6 months ago mula nung napagdesisyonan kong buuin ulit ang sarili ko.
6 months na unti-unti ko siyang inaalis sa sistema ko.
Oo, namimiss ko pa din siya. Hindi naman yun maiiwasan eh, pero hindi na gaya ng dati.
Mahirap nung una pero ngayon, nakakasanayan ko na.
Salamat sa mga taong tumulong sa’kin. Nakakaya ko na ulit maging okay. Tama sila, kaya kong sumaya at gusto kong maging masaya. Makakalaya din ako sa lahat ng sakit na idinulot sa’kin ng nangyari.
Hindi ko kailangang magmahal sa isang tao na puro pasakit lang ang kayang ibigay sa akin.
Isang bagay ang natutunan ko.
Kailangan ko munang mahalin ang sarili ko higit kanino man. Kung yung ibang tao nga, nagawa kong mahalin ng walang pag aalinlangan kahit masaktan man ako. Sarili ko pa kaya? Pero hindi ko yun naisip mula nung magmahal ako. Napabayaan ko at kinalimutan ko lahat pati ang sarili ko.
Kaya ngayon aayusin ko muna ang buhay ko habang wala pa yung para sa akin. Hindi ako magmamadali at lagi lang akong maghihintay dahil makikilala ko din siya sa tamang panahon. At kapag nangyari yun, alam ko at sigurado na akong kaya ko na ulit magmahal ng buo… yung walang kahit anong pangamba kahit masaktan man ulit ako.
And it was 6 months ago mula din nung nakilala ko si Charles.
Remember the day na niyaya ko si Cindy mamasyal?
“Cindy ibalik mo sa’kin yan!! Ano ba!” habang hinahabol ko siya para kunin ang cellphone ko. Alam kong may masama siyang balak gawin dun.
Oo! Aamin na ako. Naka save pa din kasi dun yung mga pictures namin ni Miguel na lagi kong tinitignan pati na din yung mga text niya na paulit ulit kong binabasa. Kaya no wonder kung hindi ko talaga siya makalimutan, kasi yan ang ginagawa ko sa araw araw.
“Hahaha! Pag nahabol mo’ko! Hahaha!” sagot ni Cindy sa’kin.
“Cindy!!!” tawag ko sa kanya habang paikot ikot kami sa grocery kakahabol sa kanya.
Pero bakit ganito? Biglang sumakit ang dibdib ko. Hindi ko kaya. Teka lang… Ang sakit talaga eh. Anong nangyayari sa’kin??
“Miss, are you alright?” Sabi sa’kin ng baritonong boses. Ang boses na yun. Narinig ko na yun somewhere pero hindi ko matandaan kung saan. Hawak hawak ko ang dibdib ko. Nanlalambot na din ang mga tuhod ko. Hanggang sa maramdaman kong may mga kamay na nakaalalay sa akin.
Dugdugdugdug dugdug
“Miss??” Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko… Hindi ako makagalaw.
Dugdug dugdug dugdug
“Are you okay?” Gusto ko siyang tignan pero unti unti ng nanlalabo ang mga paningin ko.
Dugdug dugdug dugdug
Gusto kong magsalita pero hindi ko kaya.
“Althea!! OMG! Anong nangyari sa’yo?” si Cindy yun ah. Yun lang ang huling narinig ko then everything went black.
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Teen Fiction"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...