Charles POV
Habang palabas kami ng restaurant si Althea, nararamdaman kong may mga matang nakamasid sa amin. Hindi nga ako nagkamali, nakatingin sa amin si Miguel.
Nakikita ko sa mga mata niya ang pagkagulat at pagtataka pero ang pagkasabik na makalapit kay Althea.
Pero please huwag muna ngayon. Kahit ngayon lang… lulubusin ko lang yung oras na kasama ko siya dahil alam ko, sa oras na magkaharap na sila, mawawalan na’ko ng lugar sa puso ni Althea… dahil yung tunay na nag mamay ari sa puso niya dumating na… bumalik na siya kaya mababalewala na ako..
Please bigyan Mo pa ako ng ilang buwan, o lingo o araw para mapakita sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Na baka isang araw maramdaman niya o maisip niya na kaya din pala niya kong mahalin ng higit pa sa kanya.
Agad kong pinaandar ang sasakyan ng maayos ko na ang pagkakaupo ni Althea.
Kailangan ng madala sa ospital si Althea dahil sa kalagayan niya. Pinipigilan niya kong dalhin pa siya dun nung mahimasmasan siya dahil nahilo lang daw talaga siya.
Sinungaling.
Alam ko naman ang totoo pero hindi na niya kailangang malaman na may alam ako. Mahal ko siya at ayokong isipin niya na kinakaawan ko lang siya kaya ako nakipaglapit sa kanya.
“Charles, ideretso mo na lang sa bahay… Okay na naman ako oh”
“No… Kailangan mo munang magpacheck up tapos saka kita ihahatid”
“Nahilo lang ako… Okay na talaga ako”
“Okay okay.. but still, it’s a no…”
“Pero---”
“Wag ng matigas ang ulo”
“Charles naman eh…”
“…….”
“Pleeeaassse”
“…….”
“Uyyy sige na”
“…….”
“Please?” Sabi niya habang todo ang pagpapacute sa’kin.
“How could I ever resist that charm? Haaay!”
Wala na akong nagawa kung hindi ang ipihit ang sasakyan at ihatid siya sa bahay nila. Patingin tingin ako kay Althea habang nagdadrive. Ang sakit makitang nagkakaganyan siya. Tulad ngayon, bigla na naman siyang natulala at mukhag malalim ang iniisip.
Alam ko na sa kabila ng pangungulit na ginagawa niya sa’kin para iuwi ko na siya ay naiisip niya pa din yung nangyari kanina.
Alam ko namang wala akong karapatan sa kanya pero nasasaktan ako. Umpisa pa lang sinabi na ni Althea na hindi pa siya handa kasi mahal niya pa si Miguel. Pero ang sakit lang kasi na yung mga bagay na iniiwasan niyang marinig ay sinasabi niya ngayon ng hindi niya nalalaman.
Kapag kasama ko siya, alam ko at nararamdaman kong si Miguel pa din ang naiisip niya. Kahit kanina bago siya hinimatay, pangalan pa rin ni Miguel ang sinabi niya.
Kailan ba yung araw na pangalan ko naman ang babanggitin niya?
Yung ako naman ang maaalala niya?
Yung ako naman ang mamahalin niya?
Minsan naiinggit ako kay Miguel dahil siya ang mahal ni Althea.
Sana ako na lang kasi… pero alam ko namang hindi ko siya mapipilit gawin yun.
Alam ko din na hindi maiiwasan na magkita sila ulit… pero hindi ko napaghandaan ang araw na’to. Hindi ko naman kasi alam na ganito kabilis o sa ganitong paraan.
Ibig sabihin ba lalo na akong mawawalan ng puwang sa puso niya?
Lalo na ba akong mawawalan ng pag asang mahalin niya?
Kahit ba sabihin na ang lalaking mahal niya pero nanakit sa kanya ay bumalik na??
NO! Hindi ko kakayanin!
Ayoko na siyang makitang masaktan lalo na ngayon na mahal ko na siya.
Parang hindi ko kayang ipaubaya si Althea dahil lalo ko lang narerealize na hindi ko kayang mawala siya sa’kin.
Anong gagawin ko?
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Teen Fiction"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...