Chapter 17: Caring Kelly

2.3K 47 0
                                    

↭JENELLE's POV↭


"Haaay. Bakit ganon? Uy Shane, bakit ganon?" tanong ni Janine kay Shane

Napatingin naman si Shane kay Janine na nakapout. Kanina pa yan. Nakailang buntong hininga na nga yan eh. Masyadong OA. Nag-aalala daw siya kay Kelly.

Kasi naman almost one week na na hindi namin nakakausap si Kelly. Nakikita namin siya kaso hindi kami pinapansin. Pero tumatawag naman siya.

"I told you Jan hindi ko alam. Wala naman siyang sinasabi sa akin eh. Tsaka hindi din niya ako kinakausap. Well except sa fiance niya. Siya tanungin niyo." sagot niya kay Janine at binalik ulit ang atensyon sa ginagawa niya.

Napabuntong hininga nalang ulit si Janine. Tumingin ako sa wrist watch ko.

4:47pm

Haaay. Hindi na nga siguro niya kami kakausapin. Huli namin siyang nakausap nung pinakilala niya sa amin si Shane. Siya pala ang long lost gang mem namin na si Green Ice. Sinabi niya na kinusap daw siya nito long time ago. Pero ayaw pa niya magpakilala sa amin. Ngayon lang daw niya naisipan na magpakita sa amin.

Ka-blockmate pala niya si Jino, the mahangin jerk. Akala ko nga mabibigla ang mokong na yun pero parang hindi naman. Siguro nasanay na siya sa presence ni Shane kaya ganun.

"Eh paano ko naman siya tatanungin? Hindi ko nga siya makita eh."

"Ayon oh."

Tumingin naman sila sa lugar kung saan nakaturo ang daliri ko. Nakita ko siya sa may pathway papunta sa Owner's office. Kaya tinuro ko agad siya.

Tumayo naman agad si Janine at nagpagpag ng uniform.

"MARCOOOOO!!"

Mabilis akong napatakip sa tenga ko at sinamaan siya ng tingin.

"Hoy Janine! Wag ka ngang sumigaw! Para kang taong bundok!"

"Hehehe sorry naman Jen." sabi niya tapos nagpeace sign pa sa akin.

Napailing-iling nalang si Shane sa inasal ni Janine. Para talaga siyang bata. Pero kahit ganyan siya napak-gaan ng loob ko sa kanya. Nakakatuwa kasi eh. Para ko na ngang kapatid ang bruhang ito.

Nakita ko naman siyang kumaway-kaway kay Marco. Agad namang lumapit si Marco sa gawi naming tatlo. Kami lang kasing tatlo ang naandito. Umuwi na si Stephanie eh. Tas yung ibang boys hindi ko alam kung saan, siguro nag-do-DOTA na naman yun.

"Waeyo?"

"Si Kelly? Iniiwasan niya ba kami?"

Napakunot naman ng noo si Marco sa tanong ni Janine. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Napatingin naman si Shane sa kanila at itinigil ang ginagawa niyang pagkalikot sa cellphone niya. Kanina pa yan, busy sa phone niya. Ewan ko anong ginagawa.

"Why you say so?"

"Eh kasi naman eh, hindi niya kami kinakausap. Tas kapag tinatawag ko siya hindi niya ako nililingon. Tell me iniiwasan niya ba kami?"

Ayan na naman siya. Nag-papout na naman siya. Konti nalang hihilahin ko na ang nguso niya. Pero may point din naman siya. Napapansin ko na din yan. Nitong mga nagdaang araw parang iniiwasan niya kami.

"Am I avoiding you? Do you really think I'm avoiding you?"

Napalingon kami sa nagsalita sa may likod namin. Nakita namin siya na nakatayo habang ang isang kamay ay nasa loob ng palda niya at ang isa naman ay hawak ang phone niya. Nakatingin siya sa amin at ngumiti.

The Gang Leader turns into a Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon