Chapter 38: Disband

1.4K 34 0
                                    

↭SHANE'S POV↭


Parang nahigit ang hininga ko nang makita ko ang mga matang puno ng gulat ni Stephanie. Kahit ako at ang mga kasama ko sa loob ng silid ay nagulat sa biglaang pangyayari, maliban kay Kelly na hindi man lang gumalaw kahit na konti.

Dahan-dahang lumingon si Stephanie sa likuran niya. Kaya napatingin din kami. Dalawang lalaki ang nakatayo sa bukana ng pintuan, ang isa ay may hawak na pistol at nakatutok pa rin kay Stephanie na gulat na gulat pa din at ang isa naman ay nasa gilid lang nang may hawak na pistol. Medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa baril pero hindi pa din niya ito binibitiwan at lumabas ang dugo mula sa bibig niya.


"No one dares to point a gun to my little sister, bitch." malamig pa sa yelong sabi ni Tatsumi.

"D-damn you..." nahihirapang sabi ni Stephanie.


Nakatayo pa din siya habang ang isang kamay niya nakahawak sa tagiliran niya kung saan siya natamaan. Hindi ko alam kung sumablay o talagang pinuntirya niya lang ang tagiliran ni Stephanie. Sobrang dilim ng aura ng dalawang lalaki. Ang mga mata nilang malamig pa sa yelo kung makatingin kay Stephanie. Ang asul na mga mata ni Tatsumi at dark brown na mga mata ni Marco. Nakakapanindig balahibo.


"Wala akong sinasanto kapag kapatid ko na ang agrabyado."


Tumawa si Stephanie na parang nababaliw na. Nasisiraan na ata siya ng bait dahil sa sakit na natamo niya.


"Ah yeah right, KAPATID mo nga pala siya." may diin ang pagkakasabi niya ng salitang 'kapatid' na naging dahilan para mas lalong mandilim ang aura ng dalawa.

I hold a tight grip on my gun as I point on her. Ipuputok ko talaga ito sayo kapag nagsalita ka pang baliw ka. Papatayin kita. Mukhag may alam siya.

"Stop talking nonsense Steph..." malamig na sabi ni Marco.

"Nonsense? Nonsense ba talaga Marco? Hah! Tanga nga siya dahil hindi man lang niya alam ang -----"


Hindi na niya natapos pa ang sasabihin niya nang sabay namin siyang pinaputokan ni Marco. Napatili naman ang kambal dahil sa nasaksihan. Agad na nasalo ni Renz si Janine nang bigla itong mahimatay. Fuck it!


"I told you stop talking nonsense."

"Shane, call some reapers, tell them get this bitch's body and burn it." utos sa akin ni Tatsumi habang inilalagay sa gun holester niya at naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko --- I mean kay Kelly.


Agad akong umayos ng tayo at yumuko sa kanya.


"Yes Master..." magalang na sabi ko at umalis na ng silid.


Pero bago pa ako lumalabas ng tuluyan ay narinig ko pang sumigaw si Jenelle na ikinainis ko pero wala na akong nagawa pa at nagpatuloy na lang sa paglabas.


"I hate you Kelly!! I hate you all!!"


Damn it! Just fuck!

Patuloy lang ako sa paglalakad at nakasalubong ko ang dalawang lalaki. Ang isa ay may medyo mahabang brown na buhok at ang isa naman ay medyo magulo ng konti ang black niyang buhok. Yumuko sila sa harap ko at naglakad ulit. Silang dalawa nalang. Hindi sila pamilyar sa akin. Well, baka underlings ito ni Jino. Kilala ko lahat ng mga reaper na underlings ko.

The Gang Leader turns into a Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon