Chapter 7

53 7 0
                                    

Cindy’s POV

“I’m okay sissy” sabi sa’kin ni Althea. Nandito kami ngayon sa clinic. Obviously nataranta ako dahil sa nangyari sa kanya kanina.

“Anong okay dun? Hinimatay ka!”

“Nahilo lang ako” akmang tatayo na siya pero pinigilan ko siya.

“And where do you think you’re going??”

“Uuwi na… besides okay na’ko… kaya tara na”

“No! Magpahinga ka pa. Alam mo namang hindi ka pwe---”

“Hey! Stop worrying na sissy… I said I’m okay na diba?”

“Excuse me??”  Napatingin kami sa nagsalita. Oo nga pala. Kasama pa din namin yung lalaking tumulong kay Althea nung hinimatay siya.

“Thank you nga pala ha. Buti talaga nakita mo siya kanina…Hmmm…  By the way, I haven’t got your name.  You are?”

“Charles… Charles Rivera” sagot niya habang nakangiti sa amin.

“Ah… Salamat ulit Charles” sabi ko. Eto kasing si Althea, di ko malaman kung bakit biglang natulala kay Charles.

“No, it’s fine. Nagkataon lang din naman na napadaan ako dun nung makita siya... Hmmm… Anyway, Your name is?”

 “Cindy…”  sabi ko at nakipagkamay sa kanya.“And she’s my bestfriend, Althea”sabay hawak sa balikat ni Althea na kasalukuyang nakaupo.

“Nice to meet you” Sabi niya habang inilalahad ang kamay kay Althea matapos makipagkamay sa’kin. Inabot naman yun ni Althea at nakipagkamay din.

Bakit ang lagkit nilang magtinginang dalawa??  Helloooo! Nandito po ako!

“Hmm… I guess we better get going” sabi ni Althea mula sa pagbitaw niya ng kamay kay Charles.

 “Thank you ulit Charles and sorry sa abala ha? Makakabawi din ako sa’yo next time”.  Sabi ko naman bago kami lumabas ng clinic.

“Althea” bigla siyang tinawag ni Charles nung makalapit na kami sa pinto. Paglingon ko papalapit na siya sa amin.

“Yes?”  Narinig kong sabi ni Althea pagkaharap kay Charles at mukhang nagtataka.

“Hmmm… Magkikita pa din naman tayo ulit diba?? Siguro naman walang magagalit…”

Sa totoo lang nabigla ako sa sinabing yun ni Charles. Mukhang interesado siya kay Althea.  Kaya siguro ganon na lang yun kung makatingin sa bestfriend ko.

Napansin ko nga din ang tagal bago niya binitiwan ang kamay ni Althea nung makipagkamay siya. Kung hindi pa siguro hinila ni Althea ang kamay niya eh hindi pa din yun bibitawan ni Charles.

Hindi naman siguro siya manyak no? Ang gwapo naman niya masyado para maging ganon.

Bakit parang may nararamdaman akong may something sa kanilang dalawa? Iba talaga eh… Kailangan kong malaman. At dahil diyan, sorry naman dahil pakialamera ako.  Ako na kasi mismo ang sumagot sa tanong ni Charles kay Althea.

“Oo naman Charles, walang magagalit. Diba sissy?” Sabay siko ko sa kanya with matching pandidilat ng mata kaya tumango na lang siya. Diniinan ko talaga yung pagkakasabi ng walang magagalit. Ooops! Meron pala! Si Althea pala mismo. Hahaha! Panigurado kasi magagalit yun dahil sa sagot ko… Sorry naman. ^__^

Tapos may inabot akong card kay Charles. “That’s her number” Dagdag ko pa habang ngiting ngiti sa kanilang dalawa.

“Wow! Thank you Cindy. Ang bilis mo namang nakabawi sa’kin” sabi niya habang nakangiti kaya ngumiti din ako.

Pero anong nangyayari sa bestfriend ko?? Bakit ba kanina pa tulala to? Loading ba??? Epekto ng pagkakahimatay kanina?? O baka naman… OMG! Hindi kaya na love at first sight na siya sa lalaking to?? Hahaha! How I wish! ^_^

“Althea…” sabi ni Charles

“Ha??”  Sa wakas bumalik din siya sa katinuan.

 “I’ll call you tonight”. Tapos ay naglakad na siyang palayo sa amin.

***********************

next update sa Monday na po.. ^__^

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon