Chapter 2

92 11 0
                                    

ALTHEA'S POV


May choice ako ngayon. Either magmukmok na naman o lumabas ng bahay para magliwaliw.

Next week pa ang ang start ko sa work, ayon na din sa sabi ng boss ko. Well... actually, secretary niya ang nagsabi sa'kin. Nung nagpunta kasi ako ng office may meeting siya pero binilinan naman niya ung secretary niya kaya ayun.


Pinuntahan ko si Cindy sa flower shop business niya dahil alam kong dun ko siya matatagpuan. Kanina ko pa kasi tinatawagan at tinetext pero hindi man lang sumagot o magreply sa akin.


"Ha? Sure ka? Anong nakain mo? Papakainin kita lagi nun. Hahaha!" pang asar na sagot nya sa'kin nung niyaya ko siyang mamasyal.


"Mukha ba akong nagloloko?" medyo inis na sabi ko sabay irap sa kanya.


"Nakakapanibago lang sissy. Kasi tuwing tatawagan mo'ko, kung hindi sa bahay niyo, sa bahay namin.. pero ngayon... talagang mamamasyal tayo? Hahaha... Unbelievable sissy. Parang gusto ko magpamisa ngayon!" Halata sa kanya na di siya makapaniwala sa'kin pero nakakaasar kasi ang ngiti nya.

"Naku! Ewan nga sa'yo! Kung ayaw mo kong samahan, ako na lang mag-isa. I just need some new clothes for my work kaya nga gusto ko magpunta ng mall eh. Alam mo namang magsisimula na ako next week, diba?" At dali dali na'kong tumalikod sa kanya.


"Wait Althea! Ang pikon mo talaga. Binibiro ka lang eh. Hahaha. Magbibihis lang ako... 15 minutes!"


Ayun, patakbo na siyang pumunta ng kwarto niya. Nasa bakuran lang din kasi nila ang flower shop business na pangarap niya ever since. With the support of his siblings na din kaya napatayo niya ito. She was only 5 years old nung namatay ang mga parents nila sa isang car accident. Since only girl tapos bunso pa siya sa kanila kaya ano mang naisin eh nakukuha niya. Pero kahit ganon, hindi naman siya nagtetake advantage sa kabaitan ng mga kuya niya sa kanya.


Feel at home na din ako sa bahay nila at ganon din naman siya sa amin. Elementary pa lang kasi naging mag best friends na kami. Nagpunta ako sa kusina nila. Nakakauhaw ang sobrang init ng panahon, pero pagbukas ko ng ref, something got my attention. Hindi ko na maalis ang tingin ko dun at may nagbabadyang tumulong luha sa mga mga mata ko.


Anong nakita ko??


Marshmallows.


Yes I know. Bata ang peg?? Hay... Pero kasi eto yung madalas naming kainin pag magkasama kami. Nakakatawa man pero ito na din ang naging tawagan namin dahil sa pareho naming paborito itong kainin .


Sabi ko pa naman sa sarili ko hindi ko siya iisipin... kahit ngayon lang. Kaya nga ko umalis ng bahay para makaiwas na din kahit pa'no. Pero mukhang hindi ko na naman yata magagawa dahil sa nakita ko. Naisip ko na naman siya eh. Ang weird no? Dahil lang dun nagsisimula na naman akong maging malungkot. Pero gano'n yata talaga siguro. Ultimo maliliit na bagay na related sa past mo, basta mga bagay na makakapagpaalala sa'yo sa kanya.. kahit pigilan mo mas maaalala mo lalo na pag nawala sa'yo ng biglaan. Kaya minsan mas marami pa yung mga what if's mo kesa sa mga sagot na kailangan mo.

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon