“Aalis ba tayo o tititigan mo lang yan hanggang mamaya?” sabi ni Cindy.
Hindi ko namalayang nakatayo na pala siya malapit sa’kin. Nagpunas ako ng luha matapos kong isara yung ref. Hindi na ako uminom ng tubig. Nawalang bigla ang uhaw ko, pero hindi na naman siya nawala sa isipan ko.
“Kahit simpleng memories naaalala ko siya. Bakit ganon?”
“Ikaw lang ang makakasagot niyan…”
“Gusto ko ng mag move on…pero hindi ko alam kung paano”
“Sissy, hindi ibig sabihin ng pag move on eh kakalimutan mo na kaagad lahat ng memories. Unti unti lang hanggang sa masanay ka. Hanggang makaya mo ng ihandle yung sakit twing maaalala mo siya”
“Gusto ko na siyang kalimutan…”
“Sigurado ka na ba talaga diyan?”
“Hindi ko alam...but I’m trying…”
“You’re just trying, but you’re not actually doing it”
“What do you mean?” naguguluhang tanong ko.
“Sa loob ng 4 years, lagi kang nagmumukmok. Wala kang ginawa kundi isipin siya. So paano mo ineexpect na makakalimutan siya kung ikaw mismo ayaw mong gawin yun? Saka sissy, kailangan mo kasing patunayan… hindi yung sinasabi mo lang na kakalimutan mo siya tapos pag naalala mo na naman siya, wala na… balewala na naman lahat…”
Natahimik ako. Tama na naman siya. Hay… Hindi ko kasi natatapos lahat ng gusto kong simulan. Minsan nga yata hindi ko pa man din nasisimulan, umuurong na’ko agad. Matalino man ako sa ibang bagay pero pagdating sa kanya, hindi lang ako bobo… tanga pa nga eh… Siya ang kahinaan ko.
“Hmmm… What if try mo namang makipagdate” Eto na naman si Cindy. Lagi na lang nya inoopen ang topic na yan.
“I know what you’re talking about. Stop it, okay? Ayokong gumamit ng ibang tao para lang makalimot”.
“Bakit mo naman iniisip na gagamitin mo lang siya para makalimot… kung pwede mo naman siyang mahalin?
“Hindi ko kaya” sabi ko habang umiiling.
“Hindi mo kaya o ayaw mo??”
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Teen Fiction"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...