Charles POV
Kanina ko pa napapansing tahimik si Althea. Alam kong may bumabagabag sa kanya mula pagdating naming dito. Kitang kita ko naman yun sa mga mukha niya kahit pilit niyang tinatago sa mga pilit niyang ngiti sa akin.
Alam kong malulungkot siya sa pagpunta namin dito.
Alam kong ayaw na niyang balikan ang lugar na ‘to…
Alam kong may maaalala siya dito…
Pero kailangan kong sumugal.
Kailangan kong gawin to para tulungan siyang makalimot.
Kaya masisisi niyo ba ako sa ginawa ko?
Gusto ko lang naman mapalitan ng masayang alaala ang lugar na’to para sa kanya.
Gusto ko ako naman ang maalala niya twing maiisip niya at pupuntahan ang lugar na’to.
Masokista nga yata ako. Pero anong magagawa ko? Mahal na mahal ko na si Althea.
“Kanina ka pa tahimik… Okay ka lang ba Althea?”halatang nagulat siya nung magsalita ako. “Nakakapanibago ka. Ayaw mo ba nung food?? Hmmm… O may iba ka pang gusto??” sabi ko sa kanya habang siya naman ay mukhang hindi mapakali.
“Ayy naku hindi, hindi naman sa gano’n… masarap nga to eh.. Diba nga favorite ko to? Hmmm… Napagod lang siguro ako” Mali nga yatang dinala ko pa siya dito. Lalo ko lang sinaktan ang babaeng pinakamamahal ko at mas nasasaktan akong makita siyang nagkakaganyan.
“Siguro nga… You look pale…” Tinititigan ko siya dahil bigla siyang namutla kaya lalo naman akong nag alala para sa kanya.
“No, okay lang ako… sige na, kain ka na” sabi niya sa’kin at ngumiti.
“Come on! I’ll take you home… Medyo late na rin naman eh…”” tumayo na ako palapit sa kanya.
“Pero--” Inalalayan ko siya upang makatayo pero bigla siyang humawak sa dibdib niya.Mabuti na lang at nahawakan ko siya agad.
“Althea! Althea!” Tinatawag ko ang pangalan niya pero hindi siya nagsasalita. Pero napansin kong dumako ang mga mata niya sa lalaking nakatayo sa labas ng restaurant.
Wait! Kilala ko siya ah… Sigurado akong nakita ko na siya.
At ayokong ientertain ngayon sa utak ko ang pagkumpirma kung sino siya.
Pero wala akong nagawa kundi ang mapatiim bagang ng masiguro na kung sino yun, dahil bago mawalan ng malay si Althea, nasabi pa nito ang pangalan niya.
“Miguel…”
***********
A/N: thanks for reading... =) don't forget to vote and comment.. =D
next UD next week na...
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Novela Juvenil"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...