↭KELLY's POV↭
"Sigurado ka ba talagang okay na?"I face him and cross my arms then raise my eyebrow. Kanina pa siya ah. Namumuro na siya sakin.
"Kuya, I told you I'm fine. I'm better than okay."
"Pero baka kailangan mo pa ng pahinga. Pumunta na kaya tayo ng hospital?" Lumapit siya sa akin and he cupped my face. "Medyo namumutla ka pa oh. Baby mukhang may sakit ka pa. Pahinga ka muna, okay?"
Sumimangot ako at bagsak ang balikat na napatungo. Kahit kailan ang OA niya talaga. Kahapon pa siya. Oo kahapon. Hindi na niya ako tinigilan kakatanong kung okay lang ba talaga ako, kung wala bang masakit sa akin, namumutla pa raw ako. Ewan ko ba sa kuya kong to.
Si Ichiro naman at ang kambal kong pinsan ay ganon din. Mga dakilang OA. Ang gang naman ay tinatawanan lang ako kapag nangyayari ito. Seriously? Hindi ako masakitin. Tsaka hindi na ako bata. Ano ba I'm already 16 years old. Kakabanas to.
"Kuya, I'm not sick okay? I'm perfectly fine. Wala na akong sakit! I can do things better now! So just please -----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko kasi bigla nalang akong natigilan nang may maramdaman ako. What the fuck?
"See? I told yah. Kuya knows best."
Hindi na muna ako sumagot kasi pinakiramdaman ko ang sarili ko. What the heck? What is this? This feeling. I never felt this before.
Anong kahibangan ito? Wait----.
My dad! Oh God! No please. Not now. Not tomorrow. Not ever! Damn! How --- why?? Inheretance?? This can't be! No ayoko!
Pero, hindi naman siguro, hindi ba? Hindi maaari.
"Baby???" Nabalik ako sa realidad nang makita ko na sobrang lapit ng mukha ni kuya sa akin.
Napaatras ako at bahagya ko pang tinulak palayo ang mukha niya sa akin. Maybe I'll ask dad later about it. But for now, I have to deal with my OA brother.
"Kuya, lumayo-layo ka nga sakin. Isa nalang sasapakin na kita." Inis kong sabi sa kanya at lumakad palayo sa kanila.
I forgot, nandito pala ako --- ah no, KAMI pala sa training area. Kaming lahat. The gang, the twin assassins, my two reapers, my fiancé and my brother. Kanya-kanya sila ng gawain. May nagspasparring, may gumagamit ng katana, may nag-aassymble ng baril, may nakahiga sa mat, etc. Tinatamad akong eenumerate ang ginagawa nila.
Umupo ako sa isang bench dito nagdekwatro. Tiningnan ko si Janine na nakaupo sa mat kaharap ang isang baril, katana at ang kunai na binigay ko sa kanya. Nung makita ko siya kahapon, may napansin ako. Iba ang kilos niya. Bakit ko nasabi? Simple lang, parang may kung ano siyang gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawa, kahit na ang tumingin sa mga mata ko. Yes she smile at me but it didn't reach her eyes. Is there something wrong happen nung may sakit ako?
Buong araw nasa kwarto lang ako kahapon. Hindi nila ako pinalabas kasi daw baka mabinat ako or what so ever. Tsk. Mga baliw.
"Janine..." Pagtawag ko sa kanya.
I saw her body stiffen for a moment. Napatingin naman agad sa akin ang dalawang reaper (Jino & Shane), ang kambal na assassin (Ryu and Mizuwi), Jenelle at Marco. Yung iba patuloy pa din sa ginagawa nila. Dahan-dahan namang timingin at ngumiti sa akin si Janine.
"Bakit Kelly?" Tanong niya.
"Come closer." Sabi ko.
Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya pero lumapit pa din ito dala ang kunai. Tsk. Hindi niya talaga inilalayo ang kunai sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Gang Leader turns into a Mafia Heiress
ActionA gang leader named Kelly Yuri Shin that is known as a cold heartless leader of the Black Rose Gang. Along with her loving fiance named Marco Ichiro Lee. Their gang is one of the most popular gang all over the globe and the rank 1 of the Gangster Wo...