Chapter 15

39 4 0
                                    

Althea’s POV

“Are you okay?” tanong niya sa’kin habang iginigiya ako papasok sa loob ng restaurant. Buti na lang din at inaalalayan ako ni Charles dahil para akong nanghihina ng makita kung saan niya ako dinala.

“Yes” tipid ko namang sagot sa kanya kasabay ng isang buntong hininga.

.

Hmmm… It’s been awhile. Hindi ko akalaing babalik pa ako dito. Pero kailangan ko na munang alisin lahat ng alalahanin ko ngayon dahil unti unting bumabalik sa’kin ang mga bagay na pilit ko ng kinakalimutan.

Natigil lang ang pagmumuni muni ko ng makapasok kami sa loob. Wala pa ding nagbago sa lugar na’to. Kasabay nun ay ang pangambang baka pati ang nararamdaman ko ay gano’n din.

Hindi ko na din namalayan na wala na pala sa tabi ko si Charles dahil masyado na akong preoccupied mula pagdating namin dito.

Bakit kasi dito pa?? Hay…

And speaking of Charles. Saan ba nagpunta yun?

 “Charles?”  Tahimik. Bakit ayaw sumagot nun? Tapos iniwan pa ako. Wala man lang kailaw ilaw.  “Charles! Nasaan ka ba?”  Takte! Bakit parang kinakabahan pa ako?

“I’m here” saad ng isang baritonong boses at biglang bumukas ang ilaw na nakatutok na kay Charles…

…na nasa stage. Biglang pumailalim ang isang pamilyar na kanta na lagi niyang pinapatugtog sa kotse. Teka… Anong nangyayari?

Ikaw ang syang ligaya ko

Nagbibigay sigla sa puso ko…

Ang sarap pakinggan ng boses ni Charles. Hindi ko akalain na may talent pala siyang ganyan. Pero teka, ano bang meron??

O giliw ko, pakinggan mo

Ang nais sabihin ng aking puso na...

Maya maya pa ay may mga batang pumapasok at isa isa nila akong binibigyan ng red rose. Kinuha ko naman ang mga yun at nagpasalamat.

Mahal, mahal na mahal kita

Hindi ako magbabago

Asahan mo ito…

Unti unti siyang naglalakad papunta sa akin at kinuha ang isang kamay ko dahil ang isa ay may hawak ng mga pulang rosas na binigay ng mga bata.

Mahal,mahal na mahal kita

Ang puso ko'y iyong iyo

Asahan mong maghihintay sa'yo…

Natapos ang kanta niya at nanatili siyang nakatitig sa akin.

Asahan mong maghihintay sa'yo…

Asahan mong maghihintay sa'yo…

Asahan mong maghihintay sa'yo…

Aaaarrgghhh! Bakit ba paulit ulit sa’kin ang huling linya sa kinanta niya? At anong meron sa mga mata nya kaya naaakit na din akong titigan siya?

At bakit wala man lang akong ginawa ng maramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa’kin?

*****************

A/N: sorry ang tagal bago mag UD..sobrang busy lang talaga.. after next week hindi na masyado... makakapagregular UD na ulit ako nun.. thank you for patiently waiting.. =)

don't forget to vote or comment..

EDITED

TORN BETWEEN TWO LOVERS (under major editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon