Charles’ POV
The subscriber cannot be reached. Please try again later.
Mali naman ata tong number na binigay ni Cindy sa’kin eh. Kanina ko pa kasi sinusubukang tawagan si Althea pero hindi naman nagriring ang cellphone niya.
Baka naman walang signal? O kaya low batt?? Sana nga. Hay naku… Last dial na ‘to, pag wala pa din, titigil na’ko.
Kriiiinggg Kriiiiinggg Kriiiinggg Kriiiiinggg
Waaaaa! Nagring! Grabe! Anong gagawin ko???
“Hello?” lalo akong kinabahan ng marinig ko ang boses niya.
“Hmmm… Hello Althea” mauutal ata ako sa kaba.
“Charles??” Nabosesan niya ako agad? Grabe.
“Ah oo… ako nga...hehehe...buti naalala mo pa din ako… hmmm… kamusta na pala pakiramdam mo??”
“Okay na ako. Salamat nga pala ulit kanina ha”.
“Wala yun, basta para sa’yo okay lang” Natahimik siya. Ooops! Hindi niya ata nagustuhan ang sinabi ko. Lagot. Pa’no na?! “Hmmm… Sorry for calling you this late Althea…”
“Okay lang…Hmmm… Bakit ka nga pala napatawag??” Hala! Bakit nga ba?? Kakapalan ko na mukha ko. Bahala na nga.
“Hmm… Ano kasi…Well… I’m… I’m just wondering kung… k-kung pwede ba tayo ulit magkita bukas?? I mean… kung wala ka lang namang gagawin…” Nakakahiya. Nauutal ako.
“Are you asking me out for a date??” Aba’y oo naman. Gusto kasi kita makita. Kung pwede nga lang araw araw eh.
“Parang ganon na nga… Kung okay lang naman sa’yo...”Tumahimik na naman siya. Bakit kaya?? “Althea?? Are you still there?”
“Yes, hmm…” bumuntong hininga muna siya bago nagsalita ulit “Sige bukas… Okay lang sa’kin”. Napatalon ako sa tuwa! Woooo!
“Talaga?? ^__^ Yes!!! Sunduin kita ha?” Hindi ko napigilang sabihin dahil msyado akong masaya sa pagpayag niya.
“Paano mo’ko susunduin? Eh hindi mo naman alam saan ang bahay ko” Hala. Oo nga pala, pa’no na? Psssh!
“Hmmm… Eh di sabihin mo sa’kin… Hehehe…” Tinodo ko na ang kakapalan ng mukha ko. Nasimulan ko na eh.
“Ha? Ah eh…Hmmm…” Please! Huwag ka ng mag alangan. Hindi naman ako masamang tao.
“Kung hindi naman pwede okay lang din…”Psssh! Bakit ko ba sinabi yun? Eh di talagang hindi ko malalaman kung saan siya nakatira. Ang tanga ko naman. T__T
“O sige, itetext ko na lang sa’yo…” Huwaaatt?? Ibibigay niya, Yes! ^__^
“Hihintayin ko ha??”
“Hmmm… Okay”
“Salamat Althea… Pahinga ka na...”
“Ikaw din… Good night”
“Good night Althea. See you tomorrow”
******
next update sa Monday... =D

BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Fiksi Remaja"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...