↭JENELLE'S POV↭
Nandito ako sa labas ng kwarto ni Kelly nakatayo. Tinatanaw siya mula sa nakabukas na pinto. Nasa kama lang siya nakaupo habang hawak ang picture frame kung saan nandon ang family picture nila. Siya, si Tatsumi, si Toshiro at ang mga magulang nila. A perfect shot for a perfect family. And now the perfect family is gone and now broken.
Ilang araw na siyang tulala at nagkukulong sa kwarto. Tanging si Tatsumi at Toshiro lamang ang maaring magstay sa kwarto niya. Hindi niya pinapapasok ang iba maliban nalang sa magdadala ng pagkain niya. Gaya ngayon. Lumabas na ang katulong mula sa kwarto niya at malungkot na ngumiti sa akin.
"Ayaw pa din po niyang kumain Ms. Jenelle." malungkot na sabi niya sa akin habang nakatingin sa tray na hawak niya.
Tiningnan ko din ang tray na hawak niya. Hindi nagalaw kahit na konti ang laman ng tray. Ang paborito niyang ulam. Kahit na ang ice cream sa isang bowl hindi niya din nagalaw. Ang gatas at tubig naman niya ay hindi man lang nakunan kahit konti.
Bumuntong hininga ako.
"Sige ibalik mo nalang yan sa kusina. Kakausapin ko nalang si Marco tungkol dito." sabi ko sa kanya.
"Opo Ms. Jenelle." sabi niya at yumuko ng bahagya at umalis na dala ang tray.
Sumulyap muna ako saglit kay Kelly bago isinarado ang pinto at umalis.
It's been 3 days since that tragic incident happen. After niya magwala nung araw na yon ay nawalan siya ng malay habang yakap ang kapatid. Maging ang kapatid niyang si Toshiro ay nakatulog na kakaiyak habang buhat ni Tatsumi. Tinulungan ni Haru-san si Tatsumi para mapasok sa kwarto ang dalawa. Kami naman ay tinulungan si Marco, Shane at Jino na sugatan.
Nang magising si Kelly ay naiyak na naman siya pero hindi na siya nagwala pa. Mahina pa din ang katawan niya dahil sa pagwawala at pag-iyak non. Maging ang kapatid niya ay naiyak din pagkagising. Si Tatsumi naman ang nagbantay sa dalawa at nagpatahan.
Simula nong araw na yon naging tahimik na ang dalawa. Matamlay at walang gana. Sobrang tahimik ng mansion dahil sa nangyari. Ang bangkay naman nina Tito at Tita ay nakuha na. Ipina-crimate sila ni Tatsumi dahil sunog ang buong katawan nila. Ang mga abo naman nila ay nasa isang jar na kulay puti at may logo ng Shigatsu Mafia. Inilagay iyon sa loob ng isang kwarto dito sa mansion.
Sana matanggap na nila ang nangyari. Alam ko masakit ang pagkawala nila Tito at Tita pero walang magagawa ang pagmumokmok niya. Hindi na maibabalik pa ang buhay nila kahit na magkulong siya sa kwarto niya at hindi kumain. Hindi ito ang gusto nila.
**
Pumasok ako sa isang kwarto kung saan nakahimlay ang abo nina Tito at Tita. Nakita ko naman na ang taong gusto kong kausapin. Si Marco. Kasama niya ang mga magulang niya at isang babaeng hindi ko kilala.
Lumapit ako at umupo sa tabi niya. Nakatingin lang siya sa gawi ng dalawang jar. Tumingin din ako sa jar at kinausap siya.
"Marco, si Kelly..." umpisa ko.
"I know Jen. She's still mourning for Mom and Dad's death." he's referring to Kelly's parents.
"But I'm w-worried, Marco." hindi ko na napigilan ang mabasag ang boses.
Agad kong pinunasan ang luhang dumaloy sa pisngi ko at tumingin sa kanya. Nanunubig na din ang mga mata niya pero pinipigilan pa din niya ang sariling maiyak. Bihira ko lang siya makitang umiyak. Kasi hindi naman siya iyakin eh. He seldom show his emotions, well except kapag kasama niya ang dalawang Shin.
BINABASA MO ANG
The Gang Leader turns into a Mafia Heiress
ActionA gang leader named Kelly Yuri Shin that is known as a cold heartless leader of the Black Rose Gang. Along with her loving fiance named Marco Ichiro Lee. Their gang is one of the most popular gang all over the globe and the rank 1 of the Gangster Wo...