Miguel’s POV
Bakit parang may tumutulak sa’kin na magpunta sa lugar na to?
Bigla tuloy bumalik sa alaala ko ang nakaraan.
Tandang tanda ko pa din lahat ng nangyari noong araw na yon…
Dito mismo sa lugar na to.
Sa lugar kung saan napatunayan ko kung gaano ako katanga at kaduwag.
Sa lugar kung saan kami huling nag usap.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman nung mga oras na yun. Wala siyang kahit anumang imik sa haba ng sinabi ko.
Mas gugustuhin ko pang sampalin niya ako, sumbatan o di kaya ay murahin para makita ko reaksyon niya, kahit magalit siya sa akin wala akong pakialam basta magsalita lang siya!
Pero parang sasabog ang puso ko sa bawat paghikbi at pagpatak ng luha na tanging ginagawa niya.
Mas lalo akong nasaktan sa desisyon ko...
Umiiyak siya ng dahil sa akin...
dahil sa kagagawan ko…
dahil sa katangahan ko…
dahil sa kagaguhan ko…
dahil sa isang gabi ng pagkakamali ko…
At ngayon, nawala na siya ng tuluyan sa’kin dahil hindi siya ang pinili ko.
Alam kong masakit yun para sa kanya pero doble nun ang sakit para sa’kin...pero kailangan kong gawin yun… kailangan kahit na ibig sabihin pa nun ay pakakawalan ko ang babaeng tanging minahal ko.
Ang dami ko pang gustong sabihin sa kanya pero hindi ko alam saan magsisimula. At alam ko, kahit ano pang sabihin ko sa kanya, hindi ko na mababago pa ang lahat.
Natigil lang ang pagbabalik tanaw ko nung magsimula ng pumatak ang ulan. Tumingin ako sa paligid para makahanap ng masisilungan pero napadako ang mga mata ko sa parte ng restaurant kung saan kami huling nagkita at nagkausap.
“Althea…?”
Siya nga ba talaga ang nakikita ko??
Pero teka…Sino yung lalaking kasama niya??
Bigla akong nasaktan sa isiping baka nga may ipinalit na talaga siya sa akin…pero kasalanan ko naman diba? Ipinagtulakan ko pa siyang gawin yun.
Ako ang gumawa ng dahilan para mawala siya sa’kin… para maghiwalay kami…
Pero... pero nandito na ako ulit! Kaya ko na siyang ipaglaban. Kaya ko na siyang panindigan. Hindi ko na hahayaang mawala na naman siya sa akin.
BINABASA MO ANG
TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)
Teen Fiction"Hindi ko alam kung ano ang konsepto ng pagpili... Kung ano nga ba ang mas matimbang? Pa'no ko nga ba malalaman ang sagot? Ang basehan ba nito ay ang pangako o nararamdaman? Akala ko madali lang kasi gagawin ko lang naman yung tama di ba? Pero pag i...