Chapter 21: Aftermath

1.5K 45 1
                                    

↭THIRD PERSON's POV↭


*Philippines*

Tahimik siyang umiinom ng alak habang nakatayo at nakatanaw sa labas ng veranda. Pinagmamasdan ang mga bituwin na kumikislap mula sa kalangitan at ang maliwag na buwan na nagbibigay tanglaw sa kadiliman ng paligid. Iniisip niya ang mga susunod na mangyayari. Ang mga mangyayari ayon sa plano niya.

Ilang saglit pa ay biglang tumunog ang cellphone niya. Kaya kinuha niya ito mula sa loob ng bulsa ng kanyang coat at tiningnan ang screen. Napangiti siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Sinagot niya ito agad ng may ngiti sa labi.

(Kuya.) sabi ng kabilang linya.

"Hello there baby. How are you?"

(Im fine. I miss you.)

Hindi maiaalis sa labi niya ang ngiti nang marinig ang sinabi ng kabilang linya. Gustong-gusto na niyang makita ang kausap niya sa telepono ngayon. Miss na miss na niya ito.

Ang nag-iisa niyang kapatid. Si Kira Chi Shigatsu.

"I miss you too. I miss my only lady."

(*chuckle* I'll see you soon kuya. And that soon will be tomorrow.)

Kumunot naman ang noo sa sinabi ng kausap. Pero agad din itong nawala at napalitan ng isang ngisi.

"Babalik na kayo dito?"

(Yes. And guess what? They already knew what happen to Mr. and Mrs. Jung. And they're after you kuya.)

Mas lumawak ang ngiti niya sa kanyang mukha. Hindi maitatago ang kagalakan na kanyang nadarama nung marinig niya ang sinabi nito. Umaayon ang lahat sa aking plano. isip niya.

"Good to hear that baby. Thats why I love you so much. Keep it up. Hanggang sa makuha natin ang dapat ay sa atin."

(And I love you so much too. As what I've said before, I'll do everything. We'll eliminate each one of them.)

"Of course. Even their families. So I'll see you soon Kira."

(I'll see you soon, Kuya Kuro. Good nig-----Hoy mahuhuli na tayo! Tama na yan! Aalis na tayo ano ba!!----Oo na sandali lang! Sasapakin kita ang ingay mo!)

"*Chuckle* Bye baby. Mukhang aalis na talaga kayo. I'll hung up."

Matapos nun ay binaba na niya ang kanyang telepeno at napatawa. Isang tawa na parang tawa ng isang demonyo. Na kahit na sino ang makakarining ng tawa niya ay manginginig ang tuhod at manlalamig dahil sa takot. Takot na mawala na sa mundong ibabaw.

"I really love this game. Sooner or later, I will hear your screams Kelly Yuri Shin. Pleading me to spare your life. Pleading me to stop from making you suffer. I'll kill your family. The Mafia KojiShin. All of you. So, be a good opponent dear."

↭JENELLE's POV↭

"Janine? Janine. Hey wake up Jan." sabi ko sa kanya habang mahinang tinatapik ang pisngi niya.

"Hmmm."

Dumilat naman siya at tumingin sa akin. Nginitian ko nalang siya kahit na pilit lang. Alam ko namang nasasaktan siya ngayon dahil sa nangyari. Naaksidente sina tito at tita. I hope na okay lang sila.

"Nandito na tayo Jan."

Tumango naman siya sa akin at tumayo na. Kakarating lang kasi namin. Nakababa na ang iba naming kasama. Kami nalang ang naiwan. Kinuha na din nila ang handy bag namin. Pagkababa namin sa private plane, hinawakan ko ang kamay ni Janine at naglakad papalapit sa mga kasama namin.

The Gang Leader turns into a Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon