad yung call, inoff ang cellphone tapos biglang inihagis sa kama.

Oh no sissy! Bakit inoff mo? Baka tumawag na si Papa Charles!!!! T__T

“Anong problema mo?” tanong ko habang nakatingin sa inihagis niyang cp.

“Naiinis lang ako…” nakabusangot na sagot niya.

“Bakit hindi naka save ang number ni Joshua sa’yo? Eh lagi naman siyang natawag” sabi ko sa kanya pagkaupo sa kama kung saan nandoon ang cp niya.

“Binura ko. Ang kulit kasi eh…dapat pala binlock ko na lang yun” inis na sabi niya.

“You’re so mean! Hayaan mo na lang siya. Alam mo namang makulit talaga yun eh… Di ka pa din nasanay” sabi ko habang kinakapa ng palihim kung nasaan ang cp niya dahiltinitignan ko ang bawat galaw niya para hindi niya makita ang ginagawa ko.

“Pero kahit na… Nilinaw ko naman kasi sa kanya na ayoko talaga eh…Ilang bes ko na ngang sinabi sa kanya na wag na siyang umasa diba?”

“Grabe ha? Talagang ikaw pa ang nagsasabi niyan?? Eh pareho lang naman kayo” Ayun! Nakuha ko na sa wakas!

“At bakit naman?? Paano kami nagkapareho?” kunot noong tanong niya habang ako ay pilit na itinatago ang pagbukas ng cp niya sa ilalim ng unang kinuha ko pagkaupo pa lang dun.

“Kasi po hanggang ngayon, umaasa pa din ho kayo na babalik siya… diba?” Ayun bumukas agad. Buti walang tone ang cellphone niya pag nabukas. Hahaha! Sorry sissy. Si Papa Charles kasi eh baka natawag na. ^__^

*****

next update sa Saturday... ^__^

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon