Althea’s POV
Ding dong! Ding dong!
Ooops! Muntik ko ng malimutan, may date nga pala ako ngayon at mukhang siya na nga yung nag door bell. One last glance sa salamin then dali dali kong kinuha yung bag ko at lumabas na.
At oo, si Charles yun… Mas naging madalas ang pagkikita namin mula nung tinawagan niya ko, lalo na ngayon dahil araw araw na kami kung magkita…
Wait! Lilinawin ko lang ha…
Hindi dahil lagi niya ko niyayaya makipagdate… Pero dahil siya pala ang boss ko. Yes! Siya na nga at wala ng iba pa… Pa’no ko nalaman?
Flashback
Pinindot ko ang elevator since sa 7th floor pa ang office namin. Start na ng work ko today. Isasara ko na sana yung elevator pero may biglang pumasok.
“Charles/Althea” magkasabay na sabi namin sa isa’t isa. Habang ako eh nakakunot ang noo sa pagtataka pero siya naman nakangiti lang sa’kin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa kanya pagkatapos niyang pindutin yung elevator button para sumara.
“Dito ako nagtatrabaho” sagot niya sa’kin.
“Ah?? Talaga??” halata sa mukha kong hindi ako naniniwala pero siya wagas pa din kung makangiti sa’kin.
Last week lang kasi mula nung yayain niya kong makipagdate. Wala din naman siyang nabanggit sa’kin kaya talagang nagulat akong makita siya dito.
“Anong work mo dito?” tanong ko ulit sa kanya. Hindi kasi ako mapakali. Pakiramdam ko nga sobrang kinakabahan ako ngayon eh.
“I’m the CEO” ^__^
“Ah… CEO…” Sabi ko habang patango tango pa sa kanya. “Ano?! You are the what?!” Hindi ko napigilang hindi mabigla kaya napalakas ang boses ko pero siya nanatiling nakangiti pa din sa’kin.
“Enjoy your first day Ms. Cruz” sabi niya habang nakangiti pa din sa akin. “And welcome to Designer’s Sanctuary” tapos lumabas na siya ng elevator.
Oh no! Boss ko siya?? Bakit hindi ko man lang nalaman? Bakit hindi niya sinabi sa’kin?? Grabe naman. T__T
Moral Lesson: Huwag mong kalimutan itanong sa ka date mo kung saan siya nagtatrabaho para hindi ka nabibigla!
End of flashback
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Jugendliteratur"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...