Charles' POV
“Althea… Althea… Althea…”
Hindi na maalis ang ngiti sa mga labi ko habang paulit ulit kong sinasabi ang pangalan niya. Hawak ko din ngayon ang calling card na bigay ng kaibigan niyang si Cindy.
Palihim ko na siyang sinundan pagkakita ko pa lang sa kanya mula ng magkasabay kami pagpasok sa mall.
Stalker? Pagbigyan na. Ngayon lang naman eh.
Anong magagawa ko? Sobrang saya ko lang kasi talaga na makita siya ulit.
Oo, ulit! Dahil hindi naman ito ang unang bes na nakita ko siya. ^_^
Kaya nung hinimatay siya, hindi nagkataon na napadaan lang ako, nandoon na kasi talaga ako.
Buti talaga pumayag yung kaibigan niya na sumama ako hanggang sa clinic. Kaya bago sila makalabas, kahit kinakabahan ako, naglakas loob na din akong tanungin siya kung pwede ko ulit siyang makita.
Hindi ko na kayang palampasin pa ang pagkakataong yun.
Ayokong maghintay na naman ng apat na taon para makita na naman siya.
Kung tutuusin pwede ko naman siyang lapitan na lang at kamustahin, pero hindi ko yun ginawa. Paniguradong hindi na rin naman niya ako matatandaan pa at ayoko na din ipaalala pa sa kanya ang nangyari nung araw na yun.
Pero hindi ko akalain na makikita ko siya ulit sa parehong sitwasyon.
May lungkot pa din sa mga mata niya. Gusto kong alisin sa kanya lahat ng sakit at paghihirap na nararamdaman niya.
Hindi ko alam bakit.. pero mula ng makita ko siya, gusto ko lagi siyang pasayahin….
…at mahalin.
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Teen Fiction"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...